CHAPTER 1

2.2M 45.8K 18.8K
                                    

CHAPTER 1

IT WAS a chilly night outside Club Red. Nanginginig ang katawan ni Themarie habang nag-aabang ng taxi na maasakyan pauwi sa inuupahan niyang maliit na apartment.

Themarie could afford a freaking penthouse, but she need to be inconspicuous. Kailangang makita ng mga tao na mahirap at mukhang siyang pera. Kaya nga isa siyang waitress ng Club Red.

"Hey beautiful." A guy purred over her ear. "How much for the night?"

Hindi natinag si Themarie sa tanong ng lalaki. Palagi na niyang naririnig iyon. Sa klase ng trabaho mayroon siya, sanay na siyang napagkakamalang hooker.

Kalmadong humarap siya sa lalaki na hindi naman kaguwapuhan saka nang-aakit na tumingin dito.

"How much?" Ulit niya sa tanong nito saka ngumisi. "Trust me when i say, hindi mo kaya ang halaga ko." Malakas niyang tinuhod ang pagkalalaki nito sabay sakay sa Taxi na kapaparada lang sa harapan niya.

Natatawa si Themarie habang nakatingin sa lalaking namimilipit sa sakit sa labas ng Club Red. Buti nga rito. Akala siguro nito ay isa siyang patakbuhing babae. He's mistaken. Kung nasa loob siya ng Club, sasakyan niya ang kalibogan nito. Too bad nasa labas na sila. The fearless and smart Themarie is back.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga ng makarating ang taxi na sinasakyan sa labas ng maliit niyang apartment. Shit hole!

Themarie gravely enter her new home and force herself to sleep. Tomorrow is another hellish day at work.

NANG magising si Themarie, wala na si Haring araw. Bumangon siya at mabilis na nagbihis saka nagtungo sa Club Red. That's her routine every freaking day. Club Red and Home. Wala siyang mga kaibigan na makakausap dahil alam niyang mga abala rin ang mga ito sa kaniya-kaniyang misyon.

Pagkapasok niya sa Club Red, buhay na buhay na ang buong paligid. Ang daming matatandang lalaki na naroon at naghahanap ng batang babaeng mauuto. Marami ring mga prosti roon na naghahanap ng masisilong 4M.

Matandang mayaman at madaling mamatay.

Idiniposito niya ang bag na dala sa locker room at doon na rin nagbihis. Hinubad niya ang puting blouse na suot saka pinalitan iyon ng halter top na uniform ng Club. Akmang ibababa na niya ang kaniyang denim jeans ng may magsalitang baritonong boses mula sa kanan niya.

"I wouldn't do that if i were you."

Mabilis niyang binalingan ang nagsalita at pinukol ito ng nakamamatay na tingin ng makitang nakatingin ito sa dibdib niya na parang siyang-siya ito sa nakikita. Buti nalang at hindi niya hinubad ang bra niya kanina. Suwerte sana ng lalaking 'to. Hmp! Manyak din e. Hindi man lang tumitingin ng palihim.

Pinagmasdan niya nang mabuti ang bastos na lalaki. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Nasisiguro niyang may abs ang singkit na 'to. Parang gusto niyang itaas ang suot nitong itim na shirt at siguraduhing may abs nga ito. He is handsome, alright. Square jaw, pointed nose, tanned skin, Chinky eyes that held amusement as he looked at her, oh, and those natural sexy red lips that is now stimulating and arousing her desires for this stranger.

Most men in the club wants to pay her for a kiss, pero ang lalaking 'to kahit libre, ayos lang.

"Sino ka?" Tanong niya ng makabawi sa pagkahumaling sa guwapo nitong mukha. "This is a ladies locker room."

"I'm the new Bartender. Naki-gamit ako ng banyo, sira doon sa panlalaki e." Suave ito magtagalog, ibig sabihin, ang mukha lang ang dayuhan dito, pero hindi sa salita.

"Ah. Okay. Umalis ka na." Mataray na aniya.

Naglakad palapit sa kaniya ang singkit na lalaki. Sa hindi niya malamang kadahilanan, napa-atras siya dahil hindi niya kaya ang presensiya nito. Parang may tumatambol sa puso niya ng tumigil ito sa harapan niya at ngumiti, showing his perfect set of teeth.

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon