CHAPTER 16

1.5M 33.5K 10.8K
                                    


CHAPTER 16

THEIR mission was simple, infiltrate the syndicate name Romano X, collect information and get out. Madaling sabihin, pero napakahirap gawin, lalo na kung si Shun Kim ang ka-partner niya.

Yes, they confess that they have missed each other, but that is all. Iniiwasan siya ng binata, nararamdaman iyon ni Themarie. Hindi nga ito tumitingin sa gawi niya, palagi itong nakakunot ang nuo at masama palagi ang tabas ng mukha.

He would scowl from time to time, glared at her then say nothing afterwards. Nakakapika na ang inaasal nito. For three consecutive days, she sucked it up. Kasalanan naman niya kasi kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kaniya pero napupuno na siya.

Alam niyang wala siyang karapatang magalit pero punong-puno na siya. Malapit na niyang kalusin ang galit na namumuo sa kalooban niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Shun ng makitang pipihitin niya pabukas ang pinto ng condo nito.

Huminga siya ng malalim saka nilingon ito. "Home."

"And where is your home?"

Bumuka ang bibig niya at handang magsinungaling na naman sa binata pero napigilan niya ang sarili. What's the point in lying? He already know the half truth about her.

Bumuntong-hininga siya. "May bahay kami rito sa Tuscany. Dito ako ipinanganak at lumaki. My mother is a Filipina, my father is a Tuscan. Baka hanapin ako ni Dad, magagalit na naman 'yon sakin."

Mas lalong nalukot ang mukha nito. "Dad?" Mapait itong ngumiti. "Puro kasinungalingan ang sinabi mo sakin noon. You present yourself as a poor woman in need of a wealthy gentleman. At ako naman si tanga, nagpa-uto sayo. Tell me, Themarie, was it fun lying to me?"

Bumuga siya ng marahas na hangin. Irritation is growing inside her. "Shun, we're both Agent. And part of that job is to lie and lie and lie. Kaya pagpasensiyahan mo na kung nagsinungaling ako." She felt so down all of the sudden. "I really have to go. Baka isipin ni Dad na sinasamantala ko ang dalawang buwan kong kalayaan."

Nagsalubong ang kilay ni Shun. "Dalawang buwang kalayaan?"

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Two months from now, I'll be wed to Lord Terron Dashwood."

Umasim ang mukha ni Shun, halata ang pagkadisgusto sa narinig. "Bakit ba hindi na ako nagulat? Mas mayaman siya sa'kin at mas kaya ka niyang buhayin. Tama ba ako?"

Hindi siya sumagot.

Dumilim ang mukha ni Shun. "Bakit hindi ka makasagot? Ang yaman lang naman niya ang habol mo 'di'ba? O baka naman mahal mo siya. You only like me after all." Diniinan nito ang saliting 'like me'.

Bumuga siya ng hangin. She felt defeated. Alam niyang kahit magpaliwanag siya, nakasara ang utak ng binata para intindihin siya.

Tinalikuran niya ito. "Aalis na ako. Walang patutunguhan ang usapang 'to."

"Why?" He sneered. "Because I'm just a lowly commoner while Terron is a fucking lord?!"

Ipinikit niya ang mga mata at nagbilang hanggang sampu bago binuksan ang pintuan at umalis sa penthouse.

She can't stand Shun. He's starting to piss her off big time. Malapit nang sumabog ang ulo niya sa pinaghalong galit at konsensiya na nararamdaman.

Papasok na siya sa elevator ng may humawak sa braso niya. Her reflex move before she saw that it was Shun. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng humawak sa braso niya at pinilipit iyon.

"Fuck!" Shun glared murderously at her. "Let go!"

Mabilis niyang binitiwan ang binata at kinagat ang pang-ibabang labi ng makitang mensahe nito ang braso na pinilipit niya.

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon