Chapter 11

12 2 17
                                    

Larry mits POV

"Larry, ang aga mo na naman."

Iyan agad ang bungad saakin ni Don. Pedro, syempre Don, kailangan ko ng pera! may bayarin na naman kami.

"Maaga talaga yan, Don...gusto ba naman ako makita."

Kaya naman ay nawala ang ngisi ko at napalitan ng inis.

Putangina mo talaga, Fuza! kay aga ba naman! nang iinis na.

"Aba, gusto mo pala si Sir Vince, Larry." Hindi ko alam kung nagbibiro si Don. o seryoso siya.

"Ano?, ako Don?, magkakagusto sa may sayad?, Big NO!" May pandidiri pa sa mukha ko.

Ilang beses koba ulit ulitin, kung si Fuza lang?...hay tatanda nalang akong dalaga!

"Aba, maypa Big NO kapa ah! ikaw Larry..." Kaya naman ay tumawa sila dalawa.

"Good morning pala, Larry." Masayang bati ni Fuza.

I ignore him. Sino naman siya para sabihin ko din ng good morning too! Duh! Nganga siya.

Nag suot na ako ng apron at hinanda na ang dapat gawin. Oras na para sa trabaho, kailangan kona talaga ng pera. Abot abot na ang bayarin sa school.

"Gaano kana katagal dito, Aldõnio?" Tanong pa ni Fuza na ngayo'y nakaupo at umiinom ng Coke sabay may cheesecake. Kay aga-aga coke agad!

Hindi ko siya sinagot, hanggang si Don nalang ang sumagot sa tanong niya.

"Dalawang taon na si Larry pa extra nagtatrabaho rito, Vince." Sabay tingin saakin, kaya naman ay nginitian ko si Don.

Oo, dalawang taon na ako bilang extrang tindera ni Don. Pedro sa bakery na ito. At swerte ako dahil may bukal na puso ang Don.

"Ha? Ang Bata mo naman nag trabaho, fourteen years old?..." He was confused and curious.

"Sanay naman ako, saka hindi na ako bata, matured na ang isip ko simula nong...." Tumigil ako nang napansin ko ang salita ko. Muntik.

"Simula nong?...what?" Bitin pa niyang tanong, parang gusto pa pakinggan kong ano ang huling sabi ko.

"Wala, wala kana don."

Kaya naman ay tumahimik lang siya.

"Ilang taon kana ba, Larry?...sana naman hindi ka matanda saakin, ayaw kopo sa Ate." Tumawa pa siya sa sariling sabi niya. Diko naman gets!

"I expect na 16 kapa, bukod sa pandak k-" natigilan pa siya ng binato ko na naman siya ng notebook.

Kawawa yung notebook ni Don. Eh, sa may sayad pa talaga siya patungo.

"Mag de-debut na ako this year," at deritsong sabi sa kaniya.

Napatigil pa siya.

"Huh? mag e-eighteen kana?, weh sa-"

"Sabi ng magkasing edad lang tayo eh!"

"So...late ka ng paso-"

"Oo, dahil natigil ako sa pag aaral" walang lingon kong sagot sa kaniya.

"Pwede ba Larry, patapusin mo mona ako magsalita?" Galit na galit na ang tono niya kaya naman ay mahina akong tumawa.

Hindi ko na siya sinagot dahil may dumating na customer, pero siya satsat parin siya ng satsat siya lang naman ang nakakarinig.

"Hi Miss, may mountain dew kayo rito?" Tanong ng isang lalaki.

Maitsura din ang mga to, mga biker sila, nakasuot pa sila ng helmet pang bike.

The Two Of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon