Chapter 16

10 2 25
                                    

Hi it's Sai (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)

Maaga po ang update dahil sinipag si me :)

______________________________________

Larry mits POV

"Larry!..."

Nakahiga pa ako, walang plano babangon. Nakakapagod. Idagdag mopa si Ate Fe na ang ingay ingay umagang umaga, jusko.

Bumalik na sa dati si Ate Fe, pero kahit wala ng lungkot ang mukha niya ay hindi parin niya ako sinabihan kung ano ang nangyari sa kaniya. Hindi ko nalang ito tinanong, respeto nalang din sa kaniya. Naka only me, ayaw e friends to friends.

"Ang dami mong labahan, Larry. One week kang hindi naglaba! ano susuotin mo? Dahon sa saging susuotin mo?..."

Hindi ko to naranasan kay Mama pero kay Ate Fe naranasan ko, damang dama niya yung pagiging Ina.

"Ate Fe, maglalaba naman ako. Para kang Ina, kay aga aga!" Kinukusot kusot kopa ang mata ko.

Natawa naman siya.

"Napasubra ba?, bilisan mo na at papasok pako sa school."

"Hindi talaga ako papasok ng college Ate, nakakapagod pumasok ng sabado." Natatawang sabi ko bago inalagay sa baldi ang mga labahan.

"Subukan mo lang na di ka mag aaral ng college, sasapakin kita ng makapal na libro ko diyan, tignan lang natin!"

Isinuot na niya ang shoulder bag niya at may hawak ng tumbler. Angas ng porma ah, naka fit na pantalon pa.

"Sige na at pupunta nako, maglaba kana diyan." Paalam ni Ate Fe.

"Bye, ingat." Aniya ko.

Matapos akong kumain, maghugas at maligo ay dumiretso na ako sa likuran namin para simulan ang paglaba.

"Tang ina. inubos ba naman ang powder."

Bumalik ako sa loob para kumuha ng barya. Pagkalabas ko sa pintuan ay binungad kaagad ako ng malamig na hangin kasabay ng araw sa umaga.

"Ang aga pa lord, wag mona ngayon." May balak ata akong paakyatin ni Papa Jesus e.

Nasisilawan pa ako dahil masyadong derikta ang init sa pintuan namin. Nakayuko ako para hindi masilawan.

Bumaba ako ng hagdan, sa pagbaba ko pa ay kita ko na agad na may tao.

Yawa. Anong ginagawa niya rito?

"Bat ka andito?" Deritsong sabi ko.

"Di ka nag reply sakin kagabi, akala kong ano na nangyari sayo."

Asan ba to pupunta? Grabe ang aura ah, naka hoodie, nakapants na gray at nakasapatos pa.

Hindi ko siya sinagot at tinignan siya mula paa hanggang ulo. Kaya naman ay naiilang siya.

"San lakad mo?" Kunot noo kung sabi.

"Dit–"

"Nakatulog na ako kagabi kaya dinna kita nareplyan pa," sagot ko sa tanong niya kanina.

"Asan pala lakad mo?"

"Dito—este sa ano mall, p-pupunta ako ng mall...maya maya" aniya nito.

Niliitan ko lang siya ng mata, alam ko na iyan Fuza pag hindi kana mapakali at hindi makatingin saakin ng deritso, nagsisinungaling ka.

"Wag moko lukuin gago ka, sinong tanga pupunta dito? umagang umaga ha?" Saka binuksan ang gate. Bibili pa pala ako ng powder.

"Ako...oy Larry, san punta mo?"

The Two Of Us Where stories live. Discover now