I woke up with a smile on my face. Sino ba ang hindi nasisiyahan binigyan ako ni Ms. Green ng bracelet with my initials on it. Tapos si Ms. Dean ay binigyan ako ng kwentas na may moon na design. I'm still laying on my bed kasi Sunday naman and I don't have any plans today.
"Apo, are you there?" Sabi ni Lolo at kumatok ito.
"Yes, lo" Sabi ko at bumangon na.
"Good morning apo. Belated happy birthday" Sabi nito at hinalikan ang pisnge ko.
"Good morning po Lo. Salamat po" Sabi ko at niyakap ito.
"Get ready. I have something to show you" Sabi nito at ngumiti.
"Okay po Lo" Sabi ko at naligo na agad. I'm wearing shorts, a graphic tee na t-shirt, socks, sneakers na bigay ni Ms. Dean. Pagkatapos ay naglagay lang ako ng sunscreen kasi nakapainit ngayon at kinuha ang sunglasses ko.
I checked the time and it's 10 in the morning pa pala. Bumaba na ako at kita ko si Lolo sa may living room at umupo.
"Kumain ka muna apo at may kukunin lang ako" Sabi nito at tumayo na.
"Capo, ano gusto mo?" Sabi ng isang katulong namin.
"Kape lang po" Sabi ko at ngitian ito.
"Copy, Capo" Sabi nito at umalis na.
I immediately checked my phone and there I saw thousands of videos and pictures last night. I was scrolling through my Facebook and I tried to search for the names of my professors pero wala talaga. Maybe they are not into social media. Naalaa ko na friends pala kami ni Ms. Lea kaya pumunta ako sa account niya and there I saw pictures of them last night. Ang ganda talaga tignan parang mga model. One thing that caught my eye ay si Ms. Green kahit na naka poker face ito ay ang ganda pa din tignan.
"Capo, here's your coffee" Sabi nito at binigay sa akin.
"Thank you po" Sabi ko at tinignan kung sino ang naka tag sa pictures. Nakita ko una kang Ms. Green. I saw some of her pictures kasi naka public ang iba. Maganda naman pala ito kapag nakangiti. Habang nag scroll ako sa mga pictures nito ay hindi ko namalayan na may natapon pala sa screen ng cellphone ko. Kaya I try to clean it with my hands kaso lang na share ko pala ang isang baby picture nito na naka wonder woman accidentally.
Pumunta na sana ako sa Facebook feed ko para eh delete kaso lang na lowbat ang cellphone ko. Great just fucking great!!
"Apo, are you okay?" Tanong ni Lolo at tumango lamang ako sa kanya.
"Opo, tara na po" Sabi ko sa kanya at nilagay sa bulsa ang cellphone.
"Hop in, apo" Sabi ni Lolo at pumasok na ito sa driver seat ng Wrangler Jeep.
"Lo, saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at tinignan ang mga tauhan nito na sumusunod sa amin.
"You will gonna love it here, apo. This is the place kung saan kami nagkakilala ng Lola mo" Sabi nito at tumingin sa akin saglit.
My Lola died when I was 5 years old. Kaya Wala akong masyadong maalala na memory kasama siya. Ang alam ko lang ay namatay ito sa sakit at hanggang ngayon ay hindi na nag asawa si Lolo. Ang sabi ni Lolo sa akin ay childhood friends sila. Pumupunta kasi si Lolo sa province nila every summer kasi may business ang kanyang magulang doon.
"Lo, how do you know na you love Lola?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko pa naranasan ito.
"May nagugustuhan ka na ba, apo? Tanong nito at pilyang ngumiti.
"H-hindi po, nagtatanong lang" Sabi ko sa kanya at tumingin sa kabilang bintana. Narinig ko namang tumawa ito.
"Well, sa akin lang apo. Gagawin mo lahat makita mo lang itong Masaya. Kahit na sumayaw ka kahit ang pangit ng sayaw mo. Kumanta ka kahit ang pangit ng boses mo. Kapag gusto mo siyang makita araw-araw. Kapag nasa paligid ito ay pinagmamasdan mo and nothing else matters kundi siya lang. Lastly, kahit pinalibutan ka ng magagandang babae siya pa rin ang nasa isip mo wala ng iba." Sabi nito at ngumiti sa akin.
Here I am still deciphering what he said. Nakakabobo pala talaga ang pag-ibig.

ESTÁS LEYENDO
EUPHORIA (PROFXSTUDENT)
FanficWhen two individuals' paths cross in the most peculiar of circumstances, and their souls meet, an enigmatic and inexplicable love can emerge. The universe works in mysterious ways, and when it decides to bring two people together, the result can be...