CHAPTER 08

8.5K 338 54
                                    

CHAPTER EIGHT

Eyes

"Tanga! Hindi ganiyan ang pagpaint! Akala ko ba architect student ka, bakit ang pangit mo magpaint?"

Boses ni Summer ang bumungad sa'kin pagkalabas ko ng kuwarto. Nanggagaling iyon sa art room, sa tabi lang ng kuwarto niya. Pinagawa ng parents namin ang art room na iyon para kay Summer.

"Grabe na ang pangmamaliit mo sa'kin. Sobra ka na."

Nagsalubong ang mga kilay ko ng marinig ang boses na iyon. Nandito na naman pala ang kupal niyang manliligaw?

Humakbang ako patungo sa art room para silipin kung ano ang ginagawa nilang dalawa.

"Medicine sana ang kukunin kong course sa college kasi 'yon ang gusto ng parents ko. 'Yong lolo ko kasi, doctor, gano'n din 'yong tita at tito ko, and even both of my parents kaya gusto nila magdoctor din ako," narinig kong pagkukuwento ni Jaevier.

"So, bakit ka nag-architecture?"

"Alam mo na 'yon. Kailangan ko pa bang ikuwento? Sirang-sira na nga ang dignidad ko e."

Tumawa ng malakas si Summer. Narinig ko pang umaray si Jaevier, malamang ay hinampas na naman ito ni Summer.

Marahan akong kumatok ng tatlong beses sa nakabukas ng pinto para kunin ang kanilang atensiyon. Sabay silang lumingon sa akin.

Magkatabi silang nakaupo sa sahig at parehong may hawak na paint brush. Umangat ang kilay ko ng makita ang puwesto nila. Mabilis akong naglakad papasok at walang ingat kong itinulak pagilid si Jaevier, saka ako pasalampak na umupo sa kanilang gitna.

Magpipaint lang kailangan magkadikit na magkadikit talaga?

"Kontrabida mo naman, kuya," ani Summer na sinimangutan at inirapan pa ako.

"Mahirap na, baka mamaya malaman ko na lang magiging tito na ako. Hindi pa ako handang magkaroon ng pamangkin," wika ko bago ko dinampot ang canvas na nasa harap ni Summer at sinipat ang gawa niya. Taniman ng palay, may kubo sa gilid at may mga bundok sa malayo. Maganda at malinis ang pagkakagawa niya. As I expected from my sister. She's really talented when it comes to the arts.

"Ang OA kuya, huh? Magkatabi lang kami. Wala pa akong nababalitaan na nagtabi lang umupo, nabuntis na," ani Summer na umirap pa sa akin.

I glared at her. Sa mga ganitong pagkakataon talaga ako napapahiling na sana naging lalake na lang si Summer para puwede ko siyang banatan sa tuwing mababanas ako sa bunganga niya. Minsan nakakapikon din talaga siya e.

Ibinaling ko ang masama kong titig kay Jaevier ng tumawa ito. Isa pa ang abnormal na ito. Porke't hinahayaan ko na sila ni Summer, kung makatiyansing wagas! Hindi ko parin siya tanggap!

"Bakit ba ayaw mong magkaroon ng pamangkin sa akin? I'm sure guwapo at maganda ang magiging anak namin ni Summer kung magkataon," ani Jaevier na pigil na pigil ang tawa.

"Maganda ang lahi namin eh," wika ko bago ngumisi. Muli kong binalingan si Summer. "Basta, 'wag munang magpapabuntis Summer, huh? Sinasabi ko sa'yo, 'wag na 'wag mo ng ipapakita sa akin ang mukha mo kapag nagpabuntis ka sa tarantadong 'to." itinuro ko si Jaevier.

"Magtapos muna ng pag-aaral. Alam kong dalaga ka na at alam mo na kung ano ang tama at mali. Kung hindi naman mapigilan na... may mangyari... puwede namang gumamit ng protection. Maraming condom na mabibili diyan sa tabi-tabi, o kaya puwede namang magtake ng contraceptive pills kung ayaw ng condom. Basta huwag n'yo lang akong babalitaan na magkakapamangkin na ako dahil talagang sasamain kayong dalawa sa akin," I added.

Calmness In The Midst Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon