DORMITORY SERIES: When I'm With You
CHAPTER THREE [ COMPULSORY ]
maya maya ay umalis na si klieo galing sa rooftop ng campus nila at umuwi na.
____________
fianna's pov.
" so‚ ano nga nangyari? bakit napunit? " tanong ni jelisha sa 'kin. " nagmamadali kasi ako kanina baka ma-late ako sa report ko‚ " sagot ko sa kaniya ha ang iniisip pa rin ang mga kahihiyang nagawa ko kaninang umaga lang. " hayaan mo‚ 'wag ka nalang magpaka-stress jan‚ " pagpapahinahon sa 'kin ni jeli.
" thank you‚ jeli ha! ewan ko nalang talaga‚ kung hindi pa dumating si sir nico at ikaw‚ baka umiiyak na ako ngayon sa sobrang takot‚ " pagpapasalamat ko kay jeli sabay kwento. " pano na ako papasok bukas‚ eh hiyang-hiya na ako sa sarili ko. " dagdag ko pa. " basta bess‚ kung may kailangan ka nandito lang ako‚ kami... 'yung mga girls‚ palagi ka naming tutulungan sa tuwing ika'y may kailangan. okay? " sabi ni jelisha sabay yakap sa 'kin.
____________
klieo pov.
" wala ka talagang kwenta! " rinig kong sigaw ni mommy sa sala sabay hagis ng libro kay kuya nico. " diba sinabi ko naman sa 'yo na 'wag na 'wag kang makikisali sa mga kaguluhan ninyo sa campus!? " patuloy parin ang pagtalak ni mommy kay kuya pero parang hindi man lang natatablan si kuya sa mga pinagsasasabi ni mommy.
" ano? hindi ka lang ba mag-eexplaine? alam mo bang p'wede masira ang reputasyon ng dad mo? at pati na din ang mga companyang pinatatakbo niya dahil sa 'yo!? " dagdag pa ni mama at kuha ang baso na may lamang wine sabay tapon kay kuya.
hindi man lang nagsasalita si kuya at aakmang tatalikod na sana ito para umalis ay bigla nalang hinawakan ni mommy ang kaniyang braso at sinampal ito ng dalawang beses. " ganiyan kana ba talaga ka bastos‚ nico? " sumbat ni mommy‚ " pinalaki ka namin ng maayos nanag dad mo‚ ni hindi na nga namin naaasikaso si klieo dahil sa 'yo! dahil akala namin ng daddy mo‚ na ikaw ang susunod sa mga yapak na pinagdadaanan niya! " sunod sunod na sumbat ni mommy at para bang wala paring pake si kuya nico.
" aba! hindi mo ba talaga ako sasagutin? manang mana ka talaga sa lolo mo eh! " matapos magsalita ni mommy patungkol kay lolo ay agad namang nagbago ang galaw ni kuya at tinitigan si mommy ng kakaiba. " wala ka talagang respeto‚ at kailan mo namang natutunan ang tingnan ako ng ganiyan? " sumbat ni mommy. at aakmang sasampalin sana siya ni mommy ay agad niyang sinalo ang braso ni mommy.
_________
" tsk! " inis na inis na si mommy sa mga pagkakataonng ito. " alam niyo mom? kaya mas pinapahalagahan ni dad ang pagtatrabaho kaysa sa inyo dahil hindi niya kayang magtagal sa tabi mo‚ kaya nga naghanap siya ng iba hindi ba? at nagkaroon ako ng kapatid na mabait‚ hindi kasing kanal ng pag-uugali niyo mom. " mahinahong sumbat ni kuya kay mommy‚ kaya para namang nawalan ng lakas si mommy at ibinaba ang kamay niya nang binitawan ito ni kuya.
" okay lang naman sa 'kin ang ganitohin niyo ko mom eh‚ pero ito ang tatandaan ninyo‚ hindi na ako bata para gawing sunod sunuran niyo‚ may sarili na akong pag-iisip‚ at kung makisali man ako sa mga kaguluhan sa campus‚ wala na kayo dun... at syaka naman kung mature enough kana mom‚ alamin mo muna kung ikakamature mo ba ang manali ng ibang tao para ipamukha sa sarili ko na wala akong kwentang anak o maging tao man. " mahinahong sabi ni kuya nico " sorry. " dagdag pa ni kuya sabay akyat papunta sa kaniyang kwarto.
hindi ko nalang din nilapitan si mommy at umakyat nalang din papunta sa kwarto ni kuya.
" knock! knock! "
" tuloy‚ " sabi ni kuya kaya naman pumasok na ako sa loob. " okay ka lang ba kuya? " tanong ko kay kuya sabay upo sa sofa niya. " nandun ka ba? " tanong niya naman sa 'kin. " i heard and saw everything‚ kuya " sagot ko naman sa kaniya. " i'm sorry‚ klieo. " biglang sabi ni kuya sabay upo. " bakit ka nagsosorry kuya? wala ka namang ginagawang masama sa 'kin. " sabi ko kay kuya.
" alam kong lahat ng gusto hindi mo nakukuha pero ako... kahit anong gustohin ko nakukuha ko. alam ko kung anong nararamdaman mo. sana maintindihan mo na ginagawa at trinatrato lang nila ako ng ganito dahil akala nila magagawa ko yung mga gusto nila... na sumunod sa mga yapak ni dad at maging isang successful na business man‚ alam kong nakakaramdam ka ng hindi pantay na pakikitungo... pagpasensyahan mo na ang kuya. " mahinahong sabi ni kuya sabay yakap sa 'kin.
" kung alam mo lang kuya‚ galit na galit ako sa 'yo‚ naiinis‚ naiinggit‚ at kinamumuhian kita‚ naiingit ako sa lahat ng meron ka. minsan na din sumagi sa isip ko na pagtraydoran kita... pero ikaw lang ang taong nakakaintindi sa 'kin sa pamamahay at pamilyang 'to... sa 'yo ko lang naramdaman ang pinapahalagahan‚ kuya. kahit ganito ako mag-isip‚ hinding hindi ako gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo‚ mahal kita kuya... " sambit ko sa aking isipan. " hayaan mo na kuya... " tanging nasabi ko.
______________
To be continued...
Originally written by: thepenofljba
୨•୧-ljba's note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.
d - i - s - c - l - a - i - m - e - r - s :
✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author's imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
" When I'm With You " Dormitory Series #3
Любовные романыDORMITORY SERIES: When I'm With You 0.3 - a series of ljba. 📖 a story of a tenant girl‚ siya ay isang simpleng babae lamang at may nakilala siyang lalake na minahal niya ng lubusan‚ pero tutol ang mga magulang ng lalake dahil magkaiba sila ng antas...
