2

16 1 2
                                    

3rd person's POV

Naglalakad si Lou Anne sa corridor ng Bonifacio building papunta sa library nang makita niya si Khail na pumasok ng library.

'Ayiiiieeee!!! Nasa library rin siya!!! Umaygulay!'

"Hi, Ms Jam!" bati nito sa kaibigang librarian.

"Oh? Aga mo ngayon ah! Dismissal niyo na ba?" tanong naman nito sa kanya.

"Uh-huh, maagang dinismiss ang section namin eh." sagot naman nito sa kanya bago umupo sa visitor's chair sa tapat ng table ng librarian, kung saan nasa likod lamang nito ang periodical lounge na kinauupuan ni Khail.

"Ahh, oh, kamusta ka naman?" tanong ni Ms Jam kay Lou Anne.

"Maganda pa rin naman po." sagot nito ng pabiro.

"Huwaw ah!"

Tumawa naman ng mahina si Lou Anne at tsaka tinanong kung available na ba ung hinahanap nyang libro.

"Nandun na sa shelves, hanapin mo na lang doon."

"Ok, thank you po." sabi nito bago tumayo at pumunta sa shelves para hanapin ang Les Miserables.

"Five people you meet in heaven, One more day, Chicken Soup, Chicken Soup, Chicken Soup... Hmmm.... Yah!" kinuha niya ang makapal na libro ng Les Miserables at tyaka naupo sa sahig.

Di naman kalayuan sa kinauupuan ni Lou Anne ay si Marvien na tahimik siyang pinapanuod.

'Muntanga talaga, ang dami-daming upuan, sa sahig pa naupo. Tss.' sabi nito bago irap kay Lou Anne at nagpatuloy na nagbasa ng Calculus book.

"Cause I have fallen in love with you..."

fdx = x + C

"I would run away with you..."

f In xdx = x (In x-1) + C

"with you...."

"Ganyan ka ba talaga magbasa ng libro? Kumakanta?" iritang tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako at umirap.

"I'll go back to december all the time..."

Tsk!

"Hoy, tinatanong kita. Wag kang kumanta uli." bulong ko ng marahas.

"Pakielam mo?"

Ay nako nga naman! Mga babae nga naman! MANHID.

"Nakakaistorbo ka, lumayo ka nga kung kakanta ka lang. Pumunta ka sa music room para malayo." sagot ko sa kanya.

"Tss... Nakapaka-sungit! Daig pa ang nag-memenopause!" sabi niya bago tumayo at naglakad papunta sa circulation area.

"Baliw talaga." bulong ko.

"Mahal mo naman." sabi ni ate nung nakabalik na siya mula sa pagkuha ng libro.

"Tss... Sinong may sabi?"

"Ikaw. Inulit ko lang." tamad na sagot niya.

Tss... Oo na lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HALOOOO, comment, vote and share IF YOU WANT and IF YOU THINK IT DESERVES TO BE. pero mas maganda pa rin kung may suppoert, diba? wahahahaha!

Written April 2, 2013. (c)Sarina Fontanella

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MispelledWhere stories live. Discover now