CHAPTER 13

9.6K 408 108
                                    

CHAPTER THIRTEEN

baby

"Kumusta ang bakasyon, pre? Marami bang japanese sa japan?"

Binatukan ko si Axiel sa sinabi nitong iyon. Puro katarantaduhan ang pinagsasasabi ng kupal na 'to.

We are in the bookstore, buying some school materials. Kagagaling lang namin ng university at dito agad kami dumiretso sa bookstore na malapit lang din sa university.

"Dapat kasi sumama ka na lang sa akin sa Hawaii. Alam mo ba pre, ang sesexy ng mga babae roon, grabe! Big boobies, slim waist, pamatay na hips, big booty!" Pagkukuwento niya na uma-action pa. "Tang ina, kung puwede lang na doon na ako tumira eh, umuulan ng mga sexy-ng babae sa Hawaii!"

Napailing ako. Tang ina nitong si Axiel, puro babae ang laman ng utak eh. Siguro kapag nawalan ng babae sa mundo, siya ang unang-unang mamamatay sa sobrang hayok sa babae. Kung hindi lang siguro siya maingat ay baka sampu na ang panganay niya. Ipinagdadasal ko na nga lang na sana'y huwag magka-HIV ang hayop na 'to.

Sa Hawaii sila nagcelebrate ng new year kasama ang pamilya niya. But knowing Axiel, siguradong sumama lang 'yan para tumikim ng mga babae roon. Goal yata niyang tikman ang mga babae sa iba't-ibang panig ng mundo.

Hindi naman kami nagtagal sa bookstore. Pagkatapos masigurong nabili na ang mga kakailanganin namin sa school ay naghiwalay na kami ni Axiel at dumiretso na ako ng bahay sakay ng kotse ko.

Nakaupo ako sa harap ng study table at kaharap ang laptop ko, doing my school activities, when someone knocked on my door.

Lumingon ako at bago pa man ako makatayo ay bumukas na iyon. Bumungad sa akin si Summer, ngunit agad akong napakunot ng noo ng makita ang nag-aalalang mukha niya. Nakasuot siya ng kulay pink na magkapares na hello kitty pajama, sa ulo niya ay naroon ang kaniyang sleep mask na kulay pink din, mukhang handa na siyang matulog. Pasado alas onse na ng gabi, akala ko nga ay natutulog na siya.

"Bakit?" Salubong ang kilay na tanong ko, nagtataka kung bakit mukhang madaling-madali siya.

"Sorry for disturbing you, Kuya, pero... si Jaevier kasi..." Ibinitin niya ang sasabihin kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

Anong meron sa kupal na 'yon?

"Kuya, nasa bar si Jaevier, umiinom. Tinawagan niya ako ngayon lang at mukhang lasing na lasing siya," balisang sabi niya. Guilt was now plastered on her face. "Sinabi ko na kasi kanina sa kaniya 'yong about sa amin ni Yesha, and... he looks so hurt. I think I am the reason kung bakit naglalasing siya ngayon. Nagi-guilty ako kuya."

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakaupo at hinintay siyang matapos sa pagsasalita. So, sinabi na pala niya?

"Gusto ko sana siyang puntahan sa bar kaya lang may ginagawa pa akong mga activities. Puwede bang... puntahan mo siya sa bar, kuya? Makikisuyo lang sana ako. Nag-aalala kasi ako, baka kasi mapaano siya doon eh. Mag-isa pa naman siya. Hindi ko naman matawagan 'yong mga friends niya kasi wala akong number nila..."

Napahinto siya sa pagsasalita ng dumako ang paningin niya sa laptop ko. He bit her lower lip. "Uh, nakakaabala yata ako. Sige kuya, ako na lang ang pupunta... Sorry, hindi ko alam na may ginagawa ka rin pala," aniya bago nagmamadaling tumalikod sa akin.

Akmang aalis na siya ng magsalita ako.

"Pupuntahan mo ang kupal na 'yon sa bar ng ganitong oras ng gabi?" Asik ko bago tumayo. "Gawin mo na ang mga activities mo, tapos matulog ka na. Ako na ang pupunta."

Hindi ko na tiningnan pa ang reaksiyon ni Summer. Agad akong pumasok sa walk-in closet at basta na lang kinuha ang isang puting hoodie at isinuot iyon.

Hindi naman ako tanga para hayaan na lang si Summer na lumabas ng ganitong oras ng gabi, lalo pa at delikadong lugar ang pupuntahan niya.

Calmness In The Midst Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon