Kabanata Anim

15 0 0
                                    

Your Name Has Echoed Through My Mind


They talk of resilience as if it were a muscle easily flexed. Yet after a while, even flinch gets tired of waking to a body mapped with bruises like a grim constellation. Timothy Joshua.

"Hey..." I picked up the mobile phone after three rings. "I'll take a bath and prepare for leaving," I informed the guy on the other line. Looking outside the window, I noticed the stillness of the surroundings. Of the vacant yard from Monreal's property, of the empty street outside, of the sun set almost high in the sky.

"No pressure, Aragon," Donny chuckled over the phone. "Simbahan na lang mamaya," he was talking about the old church, Saint Gregory in Indang town proper.

"I'm just telling," buwelta ko. "You know, I'm not good at beating time," then I finished with a light chuckle.

"Okay, then. I'll hang up."

Saglit pa akong natulala sa puwesto ko. Let us meet on Saturday at CvSU Chapel, 9:00 am sharp. I checked the round clock mounted on the peach-painted wall, then after heaving consecutive sighs, I shrugged the distractions out of my head. Nagtungo na ako sa banyo upang simulant linisin ang katawan.

"Wow. You look pretty in that white dress!" komento ni Donato nang tabihan ko siya sa upuan. Nasa loob na kami ng simbahan at hinintay ko lamang na matapos siya sa pagdadasal.

"Thanks for the compliment! Libre mo ako later," saad ko.

When he asked a favor about accompanying him to Lola's graveyard, I did not hesitate to. Sa maraming beses niya akong pinakitaan ng kabutihan-loob, at sa pagpapahiram ng reviewer at pagpapakopya ng assignments, hindi ko naisip na tumangging samahan siya sa sementeryo upang bisitahin ang mahal na lola. He once shared na siya ang paboritong apo, at ibinida rin na roon niya namana ang galing sa pagluluto ng menudo at tinolang manok.

He placed Lola's favorite flower on the tomb. I waited for him until he insisted on leaving the place. Hindi man daw halata, pero Lola's boy talaga siya. He grew up with his grandmother when both of his parents were working abroad, specifically in Alberta, Canada. Marahi siguro sa kabila ng anyong matikas ay naroon ang maginoo sa kanyang galawa. Ang laki ng katawan ay tugma lamang sa tangkad niya, hindi papasang payat ang hitsura. Nasa tamang istilo ang ayos ng buhok, at malinis tingnan ang kanyang pananamit.

"Salamat sa pagsama sa akin upang hatiran ng bulalak si Inay Herme." Pumara siya ng tricycle upang ihatid kami sa barangay nila. Hindi naman kalayuan ito, at pagdating namin sa tahanan ay amoy ang masarap na ulam.

"Ma, nandito na kami!" pagtawag ni Donato nang makapasok kami sa sala ng bahay. Dalawang palapag ang bahay ng pamilya Olandes. Katamtaman laki ang sala na kasya sa lima hanggang anim na katao dahil may sofa set iyon sa harap ng flat screen ng TV at single speaker. Mula sa tabing ng kurtina ay nagpakita ang babae, siguro nasa edad singkwenta. Nakasuot ito ng bestida at may hawak na sandok.

"Magandang araw po," bati ko sa ina ng kaibigan.

"Magandang tanghali rin sa iyo," magiliw niyang sagot at talagang nagpakita pa ang matamis ng ngiti sa mga labi. Doon nakuha ni Donny ang pagiging masayahin ng mga mata at magaan na awra sa pagharap sa tao. Ang mga yapak sa hagdan ang nagbaling sa akin sa kanyang mga kapatid na bumababa tungo sa salas, siguro'y nagugutom na dahil tanghalian na naman.

"Ma, si Apphia Nazarene, kaklase at kaibigan ko," pagpapakilala niya sa akin sa butihing ginang.

Akala ko ay makakarinig ako ng hiyawan at aasarin kaming dalawa ngunit nanatiling kalmado ang paligid. Ganoon naman kasi, kapag may dinadalang bisita sa bahay ang isang tao, iniisip ng karamihan na magkasintahan, na kahit ang totoo ay wala naman talagang namamagitan sa dalawa at pagkakaibigan lamang ang relasyon.

Wish You Were A Stranger I Could Disengage Where stories live. Discover now