Kabanata Walo

14 0 0
                                    

Slipping Ecstasy

I had never dreamed nor imagined this; to celebrate a special day of mine in a luxurious way like glittering spaces and sparkling lights in an exclusive garden owned by no other than de Zurielas here in Mendez, Cavite. Hindi sa hindi ko ito gusto ngunit hindi ko lamang naisip na mapaghahandaan ako nang ganito ng aking mga magulang kahit pa nag-iisang anak ako ng mag-asawang Clavio at Meryl.

The private property where my eighteenth birthday party will be held was a wide hectare managed by de Zuriela, a wealthy family in the name of engineering business. I was pretty sure that Tita Astrid Monreal played a big role in organizing this event. Kilala niya ang pamilya de Zuriela na namamalagi sa Metro Manila o di kaya'y sa Cebu.

Hindi ko alam kung paano niya napaki-usapan ang mga de Zurielas o napapayag ang mga magulang ko. But nevertheless, I was enthralled with the cozy and inviting venue, lalo't napapalibutan ng maraming puno at tahimik ang nasabing lupain. The tall pine trees lined up, serving as trail, or entourage if you wanted to explore the whole place or liked to roam around for fresh air and a nice view.

I was wearing a no-sleeve silk white ball gown dress inspired by Dior's collection. Someone fixed my hair into a bun with a braid style framed by my face and a few strands left untouched near my ears which added a natural and bare look. Masasabi kong magaling ang glam team na kinuha ni Tita Astrid dahil nang muling tingnan ang sarili sa salamin ay tila nakatulala ako sa ibang mukha.

May narinig akong mahinang kaluskos at sunod na nagpakita ang mga magulang ko. Naka-akbay si Papa sa balikat ni Mama habang humahakbang patungo sa akin. Doon ko napagtanto na palihim na sumisinghot si Mama at namumula ang kanyang perpektong hulma ng ilong. Para sa akin, ilong ang pinakamaganda at paborito kong parte ng katawan ni Mama sa panlabas na anyo.

"Ma, why are you crying?" I started to tease this beautiful woman who carried me in her womb for nine months. "I told you last time, I'm not going to marry yet. I'm just celebrating my eighteenth birthday."

Imbes na tumahan na ay lalo siyang napaiyak sa tinuran ko. Ayaw kong masira ang pinaghirapan ng make-up artists kaya pinigilan kong maluha at niyakap na lamang ang ina nang sobrang higpit. Nang kumalma ang ina ay saka inilabas ni Papa ang maliit na kahon, may nakasulat na pangalan doon at alam kong hindi ito bastang ordinaryo o mumurahin lamang.

"You are now a young lady," deklara ni Papa. Ipinakita ng ama ang regalong kuwentas—rose gold beaded heart chain necklace—at tinulugan niya akong isuot iyon sa aking leeg. "Maligayang kaarawan, anak."

"Sobrang ganda po!" manghan kong komento, "Thank you so much, Papa! Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Mama."

Muli kong niyakap nang mahigpit ang dalawang pinakamahahalangang tao sa buhay ko—they were the greatest gifts I had ever received from above—bago tinawag ng organizer dahil magsisimula na ang programa para sa kaarawan ko. When the emcee called my name, my parents escorted me outside to meet the guests. I saw familiar faces smiling in our direction; some holding phones to capture the moments.

I was not really so fond of grandiose things, but seeing what was in front of me, hindi rin pala masama na minsan ay maghangad at yakapin ang kumikinang lalo na't ito ang lumilikha ng kakaibang saya kahit panandalian o isang araw lamang. Bagama't hindi ako sanay sa ganitong atensyon na iginagawad sa akin. Tinawag ang mga magulang ko para sa panimulang mensahe. Katulad kanina ay naka-akbay si Papa kay Mama. Napangiti ako sa buhay na larawan, para silang mga dalaga't binata. At kahit nagsasalita na si Mama ay hindi pa rin siya hinihiwalayan ni Papa, naka-alalay ito sa butihing asawa.

"Happy eighteenth birthday, anak! Gagawin namin ng Papa mo ang lahat para mabigyan ka ng magandang kinabukasan. Hangad namin na makagpagtapos ka ng pag-aaral at maging isang guro. Proud kami sa ginagawa at lahat ng nakamit mo. We are so blessed to have you. The daughter I dreamed and prayed for. I love you, Apphia Nazarene."

Wish You Were A Stranger I Could Disengage Where stories live. Discover now