Chapter 32

334 13 0
                                    

Maingat lang ang hakbang ko paakyat sa kwarto ko. Hindi pa napapaalis ang mommy ni Uggo sa bahay nito, kaya para hindi magtagpo ang landas namin. Sa unang beses pagkatapos ng mahabang panahon na pagkikita namin, ayokong makaharap siya. Uggo's mom wasn't the type of woman to be dealt with.

I successfully made it to my room without making such noise. Kahit pumasok man si Mrs. Cantallejo ay nasa loob ako ng kwarto ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa kama.

I texted Uggo.

Harry:
Nandito ang mommy mo. Pero hindi pa siya pinapapasok.

Sabi ko sa text message ko bago ito binaba. Hindi ako nag-aanticipate sa text ni Uggo pero sana ay makita niya yun para malamang nandito ang mommy niya. Mrs. Cantallejo was like a dragon ready to spit a fire especially when she came across me again.

Sumilip ako sa may bintana. Nadismaya pa ako dahil hindi kita yung gate sa may bintana ko. Yung kita lang ay ang hardin.

Pinagdarasal ko na talaga ay dumating si Uggo o di kaya ay umalis na yung mommy niya. Nakakatakot talagang harapin ang matandang yun. Malay ko kung ano ang gagawin niya sa'kin kapag makita niya ako dito sa mansyon ni Uggo. I swore that I'd never want to cross our paths again.

Nakatulog ako sa kakahintay kay Uggo. Nagising nalang ako na may nagsusuklay sa buhok ko. Naalimpungatan ako ako kaya napadilat ako ng aking mga mata. Bumungad sa akin ang malamlam na tingin ni Uggo. I smelled his manly perfume, it's my favorite scent everyday when I woke up. Hinahanap-hanap ko talaga yung pabango niya.

Naalala ko bigla si Mrs. Cantallejo na kanina lang ay nandito sa mansyon niya. Napabalikwas ako ng upo kaya naman nagulat si Uggo, napataas ang dalawang kilay niya sa gulat at bahagyang napaawang ang labi niya.

"Yung mommy mo. Umalis na ba siya?"

I knew that I sounded so desperate to make his mother leave pero dahil yun sa takot ko na baka maulit na naman ang dati. Ganid yun at maraming magagawang paraan para lang mapalayas ako dito sa puder ni Uggo kahit hindi naman talaga niya hawak sa leeg si Uggo.

"It's okay. Umalis na siya kanina pa. Hindi kami nagkaabot. I saw your texts and also saw manang Sario's. Hindi agad ako nakarating dito dahil hindi ko dala ang phone ko. I was meeting with Noeve by the way. Dumiretso agad ako dito nang makita ko yung text mo."

Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niyang umalis agad si Mrs. Cantallejo bago pa man siya nakauwi.

"Salamat at nakaalis siya. Akala ko ay magkikita talaga kami ng mommy mo.  I'm still scared of facing her. Now is not the time to meet her again after a long time."

Sinapo ni Uggo ang mukha ko. "Don't worry, hindi ako papayag na paalisin ka ni mommy. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang ginagawa ko at kung sino ang gusto kong patirahin dito sa bahay ko. This is my territory at hindi siya makakapasok ng basta-basta sa mansyon na'to. Not in my watch."

Pinisil ko ang kanyang kamay saka nginitian ko siya. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Sana lang ay hindi nalang kami gambalain pa ng kanyang nanay. Hindi naman masama ang trato ko kay Mrs. Cantallejo. Ayokong sumama ang loob niya at ayoko din na tratuhin siyang iba dahil siya ang nanay ni Uggo.

Sa loob ng pagsasama namin ni Uggo ay naitanim ko sa aking isipan na hindi dapat sumama ang loob ko sa kanya. Pero paano yun, eh kapag makita niya ako dito ay baka mas magalit siya sa akin dahil kasama ko ang anak niya.

Ang iniisip ni Mrs. Cantallejo sa akin ay hindi ako magandang impluwensya sa anak niya, na pera lang din ang habol ko sa kanya gaya ng ibang babae na nagkakaroon ng karelasyon na mayaman kasi pera ang hinahabol. Kung pera ang hinahabol ko ay sana ginawa ko na ang lahat para mapasaakin ang yaman ni Uggo, pero hindi ko yun magagawa.

UggoWhere stories live. Discover now