CHAPTER 9

19 0 0
                                    

Laubre's POV

Nandito na kamu ngayon sa McDonald's matapos ang mahigit isang oras na paglalaro ni Akira sa world of fun dito sa mall.

Dito kami madalas kumain lalo na kapag kasama ko si Akira dahil ito ang gustong gusto nya.

"Baby, wiwi lang si Mommy. You just stay here and behave.. saglit lang si Mommy okay?" Pagpapaalam ko sa kanya at hinaplos ko pa ang kanyang ulo bago ako nagtungo sa cr.

Tumango naman sya at natatawa pa dahil sa narinig nya ang salitang wiwi

Nakaharap ako ngayon sa salamin nag retouch lang ako ng slight saka lumabas na.

Nang makarating ako doon sa inupuan namin ni Akira ay bigla akong binuhusan ng napakalamig na tubig at para bang nanigas ang mga tuhod ko. Nag palingonlingon ako sa paligid pero hindi ko makita si Akira

Kinapa ko ang cellphone ko at nag dial ng number.

"H-h-hello m-mommy" Umiiyak na bungad ko sa kabilang linya

"Hello anak anong nangyari bakit ka humahapos ng ganyan?" Sagot ni mommy

"Mom si A-akira h-hindi ko m-makita, nawawala s-si A-akira mom... H-help me p-please" nanginginig na sagot ko.

Pagkalabas ko doon sa sa McDonald's ay patakbo akong pumunta doon sa pinanggalingan namin kanina. Pero wala sya doon napapraning akong patakbo sa loob ng mall, hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin.

Ohh god no.

Nagtanong tanong ako sa mga staff sa loob ng loob pero nabigo ako.

Mababaliw ako kapag hindi ko sya mahanap ka agad

Maya-maya lang ay dumating na si mommy.

Sinalubong nya ako at niyakap ng mahigpit

"Anak what happened?" Tanong nya.
Ramdam kong kinakabahan din sya pero ayaw nya ipakita sakin para palakasin ang loob ko.

"K-kumakain p-po kami sa McDonald's kanina at nagpunta lang ako ng comfort room t-tapos p-pag balik k-ko... She's g-gone mom" umiiyak na paliwanag ko.

"Shhh hahanapin natin sya okay?" Ani nya

Nanginginig nako sa takot.
Inalalayan naman ako ni mommy papasok ulit sa loob ng mall pinaupo nya ako sa gilid at bumili sya ng tubig at ibinigay sakin.

Nakita kong may tinatawagan si mommy pero hindi ko na yon pinansin.

Agad akong tumayo at nagumpisang libutin ang buong mall.

.
.
.
.

Aki's POV

"Hi honey pauwi na ako" masayang bati ko sa girlfriend ko.

"Sure honey, ano ang gusto mong dinner?" Tanong nya.

I smiled

"Marunong kana mag luto?" Naguguluhan kong tanong

"No, grab? Hahaha"

"Okay okay"

I ended.

Nandito ako sa mall dahil ito ang napili kong place para sa meeting
At ngayon ay pauwi na sana ako ng biglang may batang kumaway sakin sa loob ng McDonald's.

Napahinto ako at napagtanto ko na sya yong batang himila sa shirt ko.

Hindi ko pala ulit natanong ang pangalan nya.

Ngumiti ako at pumasok.

"Hi nasan ang lola mo?" I ask

Ngumisi sya na parang ewan.

Wtf?

This kid

"What is your name?" Tanong ko

"Akira" maikli nyang sagot.

Medyo nagulat naman ako dahil sa narinig ko.

"I'm Aki, so where is your lola?" Tanong ko ulit sa kanya

"I want to go there" turo nya doon sa mga laruang naka display sa loob ng sm store habang naka cross hands.

What?

Hindi ako makapaniwalang sa ganito kabata lang ako mapapasunod.

Hays...

Tinaasan nya ako ng kilay saka bumaba sa kinauupuan nya at hinila ako.

.
.
.
.
.

Nakapila na kami ngayon dito sa counter ng sm store dala dala ang sobrang daming laruang bitbit ko.

Tumingin ako kay Akira na ngayon ay nakaupo sa bandang kanan ko.

Every time na tumitingin ako sa kanya ay tinataasan nya ako ng kila.

Wth

"Next please" ani ng cashier.

Inilagay ko lahat ng bitbit ko sa table ng cashier.

Napansin kong panay tingin sakin ng cashier at halos hindi na sya makatingin sa monitor nya kakatingin sa akin.

"67,640 sir"

Binayaran ko na at kinuha ang tapat n malalaking paper bag kung saan nakalagay lahat ng laruang kinuha ni Akira.

Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya.

Hindi ako lapitin sa mga bata pero bakit sa kanya ay napapasunod nya pa ako.

Sht this is bad

"Hey, come here" tawag ko sa kanya.

May pangisi ngisi pa sya habang papalapit sakin.

Halos magdugtong ang dalawa kong kilay dahil sa ginawa nya.

Bumalik na kami doon sa McDonald's kung saan sya nakaupo kanina at sigurado akong hinahanap na sya ng lola nya.

Halos isang oras na ay wala pa ring dumadaring.

I look to Akira. Naglalaro sya ngayon ng isa sa mga binili namin kanina. Kumuha din ako ng isang barbie doll at nakipaglaro sa kanya

Sa gwapo kong to nakahawak ako sa isang barbie doll?

Jezzz

.
.
.
.
.
.

Laubre's POV

naandito ako ngayon sa di kalayuan tanaw tanaw si Akira at... Si Aki na masayang naglalaro...

Nanghina ang tuhod ko sa isiping baka alam na ni Aki ang totoo...



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please vote every chapter para ganahan naman ako magsulat 💗
Thankyou so much.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE WISHFUL THINKER (Book 2)Where stories live. Discover now