Chapter 18

11 1 0
                                    

Sky Celine's POV



Masyado pang maaga para mag celebrate pero heto ako ngayon sa bahay, mag isa na tumatalon talon sa tuwa at tumitili ng malakas kaya't pati yung mga butiki at ipis sa bubong ay nanakbo palabas ng bahay. Matapos ng confession ni Alson Curpoz, ay bigla ko siyang iniwan sa hospital at umuwi ako dito sa bahay para mag celebrate.

Of course, pa hard to get muna ako. Anong akala niya sakin mabilis makuha? Akala niya siguro after ng confession niya ay isuko ko na agad ang aking bataan? Sky nababaliw kana!

Kinabukasan ay maaga akong nagtungo dito sa opisina. Nang buksan ko ang pinto ay naabutan ko si Alson na tulala habang nakaupo sa harap ng desk niya. Bakit parang ang dilim ng mukha niya? Na parang ang dami niyang problema?

"G-Good Morning Sir." Bati ko sa kaniya kaya't napatingala siya sa akin at napangiti ng kaunti. Nanlaki ang mata ko ng makita ang malaking eye bags niya. Omg hindi ba siya natulog kagabi?

"Hindi ka ba natulog?" Tanong ko ng makalapit ako sa harapan niya. Nailing naman siya, parang bata na binully ang mukha niya. Dapat ba akong matawa o maawa sa kaniya?

"What do you think?" He raised his eyebrow

Natawa naman ako ng mahina at napailing sa kaniya.

"Wait lang!" Ngiti ko

Iniwan ko muna siya sa opisina para bumili ng coffee at pang breakfast namin. Akala ko ay umalis naman siya ulit pero ng makabalik ako ay ganon parin ang posisyon niya, nakatingin sa nakabukas na pinto at napatitig sa akin.

"Saan ka pumunta kagabi? Bakit nang iwan ka naman bigla?" Malamig niyang tanong matapos kong mailapag ang kape at pagkain sa mini table.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na umuwi ako sa bahay para mag celebrate dahil gusto niya rin ako. Kaya ba hindi siya nakatulog kagabi dahil pakiramdam niya binusted ko siya? Hala! pero pa hard to get muna ako kaya hinding hindi ako aamin sa kaniya.

"A-Ah kasi n-nabigla lang ako sa sinabi mo. Alam ko naman nag jojoke ka lang." Natawa ako ng mahina.

"Joke lang ba lahat para sayo Sky? Ganon ba talaga paningin mo sa akin? Ina underestimate mo ba ako dahil ganito ako?" Tanong niya gamit ang malamig niyang boses. Galit na siya agad? Nasaktan ko ba siya?

"Ikaw naman Sir masyadong mainit ang ulo. Kape nalang tayo, saka Sir nasa office tayo, Ikaw yung boss dito." Ngiti ko sa kaniya.

"Sky."

Every day I am so thankful to him because I escaped from my job at the bar, tired of being disrespected and belittled by people. I'm not asking for a salary because he helped Princess and me, so I will also help him in his company.

"Hindi ka nag iisa." Ngiti ko sa kaniya. Napatitig siya sakin gamit ang malamig niyang tingin. Muling bumalik sa alaala ko yung nasa camp of flowers kami sa bahay ng Lola niya.

"B-Bakit mo naman ako dinala dito?"

"Because you're stressed."

Yung sinabi niya sakin no'ng nasa ilalim ng acasia. Hindi ko yun makalimutan kahit sobrang haba pa ng sinabi niya.

"I find peace every time I hug you, every time I sleep beside you. I am sorry for doing that without your permission, Sky. It's been difficult-I have no one to lean on, it's hard to hide everything, I don't even know what to do with my life. I ended up having depression. Thank you, Sky, for allowing me to be by your side, to hug you. You helped me survive."

"Stress ka ba? Tara punta tayo sa beach. Kapag pakiramdam mo nag iisa ka, puntahan mo lang ako, tawagan mo ako kasi palagi naman akong available para sayo." I said seriously. Nakitaan ko ng kislap ang kaniyang mga mata. Mali ako, hindi ako pinaglalaruan ni Alson.

Falling for the Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon