FIL : OO5

0 0 0
                                    

Dear Diary

Di pa din ako maka get over sa kiss Diary kahit 2-3 days nang nakalipas yon! Kami ni Gino? Wala, normal pa din naman ang pagsasama at kaibigan pa din ang turing sa isa't isa akala ko nga magkakaroon ng something, muntik na'kong umasa. Sabado ngayon at for sure nasa mall sya kasama si Cheska dahil nagkaroon sila ng usapan noon. Nakakainggit no? I mean palagi naman kami magkasama ni Gino sa mall at noon pa man ako ang niyayaya nya pag trip nya pero iba pa din yung kina Cheska eh, date yun eh amin hindi date yun, friendly bonding ganon.

Masaya kaya siya sa date nila ni Cheska?

Vanessa

Sinara ko ang diary ko tsaka nilagay ito sa drawer ko sa baba ng table ko at bumaba ako kesa naman nakakulong lang ako sa kuwarto at walang ginagawa edi manood nalang ako sa baba o di kaya kahit anong libang basta di ko lang maalala sila Cheska pati yung kiss.

"Hi mama, pasaan po kayo?" Tanong ko kay mama.

"Sa flowershop. Sama ka?" Balik na tanong ni mama sa'kin.

Napaisip ako, wala naman akong ginagawa dito at Sabado naman kaya walang gawain na binigay sa'min ang mga teachers namin kaya napag desisyonan kong sumama nalang.

"Sige po, ma." Sagot ko kay mama.

Ni-lock namin ang pinto at sumakay sa kotse namin para makapunta na sa Flowershop. Sa labas ng subdivision ang flowershop namin dahil mas maganda ang place dun kaya mas madaming tao at di nga kami nagkamali dahil sa sobrang daming bumibili sa isang araw palang ay kahit kailan di nalulugi ang shop namin. Nakatayo ang shop namin sa isang park kung saan madaming couples at tsaka di masyadong malayo iyon sa subdivision.

"Hello sir, welcome!" Bati ko sa costumer na lalaki nang pumasok dito.

"Hello, uhm, meron pa ba kayong bouquet of flowers?" Tanong ng costumer sa'min.

"Yes sir, available pa po ang bouquet of flowers namin. May I ask if what kind of flower you want for your bouquet?" Balik na tanong ko dito.

"Red roses please." Sagot ng costumer.

"Sure sir! Please sit in our seat while waiting for your order." Nilahad ko palad ko para maturo ko ng magalang ang upuan sa amin.

Pagka-upo ng costumer namin ay nginitian ko ito at pumasok sa pinakaloob para sabihin kay mama ang order ng costumer namin na isa tsaka bumalik sa counter.

"Your order is being processed, so I hope you can wait" Pag update ko sa costumer pag balik ko ng counter.

"It's fine. Thank you!" Sagot ng costumer.

"May costumer pala tayo. Pasensya na at iniwan kita dito kailangan ko kasi ayusin yung mga bulaklak sa labas." Sambit ni ate Tessmarie pag balik. Sya ang nagtatrabaho dito sa shop ni mama.

"Okay lang po ate Tess tsaka nag eenjoy naman po ako." Sagot ko dito.

"Ito na ang bouquet of red roses." Paglabas ni mama.

"Sir, your order is here." Pagtawag ni ate Tessmarie sa costumer namin.

"That would be 2,245 pesos." Sambit ko after kunin ni sir ang order nyang bulaklak.

Pagkasabi ko nun ay kinuha na ni sir ang kanyang wallet at nag bayad ng saktong 3,000 kaya sinuklian namin sya ng 775 pesos. Ngumiti ang costumer sa'min pagkakuha nya ng sukli at nakangiting lumabas.

"Thank you for choosing our flowershop, please comeback next time!" Sambit namin ni ate Tessmarie.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na bigyan ng flowers no? Nasa park kayo tas maglalakad lakad tas bigla nyang binigay yung bouquet of flower sayo tas sa tuwa mo iki-kiss ka ng partner mo.

Fall In Love (Be us #1)Where stories live. Discover now