Chapter 13

50 4 0
                                    

"WELCOME JAPAN!" masayang sigaw ko at nag inat pa ng katawan. Kalalapag lang ng private plane ng asawa ko. Ngumiti ako at napasulyap sa kaniya at nakita kong he's peacefully asleep kaya tumayo na ako at binigyan siya  ng marahang halik sa labi dahil natutukso akong nakawan siya ng halik palagi. Paano ba naman kasi ang sarap ng mga labi niya at matamis pa.

"Baba gising na?" gising ko sa kaniya dahil naka tatlong halik na ako sa labi niya hindi pa siya gumalaw.

"Baba!"sabi ko pa at umupo sa kandungan niya dahil ang tagal naman kasing gumising.

"Welcome Japan na po eh, " saad ko. Pinalupot niya ang mga braso niya sa  bewang ko at niyakap ako ng mahigpit tapos pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Welcome Japan baby," malamlam na sagot niya his husky voice dahil  inaantok pa.

"Kanina pa ako ng we-welcome eh, " simangot na sagot ko. Naglaan pa siya ng ilang minuto nakayakap sa akin kasi bagong gising talaga siya.

"Shall we go?" tanong ko at tumayo na sa kandungan niya nang maramdaman kong bumitiw na siya aa pagkakayakap sa akin.

"Yes," tipid niyang sagot sa akin at nag-inat rin siya at humikab pa.

My husband need break dahil sa nakikita ko parang masiyado na siyang pagod pero wala naman siyang ginagawa lately at ngayon naman ay natulog lang siya hanggang dito sa Japan pero pinagmasdan ko siya at nag aalala ako namumula  ang mukha niya kaya nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya para kapain kung mainit siya parang may sakit kasi siya pero hindi naman siya mainit kaya kumunot ang noo ko.

"Ang tamlay mo naman Baba. Wala ka naman sakit, eh! " reklamo ko pero ngumiti lang siya sa akin.

"Just enjoy the moment baby," sagot niya sa akin at kinuha ang isang kamay ko at sabay kaming bumaba sa eroplano niya.

"Welcome to Tokyo, sir."

"This way sir," sabi nito para maka punta na kami sa sasakyan naghihintay sa amin.

"Thank you!" magalang na pasalamat ko at nagbow sa kaniya. Ngumiti sila sa akin kahit ang asawa ko. Ganito naman talaga ang mga Pilipino, makatao.

"We have two weeks here baby kaya mapapasyalan mo ang gusto mong pasyalan," inporma niya sa akin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko at pumikit.

"Baba, okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya habang hinahaplos-haplos ang mukha niya.

"I'm sorry. Masama ata ang pakiramdam ko parang nasusuka ako na hindi naman ko maintindihan," sagot niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Halla! baka buntis kana?" tawang biro pero ginulo niya lang naman ang buhok ko at hinalikan ang tutok ng ulo ko.

"I love you Baba," malambing na sabi ko at ako na ang humalik sa labi niya ng

"I love you too Baby."

"Dadaritso muna tayo sa bahay baby at bukas na lang tayo mamamasyal. Magpahinga lang ako,"sabi niya kaya tumango na  ako.

My husband have a property here hindi ko alam kung bakit pero na kwento ko sa kaniya noon na pangarap kong pumunta rito sa Japan at mamasyal sa Tokyo. Ngulat na lang ako isang araw may pinaperma siyang documents sa akin dahil conjugal ang property kailangan rin ako. Hindi ako pabor sa ginagawa ni Frank Lin na pinapangalan sa akin ang mga properties namin pero siya na rin ang nagsabing ako lang raw ang property niya.

Bumaba kami sa sasakyan at tinungo ang bahay namin hindi na ako namangha sa design nito dahil alam ko na pero ngayon ko lang makikita ang bahay actual dahil ngayon lang din naman ako tatapak dito sa Tokyo at isa pa si Lauter ang nag-aasikaso dalawa sila ni Engineer Adam. May tiwala kasi sa kanila si Frank kaya sila na lang rin bahala basta they communicate thru virtual no'n sa akin kaya alam ko ang design at updated ako hanggang sa natapos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm married to a Professor (BACHELOR V) Where stories live. Discover now