Chapter 5

157 10 0
                                    

Luna

Day off ko ngayon kaya pupunta ako sa bahay ng Mama ni Sir Ashter. Iniwanan ko siya sa Condo niya. Mabuti nalang mabait ang guard sa Villages na ito kaya hindi ako nahirapan nakapasok. Palinga-linga ang mata ko sa Paligid. Sa bawat Street na dinadaanan ko may pangalan. Cicily, Aragona, Barletta Street.. Wow grabe ang mga bahay dito sa Villages ang laki at ang ganda. Gate palang bongga na ang datingan.

Sa wakas nakarating na ako sa bahay mama ni Sir Ashter. Sabi ni Aling Mela pumasok ako sa loob. Grabe ang ganda ng sahig dahil naka tiles, ang kintab-kintab ng sahig. Nahiya tuloy ako iapak ang mumurahin tsinelas ko...

Napaawang ang bibig ko habang papasok sa Mansion. Wow ang dami painting na nakadikit sa pader. Ang ganda-ganda ng Chandelier at alaga sa kalinisan ang bahay. Wala na ako nakikita alikabok dito. Kahit isa wala talaga. Walang Langaw na naliligaw dito. Grabe ang laki-laki talaga ng bahay at ang mga gamit mamahalin. Kasing ganda ng bahay ng mga Artista at sikat na personalidad na bansa Pilipinas.

Kasing ganda ng bahay ni Coco Martin, Kathryn Bernardo at Bea alonzo. Na amazed talaga ako sa Kagandahan ng bahay na ito.

"Luna" Narinig ko ang boses ng mama ni Sir Ashter kaya napalingon ako. Ang ganda-ganda talaga ng Mama niya. Kahit may edad na ay lumilitaw parin ang totoo Kagandahan nito.

"Ma'am"

Hinawakan niya ang balikat ko.

"Tawagin mo nalang ako Tita Celina. So kumusta kayo ng anak ko. Sinusupladuhan ka parin ba ng lalaki na yun Luna?" Tanong niya.

"Medyo lang po Tita Celina, ganun po ba ang ugali ni Sir Ashter Tita?" Na intriga tanong ko sa kaniya. Bigla nalungkot ang mukha niya...

"Honestly no Luna. Mabait na bata yan si Ashter. Seven years old siya umuwi kami sa Probinsiya para magbakasyon. Ang sabi sakin ng anak ko kamuntikan na siya masagasaan ng Ten wheeler truck at mabuti naitulak siya ng bata babae. Niligtas ng bata babae na yun ang buhay ni Ashter. Halos sumasakit ang ulo ko noon Jay Ashter dahil nag-iba ang ugali ng anak ko dahil sa bata babae yun Luna. Palagi siya tahimik sa loob ng kwarto niya. Kapag tinatanong ng yaya niya hindi kumikibo Luna. Habang lumalaki si Ashter mas lalo siya naiinlove sa babae minsan niya lang nakita. Kahit nga pangalan hindi niya alam. Nag worried ako sa anak ko Luna kasi until now wala pa yan naging girlfriend. Marami naman babae nagkakagusto at nangkakandarapa sa kaniya kaso ayaw niya. Dahil mahal na mahal niya ang babae yun. That unbelievable Luna kung magkikita pa sila ulit" Saad niya.

"Kaya pala nakikita ko palagi umiiyak si Sir at minsan umiinom ng alak para makatulog" sabi ko sa kaniya.

"Kaya nga e, I'm just worried for my son Luna. Please sana huwag mo iwanan ang anak ko kahit marami siya insecure sa katawan at pilit mo siya unawain ah, sa abot ng makakaya mo Luna" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Opo pangako po hindi ko po iiwan si Sir Ashter" sagot ko sa kaniya.

"Thank you for understanding Luna. By the way Debut ng anak ko next week, gusto ko nandoon ka Luna. Pupunta ako sa Mall para bilihan kita ng Dress na susuotin mo. You look so beautiful and elegant" Saad niya.

Kinagat ko ang labi ko. Mas madiin pa.

"Naku Tita hindi ako sanay magsuot ng Dress na yan e" sabi ko sa kaniya."Nag abala kapa bilihan ako sa Mall Tita" sabi ko.

Nagsenyas siya sa harapan ko.

"No Luna, that okay. Masaya ako nakilala kita at ikaw ang personal maid ng anak ko. Tinulungan mo pa si Daddy David ng kamuntikan siya atakihin ng Highblood. Gustong-gusto ko bumawi sayo. Alam mo ba yun Luna" Saad niya.

Mas lalo niya hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Maraming salamat Tita" sabi ko.

Ngumiti siya sakin...

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: 3 days ago ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Crazy Maid and the Billionaire [R-18] On-GoingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin