Chapter 4 - Tomorrow

826 43 7
                                    

JUNGKOOK POV

"Jungkook" tawag sa'kin ni Jimin.

He used to call me 'Kookie'

When will he call me that again?
I guess never.

"Ano?" sagot ko.

"Saanyung stall?" ay oo nga pala hehe. Pati pala yun hindi alam ni Jimin.

"Nakikita mo ba yung lalakeng naka-red shirt dun? Yung tinatayuan niya. Doon yung stall." tumungo lang siya at nagsimula maglakad.

Ang daming nawala kay Jimin simula ng mangyari ang aksidenteng 'yun.

At gagawin ko ang lahat para unti-unting maibalik lahat ng nawala na 'yun.

--------

JIMIN POV

Sinunod ko yung instructions ni Jungkook at nakabili naman ako ng maayos.
Inabot ko na sa kanya yung hotdog sandwich niya. Nagsimula na siyang kumain habang ako...eto...nakakatitig lang sa pagkain sa harap ko. Eto na siguro yung huling pagkakataon na makakain ako nento.

"Ang pagkain kinakain hindi tinititigan" bumalik ako sa realidad nang biglang magsalita si Jungkook.

"Nalulungkot lang ako. Baka kasi lahat ng naranasan ko ngayon...hanggang ngayon na lang. Hindi na mauulit." malungkot na sabi ko.

Pupunta kaya si Jungkook bukas para ilabas ulit ako? Gusto ko siya tanungin. Gusto ko siya sabihan na 'Uy puntahan mo ulit ako bukas. Maglaro ulit tayo' kaso sino ba ako para humiling sa kanya ganun?

Sino nga ba si Jungkook?

"Sino namang nagsabi sayo niyan?" Pagsabi niya nu'n may nilabas siyang ballpen at yellow post it note na galing sa bag niya. Inabot niya sa'kin 'yun. "Gusto mo maalala lahat ng nangyari ngayon diba? Isulat mo diyan lahat. Para bukas paggising mo hindi mo man maalala ng buo pero habang binabasa mo 'yan mararamdaman mo ulit yung nararamdaman mo ngayon."

"Seryoso ka?"

"Oo. At ako naman..."kumuha siya ng ilang pirasong yellow post it notes at naglabas pa siya ng isa pang ballpen "isusulat ko lahat ng kailangan mo tandaan para makapunta ka dito. Para naman kahit wala ako at nalulungkot sa bahay pwede ka pumunta kahit kailan mo gusto. Basta basahin mo lang 'tomg guide na isusulat ko." tapos nu'n nagsimula na siyang magsulat. Seryoso nga siya.

Una,dinala niya ako dito sa amusement park.

Pangalawa,tinulungan niya ako alisin yung mga takot ko.

Tapos ngayon naman eto. Ano ka ba talaga Jeon Jungkook?

"Ano ba ako sa'yo Jungkook?" tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa'kin.

Sht napalakas ata yung pagkakasabi ko nu'n.

Ngumiti lang siya sa'kin at nagpatuloy na siya sa pagsulat kaya nagsulat na lang din ako.

June xx,wxyz

First time kong pumunta sa amusement park. Ay mali. First time kong lumabas ng bahay simula ng makuha ko 'tong sakit na 'toh. Dahil ito kay Jeon Jungkook.

Tumingin ako kay Jungkook para malaman kung nakatingin siya sa'kin. Ayoko kasi makita niya yung sunod kong isusulat.

Nagsusulat pa rin siya.

Binaliktad ko yung papel at nagsulat ulit

'Sa lahat ng nangyari ngayon si Jeon Jungkook ay pinaka-ayaw kong makalimutan.'

"Jimin tapos ka na ba?" nabigla ako nung biglang lumapit sa'kin si Jungkook kaya nalukot ko tuloy yung papel. Buti hindi naman napunit hehe.

"Ah...oo. Saan na ba tayo susunod na pupunta?"

"Malapit na magsara 'tong amusement park. Umuwi na tayo." Binitbit na niya yung gamit niya at nagsimulang maglakas paalis.

Uuwi na kami?

Tapos na?

Ang bilis ng oras. Parang kanina lang kakarating lang namin dito at panay pa yung hila niya sa'kin.

Hindi...ko na siya makikita ulit...bukas?

Is this the last time I'll see and remember Jungkook?

That idea makes my heart break into thousand of pieces.

But why?

"Yah Jimin! Hindi ka na ba aalis diyan?" tawag niya sa'kin.

"Jungkook...I...won't be able to see you again tomorrow right? I...won't remember you...not at all." hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Hindi ko alam kung bakit pumasok 'yun sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

He just smiled at me and walked towards me. When we were just inches close he patted my head slowly and looked into my eyes.

He gave me a stare that felt like his eyes are going to devour me.

"Let's go home,Jimin-ah."

Him saying my name sounds like a perfect melody in my ears.

------

Nung makarating na kami sa bahay ko dinikit na namin yung mga yellow notes sa may cabinet ko. Tapos nu'n bigla niya akong dinikit at biglang may nag-flash sa mukha ko na liwanag.

"Ah! Ano ba 'yun ang sakit sa mata?" sabi ko sabay kusot sa mata ko.

"Picture." tapos nu'n may inabot siyang puting bagay sakin. Nung binaliktad ko 'yun nakita ko yung mukha naming dalawa.

"Para bukas hindi ka na masyado magulat sa'kin" sabi pa niya.

Teka...bukas?

"Jungkook-"

"See you tomorrow Jiminie hyung!"

-----

Finally nakapag-update din yeeeey~!!

Sorry for the wait ^^

Ang lakas ng ulan ㅠㅠ Stay safe guyseu!

Uy guys comment na kayo oh :(((

Yellow Notes [jikook ff]Where stories live. Discover now