Chapter 11 - Answer

757 40 14
                                    

JIMIN POV

"Remember this cafe Jimin?" umiling ako kay tita.

Siya yung babae na nakita ko sa park. Sabi niya kasi tita na lang itawag ko sa kanya.

She let out a heavy sigh before she spoke,"It's so sad to think that you had forgot about him. Jungkook...Jungkook and you used to come here often." she said.

Jungkook?

Ako?

"Grabe nakalimutan mo na ba talaga lahat? Alam mo bang nagwawala ka pa sa ospital dahil hinahanap mo sa amin si Jungkook?!" agad akong napalingon kay Taehyung dahil sa sinabi niya. Mas naguguluhan ako.

Matagal ko na bang kilala si Jungkook?

"Jimin." this time si tita naman ang nagsalita.

"You and Jungkook were about to go somewhere...Jungkook didn't tell me where. Then the two of you had a car accident. As a result you...seems like you had an amnesia as a result while our dear Jungkook..."

"Ano pong nangyari kay Jungkook?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito pero hindi ko alam kung bakit.

"Jungkook is in a comatose...for 2 years already." parang tumigil ang oras nung marinig ko 'yun. Hindi ko alam pero feeling ko parang tinalikuran ako ng buong mundo.

"Jimin we need you." hinawakan ni tita ang kamay ko na ngayon ay nanlalamig "Kanina bago tayo magkita nabanggit namin ang pangalan mo kay Jungkook and he lifted his finger. I know hindi 'yun sapat pero sobra-sobra na 'yun para sa amin. For 2 years hindi siya gumagalaw. Sinabihan kami ng doktor na mababa na ang chance niyang mabuhay ulit pero ayaw namin sumuko. Lalo na ngayon. Jimin maybe you can help our son. Maybe you can help Jungkook to wake up. Please...please Jimin...help us. I don't want to give up our son...please..." nagsimula na humagulgol si tita sa harap namin.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Yoongi. Pare-pareho ang nasa mata namin.

Awa.

Naaawa kami kay tita dahil 2 taon na niyang hinihintay si Jungkook. Pero bilib din ako sa kanya dahil 2 taon na siyang hindi sumusuko.

Eh ako? Ano bang nangyari sa buhay ko simula ng magkaganito ako?

Wala.

Wala akong matandaan.

"Pwede ko po ba makita si Jungkook?"

-----

Isang lalaki na maputi at matangos (sobra) ang ilong pero cu--wala ng pero matangos lang yung ilong na nakahiga sa hospital bed. Ito si Jungkook.

Kung titingnan para lang siya tulog.

Pero 2 taon na siyang tulog.

"Ganun pa rin pala ang kondisyon niya. Wala pa ring pinagbago." lumapit si Yoongi para mas makita ng malapitan si Jungkook. Ganun din ang ginawa ni Taehyung. Si tita naman nasa labas kausap ata yung doktor.

Ako nandito. Nasa may tapat pa rin ng pinto. Hindi ko magawang humakbang papalapit kay Jungkook.

Hindi ko kaya.

"Kayo, anong koneksyon niyo sa amin ni Jungkook?" tanong ko sa dalawa.

"Grabe ka naman 'tol stangers kung strangers ah. Ouch!" umaktong nabaril sa puso si Taehyung.

Pero hindi ko 'yun pinansin at inulit ko ang tanong ko sa kanila.
Nagbuntong hininga muna si Yoongi bago sumagot.

"We were friends, Jimin. Ikaw,ako,si Taehyung at si Jungkook. Pero mas close kayo ni Jungkook dahil mas una kayong nagkakilala."

Yellow Notes [jikook ff]Where stories live. Discover now