Chapter 34

222 7 1
                                    

Chapter 34 (Last Chapter)

Two months na nag stay sa America si Aldrin. May vacation pa siyang nalalaman. Hindi na lang kasi niya aminin na sinundan talaga niya ako dito sa America!

Madalas mag-stay si Aldrin sa bahay namin. Minsan doon na rin siya natutulog sa amin tuwing inaabutan na siya ng gabi pero sa isang separate room for guest.

"Did you bring the grocery list?" tanong niya habang nagmamaneho papunta sa super market.

Tumango ako.

Siya ang nagpresinta na kami na lang ang mag-grocery dalawa instead na sila Mom. Minsan, iniisip ko na nagpapalakas 'to sa mga magulang ko. Pa-good shot, e!

"When will you go home?" I randomly asked while looking at the window.

Naisip ko lang kung hindi ba siya hinahanap ng pamilya niya sa Pilipinas kung ang paalam niya lang naman sa kanila ay magbabakasyon.

Alam kong hindi naging maayos ang relasyon niya sa kanila nung pinili niya ako. Pero kahit ganon ay pamilya niya parin 'yon at alam kong hindi nila matitiis ang anak nila.

Seryoso siyang tumingin sa'kin, nabigla sa tanong ko. "What? Why did you ask?" May lungkot na dumaan sa mata niya. "You don't want me here?"

Hinawakan ko 'yung hita niya.

"Hindi naman sa ganon. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Natahimik siya at muling ibinalik ang titig sa daan. "Hindi pa rin ba kayo ayos ng magulang mo?"

Hindi naman ako umaasa na matatanggap nila ako para sa anak nila. Dahil nang huling pagkikita namin ay halos ipagtabuyan nila ako palabas ng pinto para ipamukha sa'kin na hindi ako karapat-dapat sa anak nila.

"We talked already..."

Ngumiti ako. "That's nice to know.  They're your family."

Kahit gaano man kasama ang nagawa nila o nasaktan ka man nila intentional o unintentional, mananatili silang pamilya mo.

"They know that I will be here. They actually convince me to go here—to follow you."

Ginawa nila 'yon? Bakit? Hindi ba't hindi nila ako gusto para kay Aldrin?

"They realized how much I love you when you left. They understand now, they accepted us already." May kung anong bara ang natanggal sa puso ko dahil sa sinabi niya. "They want me to personally apologize to you, sa lahat ng mga nasabi at nagawa nila sa'yo."

Hinaplos ko ang hita niya. "That's all in the past. Matagal ko nang inalis 'yong galit sa puso ko. Matagal ko na silang pinatawad."

Hindi pa man sila humihingi ng kapatawaran, minabuti kong kalimutan na lang ang mga nangyari sa amin. Mas mabuting magpatawad kaysa magtanim ng galit.

Nang narating namin ang Filipino Market ay dumiretso kaagad kami sa food section para kumpletuhin 'yong nasa listahan ng groceries.

"This one or this one?" tanong niya habang hawak ang magkaibang brand ng toyo.

"Ito na lang," turo ko sa Datu Puti na brand.

He smiled at me. "Okay," bumalik siya sa pagtingin ng iba pa naming bibilhin.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang abala doon.

Grocery became our bonding even before. Tuwing gutom ako o walang stock sa condo ko noon ay didiretso lang kami sa grocery store para bumili ng mga kailangan.

Ang sarap lang balikan.

"Sa'kin ba ayaw mo? May toyo rin naman ako."

Umiling siya at hindi na napigilang matawa sa sinabi ko.

Love Me Harder (Contract Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon