Chapter 1

40 3 0
                                    

Panimula-taong 1983

na patakbo si Maria sa kinaroroonan nang kaniyang Ina na nakaupo sa Isang silya habang umiinom nang tsaa. kaagad naman na pansin Ni Doña Mariana ang pag lapit ni maria.

"ina,maaari ho ba akong mag punta sandali sa bayan?, at may mahalaga lamang akong bibilhin" mahinahong pag papaalam ni maria Kay doña mariana." maria, kung nais mong pumunta nang bayan,huwag ka sa akin mag papaalam sapagkat pahintulutan man kita ay tiyak na hindi ka pahihintulutan nang iyong ama,"dahil sa sinabi nang doña ay na paupo na lamang si maria sa katabi nitong silya. na pansin Naman nang doña ang pag ayus nang upo ni maria at saka ito tinapik ang hita na nakabuka. "ayusin mo nga iyang iyong upo maria, hindi kaaya ayang tingnan para sa Isang binibini ang ganyang pag upo." suway nang doña nang makita nito na hindi pang babae ang ayus nito sa pag upo. umayos Naman nang upo si maria nang mapuna ito Nang Ina.

"hindi ganyan ang paraan nang pag upo". tumayo si Doña Mariana Dela Torre at sininyasan ang anak na pagtuunan siya nang pansin na agad namang ginawa ni maria kahit paulit ulit na lamang iyon sinasabi nang Ina. "ganito, tumayo ka di'yan at sundan mo ako." na pilitang tumayo si maria bago pinag igihang pagmasdan ang Ina sa wastong pag upo nito sa silya. "ganito ang tamang pag upo nang Isang binibini, una hahawakan mo ang silya, pangalawa suriin mo munang mabuti ang iyong uupuan pangatlo dahan dahan kang umupo sa silya na hindi gumagawa nang ingay." turo ni doña na ikinatango naman ni maria." muli, ulitin ang aking itinuro!." na pahinga nang malalim si maria at tumayo bago tingnan nang maigi ang silya. agad Naman na pangiwi si doña mariana Dela Torre kaya hinampas niya ito Nang abaniko. "tinuro ko bang titigan mo ito,ang aking sinabi ay iyung suriin, talimahin mo iyan sa iyong kukuti." halos mapahawak sa ulo si Doña Mariana dahil tila hindi makuha kuha ni Maria ang kaniyang mga aral. na pangiti si maria dahil sa hitsura nang ina,kaya Naman niyang Gawin ang lahat nang ginagawa ni doña mariana ngunit dahil sa ayaw siya nitong payagan ay pinakita niya Kay Doña ang hindi panggawi nang Isang dalaga na katulad na lamang sa pag upo.

"Maria, Hanggang kailan kaba matututo sa aking mga inaaral sa iyo, papano na lamang kong wala na ako at ganyan parin ang iyong mga kilos, sasabihin nang ibang mga tao lalo na ang mga may kakayanan na kung sakaling makita ka na hindi tugma ang iyong mga gawa na naaayon sa kilos nang Isang babae ay baka sabihin nilang isa akong pariwarang Ina." pagbibigay payo ni doña mariana sa pasaway na anak na si maria.

" Ina,paulit ulit ni'yo na iyang tinuturo sa akin,kaya saulado Kona po ang lahat,"mahinahong sambit ni maria na patingin Kay maria si doña mariana bago ito sinyasan na umakyat sa kaniyang silid.dahil sa pag senyas ni doña ay unti unting kinabahan si maria dahil alam na niya ang susunod na gagawin sa kaniya nang Ina. " sumunod ka sa akin,at doon tayu sa iyong silid mag uusap."naunang mag lakad si doña Mariana bago sumunod si Mari na kinakabahan sa nais na Gawin nang kaniyang Ina,batid na niya ang susunod na gagawin nang Ina kaya siya nito panapaakyat sa kaniyang silid.

nang makapasok na sa sariling silid si maria ay na paupo na lamang siya sa kaniyang kama,at iniisip kong ano ba ang pusibilidad na parusa na ibibigay sa kaniya ni doña Mariana.

na patayo si maria nang bumukas ang pintuan at pumasok si doña Mariana,na payuko na lamang si maria nang makita niya ang Ina na subrang sama nang tingin sa kaniya.

"ina,batid kong Mali ang aking ginawa kanina,at sa susunod ay hindi Kona muli iyon gagawin." pakiusap niya Kay doña Mariana na napahilot na lamang sa sintido dahil sa pagkadismaya.alam ni maria na Galit na Galit ang kaniyang ina sa kaniya.

pag hindi nagugustuhan ni doña Mariana ang mga kilos niya ay humahawak ito sa noo upang pakalmahin ang sarili."iyong pag-aralang mabuti ang lahat nang aking tinuturo sa iyo anak,dahil balang Araw ay iyong magagamit ang mga bagay na iyon." lumapit ang doña Kay maria at hinawakan ito sa magkabilang balikat at umupo sila sa kama.

CROSSING PATHS IN TIME Where stories live. Discover now