Chapter 8

18 2 0
                                    

KABANATA 8

TAHIMIK na nag babyahe sila Justine at maria walang umiimik sa kanila habang nakatuon ang pansin ni Justine sa Daan ay payapa naman na Pinag mamasdan ni maria ang labas. nais sanang magtanong ni maria kong ano ang tawag nang mga bagay na nakikita niya sa bawat madadaanan nila.

ngunit siya'y nahihiya sapagkat alam niyang hindi sila gaanong malapit ni Justine at tila may puot ito para sa kaniya.si Justine Naman ay maya't maya ang tingin Kay maria na tahimik lamang na nag mamasid nais niya sanang magsalita upang maibsan ang pagkatahimik ngunit tila umurong ang kaniyang dila upang umpisahan nito ang usapan.

na pahawak na lamang si maria sa ulo nang maramdaman niya itong kumirot at bumibigat na ang pakiramdam niya. tamang Tama naman tumigil ang kanilang sinasakyan sa labas nang gate nang mga Salvacion. nang buksan nang guard ang gate ay pinarada ni Justine ang sport car niyang dala.

"nandito na tayo," bigay alam ni Justine at kinuha ang susi.
namumutla at nang hihinang napatingin si maria Kay Justine na binubuksan na ang pintuan nang sasakyan."madali ka ginoo,at ako'y iyong pagbuksan." nanghihina na niyang usal bago pigilan ang bibig na ikinalaki nang mata ni Justine at dali daling bumaba at umikot sa kabilang pintuan nang kotse.

"sandaliii,huwag kang susuka sa baby kooo!" sigaw ni Justine bago buksan ang pinto at inalalayang bumaba si maria na nanghihina na Ngayon.na kuha ni Justine ang Isang pasong roses at ibigay Kay maria na umiling iling habang pinipigilan ang kaniyang bibig. "sige na ilabas mo na'yan rito huwag kana mag inarte." inis na sambit ni Justine bago ilapit muli ang paso.na kuha naman agad iyon ni maria dahil hindi na niya mapigilan pa bago sumuka.

halos mapaduwal naman sa pandidiri ang binata dahil sa tanang Buhay niya ay Ngayon lamang siya nakakita nang babae na sumusuka at sa paso pa talaga.

"hito na ang iyong...." na patitig naman si maria sa hawak niyang paso sapagkat hindi niya alam kong ano ang tawag sa bagay na kaniyang hawak.na patingin naman si Justine sa hawak nito at maluha-luhang kinuha at nilagay sa dati nitong pwesto.

"sumunod ka sa akin," nag patiunang nag lakad si Justine at nakasunod Naman sa kaniyang likuran si Maria habang tinitingnan ang buong paligid.

Ngayon lamang niya na pagtanto na subrang lawak pala nang tahanan nang mga Salvacion.

"sino ang inhenyero ang may gawa nitong inyong tahanan ginoo." na patigil si Justine at nilingon niya si maria na nakasunod sa kaniya.dahil sa nakatoon ang atensiyon ni maria sa mga bagay bagay na kaniyang napapansin sa loob nang tahanan nang mga Salvacion ay tumama ang kaniyang mukha sa malapad na dibdib ni Justine.

"aray ko." daig ni maria at hinawakan ang kaniyang noo na masyadong naapektuhan.

"pwede ba, Justine na lamang ang itawag mo sa akin," nanggigigil nitong wika bago muli tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

sumunod naman si maria at tinuon na lamang ang kaniyang paningin sa pasilyo.na patigil si Justine sa paglalakad kaya napatigil din siya nang mapansin nila ang ama at Ina ni Justine na nakaupo sa Sala habang may hawak na diyaryo ang ama at nanonood naman nang tv ang Ina.

na pansin Naman agad iyon nang ginang at nanlalaki ang mga matang tiningnan si Justine at si maria na magkasama.

na agaw din nila ang pansin ni Señor Robert.

"ija Buti naman at sinama kang muli ni Justine rito,"nakangiting wika nito bago tumayo at lumapit sa dalawa.yayakapin na sana ni Justine ang Ina ngunit naiwan ang kamay nito sa eri nang nilampasan lamang siya at niyakap nito si maria.

napa pokerface na lamang si Justine nang makita niya ang Ina na inalalayan nitong maglakad papuntang sofa ang babae habang nakatingin sa kaniya."maupo ka rito Justine" turo ni señor Robert sa Isang upuan na bakanti na malapit sa kaniya.ginawa naman agad iyon ni Justine na hindi nag sasalita.

CROSSING PATHS IN TIME Where stories live. Discover now