ang pag-ibig ay mapagpalaya

9 1 0
                                    


walang pagaalinlangan kong ipagsisigawan sa tuktok ng sansinukob kung gaano kita iniibig. ipaparating ko sa bawat daigdig mula sa aking munting tinig ang nais imutawi ng aking bibig: mahal kita sa mapagpalayang paraan. may ingay. may alingawngaw ng pagasa. may tanglaw na liwanag. taglay ang makulay at magaan na pamamaraan. mayroong nakabibinging paghuhumiyaw na ikaw at ikaw ang isinisigaw ng pusong naguumapaw sa pagmamahal. may pagtindig na ikaw ay kakabigin ng aking bisig sa mga kalye't lansangan at makisama sa mga taong patuloy ring lumalaban upang ipaghiyawan ang pantay na karapatan. masigasig kitang kukumbinsihin kung sakaling dapuan ka ng pagaalinlangan at isiping may mali sa kung anong mayroon tayong dalawa: na ang pag-ibig ay isang konseptong para sa lahat. na ang pag-ibig ay unibersal. mahalin ang gusto mong mahalin at mahalin mo sila nang walang kalituhan. ikuyom mo sila nang maluwang sa iyong palad at iparamdam ang pagmamahal na may kasiguraduhan—sa laki ng mundong singlawak ng pagmamahal na taglay mo—hindi na alintana ang ilang kakarampot na boses na ibinabatong isang pagkakamali ang mayroon tayo.

hayaang tuluyang lunurin ang mga ito ng ating pagtalima sa baluktot na sistema at pagtindig sa tama. dahil ang tunay na pag-ibig na nagtataglay ng ligaya ay ang pag-ibig na mapagpalaya.

grief-stricken heart of a yearning poetWhere stories live. Discover now