DAY FOUR

8 4 4
                                    

March 26 20** 6:39 am

DLAIRE

Nagising akong may bigat na nakapatong sa tagiliran ko at sa puting tela na nasa harap ko, napaka bango.

Napahikab ako bago tuluyang minulat ang mga mata ko. Mabigat parin ang pakiramdam ko at nanlalabo nanaman ang mga mata ko, sana pala nagpacheck up na ako sa eo bago naggala gala.

Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ang lakas ng hambalos ng hangin, mukhang matatagalan kami bago makaalis. Muli kong tinignan ang taong katabi ko sa pagtulog, tinignan ko ito ng maigi.

"Jackson?" walang salita itong sinabi at niyakap ako. Teka bat si Jackson katabi ko? Saka bakit andito ako sa lobby?

Hinanap ng mata ko si Danyel at nandoon sa kabilang dulo at nakatalikod na natutulog. Huh?

Pwesto doon ni Jackson ah? May nangyare ba kagabi? Hanggang ngayon ay tulog parin ang mga kasama ko dala siguro ng pagod at sakit sa katawan nila.

Hayaan niyo, makakahanap din tayo ng ligtas na lugar. Manatili lang kayong buhay.

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga ko at mas lalo namang humigpit ang pagyakap sakin ni Jackson.

"Dlaire sorry." sorry sa alin? nung araw na niyakap mo ko at umasa ako na gusto mo rin ako pero nakita ko lang kayong naghahalikan ni Tina?

O dun sa araw na nagpapalambing ka sakin tapos maya maya ay doon ka naman kay Tina nakikipaglandian?

O dun sa araw na pinahiya mo ko at itinapon sa basurahan ang pinaghirapan kong icrochet na teddy bear?

O dun sa paglait mo sakin habang si Tina naman ang pinuri mo?

O dun sa araw na nag field trip tayo at pinagtripan mo ko kaya naiwan ako ng bus ng halos dalawang oras?

O dun sa panlalait mo sa mababang grado ko? Saan ka nagsosorry Jackson?

Napatitig lang ako kay Jackson at hindi na nagsalita pa. Gusto ko na malaman kung ano ang gusto mong sabihin Jackson. Please give me peace of mind.

Hindi nga kita jowa pero hindi matahimik ang kalooban ko, gusto lang kita Jackson pero iba ang ipekto mo sa sistema ko. Hanggang kailan mo ko papaasahin?

Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sakin ngunit talagang nagpupumilit sa pagyakap, ugh!

Nakita kong bukas na ang mata nito at masama ang pagtitig sa akin. Hindi ako lumihis sa pagtingin sa kanya. Hinigit niya na naman ako sa yakap.

"Jackson ano ba!? I'm already giving up on liking you, I've liked you no, I think i loved you for five years. Tama na sigurong ihinto ko na ang pagiging tanga ko at tanggapin na hanggang kaibigan lang kita." naramdaman kong unti unting lumuwag ang pagkakahawak sakin ni Jackson at mas sumikip naman ang pagpiga ng dibdib ko.

Akala ko pag umamin na ako mababawasan ang bigat na nararamdaman ko, hindi pala. Lalo lang sumakit, ng sumakit, ng sumakit.

Tumayo na ako at kinuha ang dalawang comforter at dinala ito sa nilalamig na Danyel at umupo sa tabi nito.

Umamin na ako, umamin na ako for so long akala ko 'action speaks louder than words' pero sa taong manhid I think it's the opposite.

Vacation ft. Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon