DAY ONE (1)

26 11 4
                                    

March 23 20** 1:37 pm

Matapos naming kumain ay napag pasyahan naming maligo muna sa dalampasigan, excited silang lahat. Not minding what we saw and heard from the news except for me and Johanna. Guess like me she's also threatened by that virus even if it's fake or not.

"Dlaire di ka ba maliligo?" masayang tanong ni Danyel saakin. Tiningnan ko lang sya at umiling.

"Ayaw ko malamig yung tubig Nyel maya nalang." sabi ko sakanya saka muling naglibot ng paningin at napako ang tingin ko kay Jackson na naghuhukay sa buhangin.

"Kelan mo balak umamin?" nabigla ako sa pagtanong ni Danyel, tinignan ko lang siya at hindi nakasagot. "Obvious naman na may gusto ka e. Sinong tangang di mahahalata yun?" 

Napakagat labi nalang ako sa tanong nya. Pano ko nga ba gagawin yun? I am not ready to lose one of my greatest friends.

"Saka may gusto rin sayo yun. Ang sweet nyo nga e." nakangiti nyang sabi sabay siko sakin.

"Magtigil ka nga jan Danyel, di lang naman siya sakin sweet a. Sweet siya sa lahat." napailing nalang ako ng maalala ko nanaman yung ginawa nila ni Tina nung nakaraang buwan. Wala akong karapatan pero nagseselos ako. Di ko kinayang makita silang magkahalikan sa room namin, sana umuwi nalang ako agad pagtapos ng klase. Sana di ko nalang binalikan yung naiwan kong wallet. T*ngina ang sakit sa dibdib!
Ano ba naman yan Dlaire? Jowa ka ba!?

"Ewan ko sayo Danyel, dun ka nga magpaitim ka!" Pagbugaw ko pa sakanya. Bago pa sya umalis ay ipinakita nya pa saakin ang kamao nya at bumulong ng 'Go, go, go.' sabay turo kay Jackson.

Napaka siraulo talaga. Di ko talaga maisip kung bakit may sira tong mga kaibigan ko samantalang ako eto mabait lang.

Ang saya nilang tignan mula rito, babad na babad sila sa araw siguradong mangingitim sila. Gusto ko rin sanang maligo kaso mukhang ayaw ako paliguin ng dagat. Dito nalang ako at baka mapagtripan pa ako ng mga siraulong yun, pwede naman akong magtampisaw sa batya doon sa bahay. Mahirap na walang lifeguard.

Hindi pa ako handang mamatay, di pa ako nakakaamin.

2:17 pm

"Sure ba kayo?" 

"Oo tulog yan, ako bahala sainyo."

"Batok ka samin Danyel pag yan."

"Oo nga dali.."

Naramdaman ko ang unti unti akong magangat sa kinauupuan ko. Teka anong nangyayari!!? Nakota ko nalang ang nagngingisihang mga mukha nila Liam, Nicholas, Patrick at Danyel.

"HIYAAAAAAA"

Wtf!?

Bakit ang lalim dito!? Mga siraulo talaga tong mga to!

NICHOLAS

Dahil sa kalokohang ibinahagi sa amin ni Danyel ay pumayag na kami. Kanina pa kase tahimik si Dlaire sa lilim at mukhang nagpapahinga o ayaw masikatan ng araw kaya nakaisip kami ng magandang plano.

"Ihagis nyo ha." ngising sabi ni Danyel at ngumiti ng malademonyo

"Sure ba kayo?" nagaalangang tanong ni Liam at tiningnan si Dlaire na mahimbing na tutulog. Baka kase maaya ay magalburoto ang isang to. 

"Oo tulog yan, ako bahala sa inyo" pangungumbinsi nya pa saamin. Baka kase imbis na si Dlaire yung pagtritripan namin baka mamaya kami na pala trip ng isang to. Mahirap na baka bumaliktad to si Danyel sa plano nya.

"Batok ka talaga samin pag yan." pagbababala pa ni Liam at naginat inat na.

Tumango tango lang ito at binugaw pa kami gamit ang kanyang kamay. "Oo nga dali..." 

Vacation ft. Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon