Chapter 32

2K 64 10
                                    

Ethan's POV

Langya. Nasaan ba yung mga school staffs ngayon? Wala silang lahat! Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi wala na sila o kabahan pa lalo.

Nagising kami kaninang umaga, paglabas naming nagulat kami kasi ni isang ksuniera o kahit janitor wala. Nagikot kami sa mga faculty wala rin sila, pati yung principal's office malinis.

" May mga guard! " siagw nila Ben. Kung ganoon bantay sarado pa rin kami, ok rin sila.

" Baka nasa Bagiuo na rin sila " saad ni Yana na sinang ayunan ng lahat, mukang marami nanamang susubok tumakas o baka wala na dahil tingin nila maliligtas sila. Oo tama sa oras na makaligtas ka sa retreat at smunod ka lang sa kanila makakaligtas ka, yun ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako nagyon pero tama na ang pagiging puppet, tama na ang kasamaan nila.

" Tan-tan " napatingin ako sa kapatid ko nakangiti sa akin habang sinusundot ang tiyan ko, sinamaan ko siya ng tingin alam niyang ayaw ko na tinatawag ako sa palayaw na iyan.

" Ano? " inis na tanong ko sa kanya.

" Balikan na natin sila " napangiti ako sa sinabi niya kaya naman ginulo ko ang buhok niya.

Tama. Habang may oras pa kailangan naming silang mailabas makakatakas kami dito dahil mas madami na kami.

Pero bago yun kailangan muna naming maghanap ng mga bagay namakakatulong para mabuksan ang seldang iyon.

" Sa stockroom! " sigaw nila Celso, dali dali kaming pumunta doon. Dapat wala kaming sinasayang na oras.

Nakandado ang pinto kaya naman pinagtulungan naming itong buksan, lahat ng bagay na pwedeng makabukas sa nakakandadong pinto ginamit naming. Ito pa ngang si Rex binato sa pinto yung isang upuan. Marami kaming sinubukang paraan para lang mabuksan ito at sa wakas nasira na nga namin matapos ang halos dalawang oras.

Marami kaming kinuha na iba't ibang bagay, mga martilyo, kutsilyo, pana, lahat ng pwedeng ipang laban sa mga kaaway at kumuha rin kami ng chainsaw na puro dugo, naiisip ko pa lang kung kanino ito ginamit kiniklabutan na ako. May mga dala rin silang baseball bat pang depensa.

Isang madugong laban ito kaya naman dapat handa tayo.

" Wala man lang baril, tsk " pag rereklamo ni Rex.

" Paanong magkakaroon ng baril dito? " tanong naman ni Amaya sa kanya. Pumagitna na si Ben sa dalawa, si Ben kasi ang tumatayong lider o kuya ng grupo matured kasi.

" Halika na nga " sabi naman ni Theo, pansin ko lang palagi siyang nakatingin sa kapatitd ko. Mukang dapat ko siyang makausap ng masinsinan paglabas naming dito.

*******

Nasa basement na kami ngayon pero pansin ko na parang tahimik, parang kakaiba hindi ko maipaliwanag pero kinakabahan ako.

" Parang may kakaiba " sabi ni Selene sa likuran ko. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam non mukang sila din pala.

Nang makarating na kami sa kwarto kung saan naroon ang mga rehas, laking gulat ko ng makitang iilan na lang sila kaya agad kong tinakbo ang kinaroroonan nila Drew.

Napatingin siya sa akin, puno siya ng mga sugat at base sa mga sugat niya mukang sariwa pa ito. Sila na lang dalawa ni Erika ang naabutan ko, wala na sila John hindi ko alam kung anong nangyari sa iba dahil hindi ko pa rin makausap sila Drew.

" Ethan! " sigaw ni Theo, akala ko kung ano iyon may ibinato lang pala mabuti na lang at nasalo ko. Kagaya ng ginagawa ng iba sinimulan ko na rin na bukasan ang selda nila Drew.

Campus Murders ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon