Chapter 38

50 9 12
                                    


Akala ko wala nang mas eengot sa mga dating manliligaw ko. Tinablahan lang naman sila lahat ni Stalin. Noong hinatid niya ako ay sa restawran niya ako binaba kahit ang hiling ko sa carenderia dahil kailangan kong kumustahin sina Bea. Pati crinkles na gramo lamang ang timbang, hindi niya pa rin ako binilhan. He said I caused him insignificant stress. Kung tutuusin, hangin niya pa lang, naiistress na rin ako.

Monday waved hello and when I sensed my boss's freaking presence in his office, I knew I should brace myself. Sisirain niya ang araw ko. I won't let him though, of course. Masyadong espesyal iyong araw na 'yon. Because, after long time of her absence, Hiruki finally came back!

"Grabe glow up nito si madam, ah! Nakaka-yamete kudasai!" She rolled a strand of my chest-length hair in her finger.

I let her as we walked across a park. "How about si Niña?"

Pinaningkitan niya ang nasa kaliwa ko. Sariling suklay ito sa hanggang balikat na buhok.

"Bagay na sa kanya direktor sa Bollywood."

Cackle urged from my stomach. Straight face lang ang huli habang siya'y humagikhik sa sariling biro.

"How about sa'yo?"

Pabebe niyang ininat pataas ang suot na pink tube. Her collarbone exposed, slightly covered by her blazer. "U-Uhm, k-konichiwa, oni-chan . . ."

"Jusko." Hindi ko napigilang mapatawa habang napailing si Niña.

"Gano'n dapat ang atake, dams!" Hiruki grinned and then checked my outfit. "Biruin mo, noon mukha ka pang pinagsakluban ng kaldero and ngayon, ube girl na!" she clapped, proud of my development, one hand holding orange wallet.

Napatingin ako sa kulay purple kong casual sheath dress. Sabi ni Niña kanina outlined ang kurba ng katawan ko. Unmatched man sa nababagay kong color palette, komportable ako sa ganitong kulay. Not too bright, not too dark. Sleek din ang fabric.

"Saan mo nabili?" Niña asked.

"Online. Dumaan siya sa feed ko, tapos nakita kong on-sale. Kumagat na 'ko para makatipid." May free voucher din ako kaya nakasalba mula shipping fee. Speaking of voucher . . .

"Bagay sa'yo dams, in fairness. For sure marami mabibighani sa alindog mo."

Lahat na lang sila inuuto ako.

She turned to Niña, "sinabihan kitang ipasama si Mon. Saan pala siya?"

We first entered the mall then she replied. "Iyong sabi niya naghahanda na para sa kasal nila, sinabi ko na 'di ba sa'yong ikakasal na siya, Jing?"

I glanced at Hiruki and nodded.

"Nani! Totoo nga? Paano 'yong sa kanila ni Shiro? Ah by the way, nag-break up ba talaga kayo dams?"

"Eh nakapag-book nga raw ito ng room sa isang hotel kasama iyon."

Pang-alimango ang kurot ni Hiruki sa puson ko. "Ruki! Masakit!"

"Chukchakan agad?! Maghunos-dili ka muna, nauunahan mo 'ko."

Ang bilis umamoy ng chismis nitong si Nina! "Walang chukchakan o ano! Teka nga, si Mon ang topic natin eh! Paanong napunta sa'kin ang usapan?"

Hiruki just grabbed my arm. "Kakausapin natin siya, she's still our friend. Bibili muna ako ng mga dress pandagdag sa wardrobe ko. Samahan niyo 'ko, lilibre ko naman kayo ta's kain tayo then mag-hangout na rin tayo. Niña, 'wag mo kalimutang ipaalalang sasalihan natin ng pills itong si madam. Naiwan ko akin sa Japan. Ikaw dams, magbaon ka rin ng condom, just in case."

I groaned at it but she ignored me. She rode the escalator and tappe on her phone. Nasa likod niya kami. Chunky ang shoes niya, hindi masyadong natatakpan ng kanyang maong baggy pants.

Drives Under NightlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon