Chapter 32 - Nangako.

23K 749 61
                                    

#KAQwp
Chapter 32


"I love you, Reyna ko." He said for the nth time today. Given that its just 10 in the freaking morning.


Niyakap ko siya mula sa likod habang nakatanaw siya sa view ng Taal. "You've been saying that for I dont know how many times now. May problema ba? May kailangan ka ba, Hari ko?" I asked him.


Sila Erika, Kuya DK, Belle, Sky at Ryan ay nasa loob. Nagtatalo kasi sila kanina sa lulutuin at sa dapat naming panuorin. Its more like, si Belle at Ryan ang nagtatalo. Mabuti nalang at hindi awkward si Sky na makitang nagtatalo na parang aso't pusa sila Belle. I mean, naging sila parin, duh.


Kumalas siya sa pagkakayakap ko at humarap sakin. "Reyna ko." Malambing niyang tawag.


Napakunot ang noo ko. "Nako Kingkong ha. Hindi ako natutuwa! Anong problema?! Sabihin mo na kasi kinakabahan na ako, Kingkong ka!" I hissed. Lumayo ako ng bahagya sakanya at ramdam na ramdam ko yung matinding kaba sa dibdib ko.


King's really sweet. But this kind of sweet, parang may iba. Parang may problema. Parang may bad news. Yung ganun. Parang kagabi pa siya bothered na hindi ko maintindihan.


My gut feeling tells me something's wrong. And it was making me crazy.


Hinapit niya uli ako palapit sakanya. I let my hands rest in his broad chest. "Reyna ko naman, ayan ka naman sa Kingkong." Bahagya siyang tumawa bago magseryoso. "May tanong ako." He breathed hard, still looking at me intently. "Are you okay with those lovers na long distance relationship?"


My breathing becomes uneven. I can feel a lump on my throat but I ignored it. Hindi ko alam pero parang alam ko na kung saan ito papunta. "W-Why? A-Aalis ka?" I voiced out the question inside my head.


Hinapit niya ako para mayakap niya ako ng mahigpit. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa hindi ko malamang dahilan ay naiiyak na ako. "Si Mommy kasi kagabi..." He started and then it hit me, big.


Kaya ako tinanong ni Tito kagabi na kung okay lang daw ba sakin na tumira si King sa puder ng Mommy niya. God!


Kagabi nang ihatid ni King ang Mommy niya sa baba ay tinanong ulit ako ni Tito tungkol dito. My answer didn't change. Wala naman talagang problema kung doon muna tumira si King.


"She wants me to come with her to Paris." Aniya.


Nabasag ang puso ko sa sinabi niya. Walang problema kung magstay si King kay Tita Liza. Pero yung ganun kalayo, I dont know. Its a whole new different level. Ibang bansa.


Paris. That's like thousands of miles away from here. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.


Hinimas niya ang likod ko para siguro mapagaan ang loob ko pero hindi iyon nakatulong. My mind's a mess and not even him, caressing my back can fix that. "Kahit ilang buwan lang daw. Four months? I guess. Gusto niya lang daw makasama ako. She wants to make up for all the years she was gone." Dagdag pa niya.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon