Chapter 43 - Nagmakaawa.

27.6K 814 161
                                    

#KAQwp
Chapter 43


"Sa bahay mo ko ihatid, Ty. Ayoko munang magstay sa condo ko." Sabi ko sakanya nang magumpisa na siyang magmaneho. Yes, we're back.


Mabilis na lumipas ang mga araw dahil naging sobrang abala ako buong lingggo sa pagaasikaso ng launching ng bagong shop ng E. Kahapon, naging maayos naman ang launching. And just as planned, bumalik din agad kami ng Manila. Marami din akong naiwang trabaho dito at ayaw ko namang iasa lahat kay Belle ang mga iyon.


Tinagilid niya ang ulo niya para tignan ako. "Bakit?" Tanong niya.


I shrugged and looked away. I just dont feel like staying there as of now. Kung malungkot ang aura ng condo ko noong pumunta ng Paris si King, mas malala na iyon ngayong naghiwalay kami.


Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil wala namang traffic. Its almost 5 in the morning at wala namang masyadong bumabyahe ng ganitong oras.


"Magpahinga ka nalang muna, wag ka munang pumunta sa E. You've been stressed the whole month." Ani Ty at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sakanya na deretso ang tingin sakin. "Take a rest, okay?" Sabi niya.


I nodded and smiled, a genuine one. Lately, smiling seems one of the hardest thing to do, pero ngayon, totoo yung ngiti ko. "Thank you." Simpleng sabi ko bago ko siya halikan sa pisngi. Deretso akong bumaba pagkatapos noon.


I dont know why I did it, siguro bilang pasasalamat. Sa hindi niya pangiwan sakin noong nasa Singapore ako. Noong kailangang kailangan ko ng masasandalan. He didn't leave me kahit na wala akong ibang ginawa kundi sungitan siya.


Agad akong pinagbuksan ni Manang ng gate. "Steffie iha. Nakabalik ka na pala." Masayang salubong ni Manang sakin.


Bahagya akong ngumiti. "Sila Mommy po?" I asked her as I went inside our house. Im home.


"Natutulog pa. Gusto mo bang tawagin ko at sabihin kong nakauwi ka na?" Sabi ni Manang.


I shook my head. "Hindi na po. Baka matulog nalang din po muna ako." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Iniwan ko muna ang maleta ko sa baba, Im too tired to bring it upstairs.


Ang una kong ginawa ay magbabad sa bathtub. Hindi pa naman kasi talaga ako inaantok, pagod lang. I stayed there for I dont know how long.


Paglabas ko ng banyo ko ay nakapajama na ako. I stared at the whole room. Para akong nagtrip to the memory lane. Kung madaming alaala kami ni King sa unit ko, mas madami dito. Nanatili ang tingin ko sa malaking picture frame na nakasabit sa ibabaw ng headboard ng kama ko. We looked so happy, so inlove. Perfectly inlove, that is.


Kinagat ko ang ibabang labi ko ng lumapit ako sa kama. Kinuha ko si Baby Royal, paghawak na paghawak ko palang sakanya ay nagbagsakan na ang mga luha ko. Niyakap ko ang anak-anakan namin ni King.


Napatingin ako sa side table ko at mas lumakas lang ang iyak ko. May limang picture frames na nandoon na may lamang mga picture namin ni King. Bawat frame, ay kuha tuwing anniversary namin.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon