Prologue

2.6K 39 0
                                    

Sa pag-ibig may mga taong bitter, siguro dahil minsan sila'y nasaktan na.

Pero may mga taong naniniwala sa forever.

Totoo nga ba ang forever?

Siguro oo, para sa iba.

Hindi naman para sa mga nasaktan, pero may mga bagay na dapat siniseryoso at hindi.

Oo sa pag-ibig hindi natin maiiwasan na masaktan, maiyak at maiwan.

Paano kung ang taong mahal mo ay iwanan ka ng walang paalam?

Paano kung bumalik siya?

Makakaya mo pa kayang tanggapin siya ng buo?

Makakaya mo bang iwansan ang taong pilit mong kinakalimutan? O siya parin ang nilalaman ng puso mong nasugatan.

Paano naman kung sinaktan ka nang taong mahal mo? Oo magkaibigan kayo pero may pagmamahal parin ba sa puso mo na ayaw siyang bitawan?

FLASHBACK

Lea's POV

"Babes? babes?" naiiyak na sabi ni Lea palabas ng kuwarto niya.

"Anak!" sigaw ng mama ni Lea at agad siyang niyakap nito.

"Ma! Si Aga? sabi niya pag gising ko nandun siya sa tabi ko pero wala naman siya" umiiyak na tanong ni Lea sa mama niya.

"Anak, umalis na siya, nagpunta na siya sa San Francisco, diba anak nagpaalam na siya sayo?" sabi ng mama ni Lea.

"Pero sabi niya hindi niya ako iiwan" umiiyak na sabi ni Lea.

"Anak! Tama na!" sigaw ng mama ni Lea at yakap sa kanya.

-------------------------------

"Tama ba tong gagawin ko Richard? Tama bang iwanan ko si Lea?" tanong ni Aga kay Richard.

(A/N: they're actually on the airport at this time)

"Pare alam kong mahal mo si Lea pero mali din namang suwayin mo ang utos nila tito, kung para talaga kayo sa isa't isa ni Lea, malay mo balang araw maging kayo ulit" sabi ni Richard kay Aga.

Napaisip nalang si Aga. Balang araw babes magkikita ulit tayo at hinding hindi na ulit kita iiwanan.

Our Love Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon