Chapter: 21 "Her Soul"

1.2K 56 74
                                    

Alam kong galit siya at hindi ito ang tamang oras para makipag debate pero sa tingin ko kailangan niyang maliwanagan.

"Pwede bang huwag mo nang ipagtanggol ang walang kwenta mong Diyos! Kasalan nang alagad Niya kung bakit namatay si Maria! Tinuring kong ama 'yung hayop na iyon pero anong ginawa niya? Pinagsamantalahan niya ang babaeng pinakamamahal ko!"

Napatulala ako doon sa huling sinabi niya.

Kung ganoon. 'Yung lalakeng tinutukoy niya sa kwento ay ang sarili niya? Ibig sabihin ex-girlfriend niya si Maria?

"Tao lang din ang pari na kumupkop sa'yo. At ang lahat ng tao ay nagkakamali. Please huwag kang mawalan ng pag-asa. Manampalataya ka lang sa Kanya." Lumuluhang pakiusap ko habang mahigpit akong nakawak dito sa manibela ko.

Minabuti kong ihinto muna itong sasakyan para hindi kami maaksidente.

"Manampalataya? Tss... Matagal ko nang kinalimutan iyan." Tapos bigla na lang siyang naglaho sa loob ng kotse ko.

Bakit ganoon? Bakit ba ako nakakaramdam ng sakit? Bakit ako naapektuhan sa kanya? At 'yung Maria na iyon, bakit sa kabila nang sinapit niya ay nakakaramdam ako nang pagkaiingit sa kanya?

"Diyos ko, ano po ba talaga itong mga nangyayari sa akin? Sa totoo lang po nahihirapan na ako. Ano po ba ang nagawa kong masama para maranasan ko ito?" Umiiyak na tanong ko habang nakatingin sa ulap.

Nagitla ako dito sa matandang babaeng nakasuot ng puting damit na bigla na lang kumatok sa labas ng bintana ng kotse ko.

"Ano po ang kailangan mo Lola?" Magalang na tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang luha ko.

"Hija, palimos naman."

Naaawa ako kay Lola kaya kumuha ako ng pera sa loob ng wallet ko para ibigay sa kanya.

"Ito po Lola." Sabi ko habang inaabot itong pera pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko tapos tumirik iyong mata niya habang nanginginig.

"Lola, ayos ka lang po ba? Ano pong nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nasa panganib ang buhay mo hija."

"Po?" Nalilitong tanong ko.

"Isa kang katangi-tanging babae. Maraming mabubuti at masasama ang naghahangad diyan sa kaluluwa mong bukod na ipinagpala sa lahat."

"Lola pwede po bang hinay-hinay lang? Hindi po kita maintindihan." Awat ko sa mga pinagsasabi niya.

"Nasa kamay mo ang iyong kapalaran. Ikaw lang ang may karapatang mamili kung ano ang daan na iyong tatahakin. Pwede kang maging pinakamabuting tao pero pwede ka ring maging pinakamasa depende sa desisyong iyong pipiliin." Tapos bigla na lang siyang tumakbo palayo kaya napilitan tuloy akong bumaba ng kotse ko para masundan siya.

"Teka, sandali po Lola!" Malakas na tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya.

Kahit na matanda na ay mabilis pa ring tumakbo si lola kaya hingal na hingal na ako pero isang kulay puting van ang bigla na lang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay sa loob.

"Sino kayong mga lapastangan?! Hindi ninyo ba alam na kayang-kaya kayong ipapatay ng aking ama kapag nalaman niya ang ginagawa ninyo sa kanyang unica hija?!" Nagwawalang sigaw ni lola.

"Naku, ikaw talaga Lola ang hilig mong tumakas." Naiiling na sabi noong dalawang babae at isang lalake na nakasuot nang nursing uniform.

"Ahhhh.... Tama na! Wala akong kasalanan! Si Anastasia! Si Anastasia ang may kagagawan ng lahat!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ni lola habang patuloy siya sa pagwawala.

Dahil sa mga nakita ko pinagpasyahan ko na lang na tumalikod at bumalik sa kotse ko pero noong dumaan iyong van sa harapan ko ay binasa ko 'yung nakasulat sa labas.

"Metro Manila Mental Hospital."

Ibig sabihin takas pala sa mental si Lola.

~~~

"Ate Sandra, gumising ka na daw po. Nakahanda na po ang breakfast. Nasa baba na rin po ang Daddy mo." Kumakatok na sabi ni Dolly mula sa labas ng pinto ko.

"Oo susunod na!" Sigaw ko bago ko ininat ang katawan ko tapos naghilamos na rin ako at sumunod na sa dining area.

"Good morning Mom and Dad." Nakangiti kong bati sa kanila.

"Good morning."

"Dad, anong oras ka po dumating?" Tanong ko habang umuupo.

"Actually kadarating-dating lang niyang Daddy mo." Sagot ni Mommy.

"Ibig sabihin po ba niyan wala ka pang tulog?" Nag-aalalang tanong ko.

Pilit na ngumiti si Daddy sa akin bago siya tumango.

"Siya nga po pala Daddy, kamusta na iyong pasyente na mino-monitor mo?"

"She's fine. Nahanapan na siya ni Doctor Trinidad ng gamot. So far unti-unti nang bumabalik sa dati ang pulse rate niya at pag nagpatuloy pa iyon baka payagan na namin siyang umuwi one of this day."

"That's good! Kahit kailan talaga ang galing ni Blake humanap ng sulosyon sa mga problema."

"Pero may bad news." Matamlay na sabi ni Dad.

"Ano po iyon?"

"Kaninang umaga lang, namatay ang unang pasyenteng inalagaan niya sa ospital. Napamahal na sa kanya ang batang iyon kaya sigurado kaming naapektuhan siya sa sinapit noong bata."

"Oh God..." Nanghihinang sambit ko.

Alam ko kung gaano kalapit si Blake sa mga bata kaya nga siya naging Pediatrician at sigurado akong hindi siya ayos ngayon.

"Nasa ospital po ba siya ngayon?" I asked.

"Wala. Pinauwi ko muna siya para makapag pahinga naman siya."

"Doon pa rin po ba siya nakatira sa bahay nila?"

"Oo, bakit?" Tanong ni Dad.

"Okay lang po ba kung puntahan ko siya ngayon?" Paalam ko.

"Of course! Hinding-hindi kita pipigilan diyan sa plano mo. Kung gusto mo nga doon ka na tumira." Nagnining-ning ang mga matang sagot ni Daddy.

"Calvin!" Sermon sa kanya ni Mommy.

"What? Alam mo Mercy, ang anak natin hindi na bata. It's time for her to settle down at kung may lalake man akong pinagkakatiwalaan ng sobra para kay Sandra ay si Blake lang iyon at wala nang iba."

"Daddy naman, pwede bang huwag mo akong binubugaw kay Blake. Pupunta ako sa bahay nila as a friend. Besides, Blake use to be one of my closest friend."

"Ewan ko ba naman kasi sa'yo. Niligawan ka niya noong high school kayo at obvious naman na gusto mo rin siya pero binasted mo lang."

"It's a very long story Daddy at hindi po siya ganoong kadaling i-explain."

~~~


 (A/n: Hi guys! Gusto ko lang i-share sa inyo na naka-2nd place ako sa isang International Writing Competition dito sa Wattpad kaya naman pinaaga ko ang pag-a-update. Yehey clap your hands for me! Ang hindi pumalakpak magkakapigsa sa kilikili. Ahahahah... Joke lang. ^_^ Okay, let's be serious. Honestly nahirapan talaga ako nang bonggang-bongga sa chapter 20. Alam ninyo ba na tatlong beses kong ni-revise ang chapter na iyan kasi talagang iniiwasan kong makabangga nang kahit na sino lalo na sa Simbahang Katoliko pero kahit anong iwas ko hindi po talaga pwedeng hindi kasi iyon ang kinakailangan sa story. Ngayon pa lang ay humihingi na akong ng tawad kung sakaling may na-offend man ako lalo na sa samahan ng mga pari, please guys don't hate me. Remember fiction story lang po ito saka si Jose Rizal din naman 'di ba gumamit ng ganyang kapahangasan sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Alam kong halos every chapters na ina-update ko ay nag-iiwan sa inyo ng mga katanungan. Meron pang mga nagsasabi na napaka-unpredictable daw nitong story kasi hinahulaan nila iyong susunod na mangyayari pero hindi iyon ang lumalabas sa update ko. Guys, naka-screen shot ang mga PM ninyo sa akin kaya hindi kayo makakatanggi. xD Pero isa lang po ang masasabi ko, MARAMING-MARAMING SALAMAT sa pagsubaybay ninyo sa buhay ni Sandra at ni Kuyang nakaitim. Obviously, malayo pa po ang lalakbayin ng story na ito at marami pang mga sikreto na dapat ibunyag. Ano iyon? Abangan ninyo na lang! :p)

Christ IlluminationWhere stories live. Discover now