"BOSS, magkano ang token?" Iyan agad ang tanong ni Peter nang marating ang counter.Umiling ang lalaking nasa harap niya. "100 isa, po, para sa'yo."
Tumawa si Peter. Tiningnan niya ang isang babae na nagbabantay din sa arcade. "Eh 'yan, magkano 'yan?" Muli siyang tumingin sa lalaki.
Mukhang nawala agad sa mood ang lalaki. "Ewan ko sa'yo, Peter! Ang landi mo."
Napangiti si Peter. Sarap na sarap talaga siyang asarin ang kaibigan niya. "Yayain ko lang naman siya mamaya sa concert."
"Akala ko ba ako ang kasama mo mamaya?" Nag-iwas ng tingin ang lalaki. "Pero okay, pagod din naman ako. Sa iba ka na lang magpasama," sabi pa nito habang hindi pa rin siya tinitignan.
Natawa si Peter sa kaniyang isipan. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na nagseselos ang kaibigan. Akmang aalis na ang lalaki nang tinawag ni Peter. "Alexis, saan ka pupunta?"
"Magsi-cr lang," tugon nito at naglakad papalayo.
"Alex," tawag niya at lumingon naman ulit ang kaibigan. Pinakita niya ang pera. "Exchange mo muna," nakangiti pa rin si Peter.
Bumuntong hininga si Alexis at muling bumalik sa harapan ni Peter. Kinuha niya ang pera at pinalitan ng mga token. "Oh," binigay niya ang tokens kay Peter.
"Ganiyan na ba ang service dito? May padabog?" Ngumisi si Peter. "Bakit ka ba nagkaganyan?"
"Ang alin?" Umaktong walang ideya si Alexis.
"Nagseselos ka." May lokong ngiti pa rin si Peter.
Natigilan si Alexis at agad ring nakabawi. "Ewan ko sa'yo, Peter. Naiihi na ako. Maglaro ka na diyan." Agad na lumayo si Alexis at nagtungo sa banyo.
Natawa na lang ng mahina si Peter. Ilang saglit pa ay bumalik na si Alexis. Nagulat pa siya nang nasa counter pa rin si Peter.
"Oh, bakit hindi ka pa naglalaro?" Tanong nito.
"Ano," lumunok si Peter. "Gusto ko lang sabihin na hindi ko siya type." Kumunot naman ang noo ni Alexis. "Si Angela," pagtukoy niya.
Tumawa ng mahina si Alexis. "Okay, Peter." May pagkasarkastiko ang tono.
Umilang lang si Peter at ngumiti. "Sa'yo na siya," sabi niya at natigilan naman si Alexis. "Basta samahan mo ako mamaya ha. Bye, love you. Maglilibot muna ako." Pagkasabi ay umalis na siya sa counter at iniwan ang kaibigan.
Naglibot na si Peter sa loob ng arcade. Medyo maraming tao ngayon dito. Maingay ang mga tunog ng machines. Nagkalat din ang mga neon lights.
Ilang sandali pa ay pumili na siya ng machine na lalaruin. Umupo siya sa silya at naghulog ng isang token sa coin slot. Magpapalipas lang muna siya ng oras sa larong ito.
"GAME OVER." Napamura si Peter sa isipan. Paano ba laruin 'to. Naghulog ulit siya ng token. Ilang pindot pa. Nasa screen ang atensyon niya. Nagpipindot na ang mga daliri. Tumatalon, tumatakbo, umiiwas sa landmine. At wala pang ilang minuto ay nahulog si Marie sa bangin. Tapos na naman ang adventure niya.
Napamura ulit si Peter sa isipan. Napagpasasyahan niyang huwag na lang ulit maghulog ng token. Imbes na magsaya ay naiinis na siya sa larong ito. Bumuntong hininga siya at sumandal sa silya. Nag-isip ng susunod na lalaruin. Nilibot niya ang tingin sa paligid, sa mga machines na malapit sa kaniya, sa basketball machines. Natigilan siya. Nasagi sa mata niya ang dalawang pamilyar na lalaki. Ang isang lalaki ay kilalang-kilala niya. Buhok pa lang nito na agaw pansin ang kulay. Si Felix. Kasamahan niya sa badminton. Napalunok siya. Si Felix. Kahit ideny pa ni Peter ay ngayon maypagtingin pa rin siya sa lalaki. Kung ilalarawan ang nararamdaman niya ay para itong love-hate relationship. Unti-unting piniga ang dibdib niya nang makitang hahalikan na si Felix ng boyfriend nito.
"Tigilan n'yo 'yan. Bawal 'yan dito...mga bakla."
Natigalan agad si Peter. Napamura sa sarili dahil sa sinabi. Nakatingin na sa kaniya ang dalawa. Si Felix nalilito habang ang kuya Clifford ay nakatingin sa kaniya ng matalim. Hindi nakaimik si Peter. Nagmura ulit siya sa isipan.
"Ikaw ang bawal dito. HOMOPHOBIC."
Natigilan si Peter. Napatingin siya sa babaeng nasa gilid lang din nina Felix.
"Bawal homophobic dito."
Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Akmang babawiin na sana niya ang sinabi pero agad ding naramdaman niya ang paghila sa kaniyang braso. Si Alexis. Gusto niyang umangal at mag-explain pero hindi niya magawa. Hila-hila na siya ni Alexis palabas. Hindi naman siya pumalag.
Pagkalabas ay agad na binitawan ni Alexis ang kaniyang braso. Medyo namumula na ito.
"Bakit mo ginawa 'yun?!" Mahina pero may diing sabi ni Alexis. Seryoso ang mukha nito. Napalunok si Peter. Hindi niya rin alam. Siguro, marahil, dahil sa selos?
"S-sorry." Ang tangi niyang nasabi.
Natigilan si Alexis at agad ding nakabawi. "Sa kanila ka magsorry, Peter. Hindi sa akin."
Hindi nakaimik si Peter. Hindi niya rin alam. Baka dahil ayaw niyang nadedisappoint si Alexis sa kaniya. Umiling si Alexis. "Hindi ko alam, homophobic ka pala?" At iyon nga ang ayaw ni Peter, ang ma-disappoint si Alexis.
Nang hindi makasagot ay iniwan siya ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...