Chapter 2

77 11 2
                                    

"There you are!" Mabilis pa sa alas kuwatro akong lumayo kay Gwen when I heard ate Aiah's voice. I saw Gwen fixed her posture and tumingin kay ate Aiah.

Ate Aiah gave us a quizzical look. Papalit-palit yung tingin niya sakin at kay Gwen. Bigla naman akong nahiya kaya I excuse myself. Hindi ko na sila hinintay magsalita at tumakbo na ako mabilis papunta sa tent namin.

"Ayos ka lang te? Mukha kang hinabol ng manok." Komento ni Jhoana pagkapasok ko ng tent namin.

Hindi parin masyadong nagsisink-in sakin yung mga sinabi ni Gwen. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko.

"Sobrang specific naman ng hinabol ng manok." Sabi ni Stacey. Jhoana stick her tongue out and make face towards Stacey.

"Pero what happened ba Shee?" Tanong ni Mikha. Tumingin ako sa kanilang tatlo and they all look so eager waiting for me to tell the story.

Nagsimula na akong makuwento sa kung anong nangyari. Simula sa sinundan ako ni Gwen hanggang sa sinabi sakin ni Gwen.

Nagulat naman ako at si Mikha ng biglang tumili si Stacey at Jhoana. Dahil siguro sa gulat ay hindi napigilan ni Mikha na hampasin sa braso si Stacey tapos tulak sa mukha ni Jhoana.

"Ang OA niyo mga bwiset kayo!" Reklamo ni Mikha habang nakakunot parin yung noo.

"Sino ba naman hindi kikiligin sa ganun?" Kinikilig na sabi ni Stacey.

Kung sila kinikilig, ako hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Hindi ko naman maikakaila na naa-attract ako kay Gwen. Sino bang hindi?

She's beautiful, she's good at dancing and she's smart and nakakadagdag pa yung pagiging tahimik niya. Sobrang attractive niya. And her speaking voice is so soothing.

Maraming nagkakagusto sa kanya babae man or lalaki. Kapag sumayaw na siya, parang nag-iibang tao siya.

********

It's almost dinner na and nakapila na kami to get our food. Hindi ko na masyadong inisip yung nangyari kanina samin ni Gwen. Ayaw kong mag-assume and hindi ko rin naman kabisado yung takbo ng utak ni Pres.

After kong makuha yung pagkain ko, umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ko. Nakitang pinagtitripan ni Stacey si Jhoana kaya hindi ko mapigilan na tumawa ng malakas.

"Dali Jho! Pose ka lang saglit. Picturan ko kayo ng mangga kasi magkamukha kayo." Mapang-asar na sabi ni Stacey habang tumatawa.

Nilabas ko naman yung cellphone ko at nagstart magvideo ng kalokohan ng dalawa. "Bwiset ka Stacku! Ang sakit na ng tiyan ko!" Tumatawa kong sabi habang hawak ng isang kamay ko yung tiyan ko.

Halos maiyak na ako sa kakatawa and ganun din si Stacey. Halos hindi naman maipinta yung mukha ni Mikha kasi natatawa siya sa kalokohan namin pero nahihiya din siya dahil samin.

Si Jhoana naman ay hinayaan na lang si Stacey. She glared at us defeatedly and pout her lips a bit. After Stacey took pictures of Jhoana bigla siyang tumayo at puwesto sa likod ni Stacey.

Hineadlock naman niya siya Stacey pero hindi naman mahigpit. "Aray Jho!" Reklamo ni Stacku pero tumatawa siya.

"Tama na yan. Nakakahiya kayo pinagtitinginan na tayo." Saway ni Mikha. Tumingin ako sa paligid and napansin ko nga na may mga nakatingin sa direction namin.

Bumalik naman sa pagkakaupo si Jhoana and nagsimula ng kumain. We started to eat narin and talked about random topics.

Nagkaron ng konting debrief about sa activity bukas after dinner then pinapunta na kami sa kanya-kanya naming group tent para makapagpahinga na.

Imagine Me And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon