"Ano ito?" Galit na tanong ni Mommy at inilapag ang pregnancy test sa aking harapan.Bigla akong kinabahan at bahagyang nanlaki ang mga mata.
"Mommy," tawag ko.
"How dare you? Paano mo nagawa ito?" tanong niya.
Napailing ako habang kagat ang labi. Nagbaba na lang din ng tingin sa lamesa.
"Makipaghiwalay ka sa lalaking iyan. Ihahanap kita ng lalaking kaya kang bigyan ng magandang buhay. Lalaking tatanggapin ‘yang anak mo."
Nanlaki ang mga mata ko. "No. Hindi ko gagawin ang bagay na iyan, Mommy!" tumaas ang aking boses.
Mas lalong bumakas ang galit sa kanyang mukha.
"Makikipaghiwalay ka sa kanya o ipapa-abort natin iyang magiging anak ninyo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Mommy, anong karapatan mong sabihin iyan? How dare you!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"How dare me? Hindi ko matatanggap ang batang iyan lalo na at ang lalaking iyon ang ama!"
"Hindi ko gagawin ang nais mo, Mommy! Mas mabuting iwanan ko na lamang ang pamilyang ito kaysa gawin ang gusto mo. Parang hindi ka naging, Nanay!"
Hindi ko na kontrolado ang sarili kaya iyon na ang mga nasasabi ko. I can't believe her.
Dumating si Daddy na agad nakita ang nangyayari at hindi nagtanong pero alam niya na agad.
"Felianna!" sigaw ni Mommy.
Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Doble ang sakit na nararamdaman ko.
"Mommy, please. Don't do this to me. Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama sa tabi niya..." I almost begged on her.
Masamang tingin lang ang iginawad niya sa akin.
"Una pa lang ay hindi ko na gusto ang lalaking 'yon sa 'yo! And what did you do?! Nagpabuntis ka sa isang lalaking wala kang kasiguraduhan kung magiging maayos ba ang buhay mo sa kanya!" she shouted.
Ramdam ko ang matinding galit sa boses niya. Naiintindihan ko naman kung ayaw niya kay Ryle... pero bakit gano'n na lang niya husgahan ang lalaking mahal ko?
Ni hindi nga niya kilala ng buo si Ryle. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay na estado sa buhay nito.
"Mahal na mahal ko siya mommy... at wala akong pakialam kung ano pa ang estado ng buhay niya... I love him so much... Please... Hayaan ninyo na ako..." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Ramdam ko ang sakit sa aking pisnge pero hindi ako gumanti. Hinayaan ko lang siya.
She's still my mother and I respect her... pero ang sabihin niyang itago ko kay Ryle ang pagbubuntis ko at magpakasal ako sa lalaking gusto niya sa akin... 'yon ang hindi ko kayang gawin.
"Walang hiya ka! Wala ka ng respeto sa akin! Sa amin ng daddy mo! Anong pagkukulang namin sa 'yo, huh?! Binigay namin ang lahat ng gusto mo! Tell me, Felianna! Anong pagkukulang namin sa 'yo?"
Umiling ako... Gusto kong sabihin na wala silang pagkukulang nung una, pero nung nakilala nila si Ryle ay doon na unti-unting nagbago. Hindi ko na sila naramdaman.
"Niloloko ka lang ng lalaking 'yan. Hindi naman kita sasabihan na itago mo sa kanya ang pagbubuntis mo kung wala lang, Felianna. Makinig ka naman sa akin ngayon. Makinig ka naman kay mommy, anak," she said.
Kalmado na siya. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Nanginginig ang aking labi dahil sa sobrang pag-iyak.
"Kilala ko siya... Hindi niya magagawang lokohin ako. H'wag mo naman siyang sirain ang lalaking mahal ko sa akin, mom... para lang lumayo ako sa kanya..." putol-putol na saad ko.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Story of Us
RomantizmSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...