Chapter 9: I will protect you

6.6K 210 9
                                    

           Sobrang kakahiyan yung nararamdaman ko ngayon na gusto ko nang tumakbo at matunaw ng marinig ko ang boses ni Jason.

Tumingin ang lahat sa kanya, nakita ko sya na nagmamadaling lumapit sakin at agad akong niyakap ng mahigpit na naging dahilan ng pag iyak ko ng malakas.

Naramdaman ko yung init ng yakap nya.

"Anong ginagawa nyo kay Brent ha!?" Sigaw ni Jason sa kanila.

"Okay kalang?" Tanong sakin ni Jason habang tinatanggal yung mga pintura sa noo ko at yung malapit sa mata gamit ang kamay nya.

Yakap yakap parin ako ni Jason ng napatingin ako kay Hana na kararating lang, nakatingin sya samin.

Dahan-dahan akong tumingin kay Jason, ngayon ko lang sya nakita ng ganito... galit na galit.

Tumahimik ang lahat, tumingin ako kay Hana na nakatingin kay Jason.

"Tara na!" Sabi ni Jason sakin.

Maglalakad na kami ng biglang magsalita yung babae.

"Wait lang! Jason sorry di namin sinasadya, ayaw lang naman kasi naming ma-goyo ka nyang hampas lupang yan eh"

Huminto si Jason sa paglalakad pati ako napahinto, tumingin sya sa babae at ngumisi.

"May gusto ka sakin? Pero pano ako magkakagusto sa isang tulad mo kung ganyan yung trato mo sa taong mahalaga sakin?....

Pano kita rerespetuhin kung yung taong mahal ko di mo kayang respetuhin?..."

Pagkasabi ni Jason nun agad nya kong hinila papalayo duon.
Hawak-hawak nya ko sa mga kamay ko habang hila-hila nya ko.

Yung pakiramdam ko para akong nasa eksena sa mga pinapanood natin na love story sa telebisyon.

Ang sarap sa pakiramdam parang bumabagal yung paligid at naririnig mo yung tibok ng puso mo.

Sana hindi na matapos tong moment nato.

Dinala ako ni Jason sa Annex garden kung saan konti lang yung mga istudyanteng tumatambay, dito rin nagsimula tong kalokahan namin ng yayain ako ni Jason na magpanggap bilang boyfriend nya.

Agad nyang hinubad yung suot nyang polo na puno na ng kulay pulang pintura at ginawa nyang pampunas sa muka ko para matanggal yung pintura.

Di ko namalayan na hawak ko parin pala yung libro ko na ngayo'y nababalot na ng pintura.

Napaiyak ako bigla ng makita ko yung libro ko na sobrang mahal at to think na hindi na ako makakapasok sa klase dahil sa itchura ko.

Umupo sa tabi ko si Jason na para bang hindi mapakali pansin mo na hindi nya alam kung ano ba yung gagawin nya.

Nang mahimasmasan ako huminto nako sa pag iyak.

"Okay kana?" Sabi nya sakin sa malambing na boses.

Tumango ako sa kanya para sabihin na oo.

Napansin ko na puno narin pala yung white tshirt nya na pintura.

"Tignan mo yung nangyari sayo, pati ikaw nalagyan na ng pintura"

Sabi ko sa kanya sabay pag-pag sa damit nya.

"Ano kaba okay lang... Bat di mo sinabi sakin?"

Napahinto ako sa pag-pagpag ko ng sabihin nya yun.

"Bat di mo sinabi sakin yung problema?"
Di parin ako sumagot sa kanya.

"Sa tingin mo ba hindi kita kayang protektahan? Sa susunod na gawin nila sayo yan sabihin mo agad sakin!"

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Where stories live. Discover now