Chapter 12: Silence

6.6K 234 37
                                    

Sabay kaming pumasok ni Jason pero ako yung unang bumaba ng sasakyan nya para narin siguro hindi mahalata na magkasama kami.

Naglalakad ako papuntang room ng harangin ako ni Ramon at Princess.

"San ka galing ha?!" Tanong nila na nakapamewang pa.

"Ha... Ano... Ahhhh... Sa... Sa bahay?" Nauutal kong sinabi.

"Wag mo kaming linlangin Brent, kami paba?" Sabi ni Ramon na nakataas pa ang kilay.

"Nakita ka namin bumaba sa sasakyan ni Jason" wika ni Princess. Patay na!

"At teka.... Uniform mo ba yan? Bat parang anlaki sayo?"

Nang sabihin ni Ramon yun nag panik nako, kasi hindi ko na alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanila.

"Francis! Francis!" Sigaw ni Princess.buti nalang! Thank you Francis!

Nakahinga ako ng maluwag ng biglang tawagin ni Princess si Francis.

Tumakbo sya papalapit kay Francis wala naman kaming ibang magagawa kundi sundan sya.

"Ano bayan Princess, wag ka namang feeling close kay Francis!" Bulong ko sa kanya.

"Wag kang ano dyan, love life ko to support ka nalang!" Sagot nya sakin pabulong.

Nakangiti na agad samin si Francis pag lapit namin sa kanya.

"Happy birthday Francis!" Sigaw ni princess sabay abot ng maliit na regalo kay Francis.

Nagulat sya at ngumiti.

"Wow! Alam mo kung kailan birthday ko.. Nakakatouch naman salamat." Sabi ni Francis.

"Eh pano naman kasi stalker tong kaibigan namin hehe happy birthday Francis" sabi ni Ramon sabay abot din ng regalo kay Ftancis. Holy shit! Awkward ako lang walang regalo.

Teka di naman kami close eh bakit ako magreregalo sa kanya?

Siniko ako bigla ni Ramon at bumulong sakin.

"Ilabas mo na yung gift mo sakanya."

"Ha!!! (Nanlaki ang mga mata ko) walaaa.. Wala akong gift, hindi ko alam na birthday nya" bulong ko sakanya.

"Anong di alam tinext ka namin ni Princess!"

Text? Anong text? Hala hindi ko pa nakikita yung cellphone ko simula pa kagabi.

Nakatingin lang samin si Francis habang natatawa-tawa pa.

"Ano ba kayo wag na kayong magtalo, okay lang naman sakin, walang problema in fact masaya nga ako eh kahit batiin mo lang ako, i mean kahit batiin nyo lang ako masaya nako"

Napatingin ako sa kanya, ganun din sya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Yung titig na parang may gustong sabihin.

"Anyway how about dinner later pwede ba kayong tatlo?"

Sumagot naman agad si Princess at Ramon na pwede sila di ko naman sure kung makakapunta ako kasi inaalala ko si Jason.

"Ikaw Brent? Sasama ka?" Tanong nya sakin, tumingin naman sakin yung dalawa kong kaibigan.

"Ha? Hmmm di ko pa sure eh. Pero tatry ko." Sagot ko sabay ngiti nalang sakanya.

"Sayang naman? Sumama kana..." Pilit nya ng bigla syang tawagin ng co-athlete nya.

Nagpaalam na sya samin pagkatapos nyang sabihin na pumunta raw kami mamayang gabi.

"Ano? Pachicks pa? Tae ka haha" biro ni Ramon sakin.

"Oh my god! Diba si Jason yun? At si... Si Hana!" Sabi ni Princess habang inaaninag yung sinasabi nyang si Jason.

"Ow shit sila nga!" Dagdag ni Ramon.

Tinignan ko yung tinutukoy nilang dalawa at tama nga sila si Jason nga yun at Hana.

Anong ginagawa nila? Bakit sila magkasama? Nang makita ko yun parang sinaksak ng kutsilyo yung puso ko sa sobrang sakit.

Kinuha ko agad yung fone ko at tinawagan si Jason. Nakita ko na tinignan nya yung fone nya at binalik sa bulsa nya.

Lalo akong nakaramdam ng sakit sa puso ko, kasi sapul na sapul ako. Pinaalala nya sakin kung sino ako at saan ako lulugar.

Nakita ko sila na masayang masaya at nagtatawanan.

Tumingin sakin sila Princess at humawak sa mga balikat ko na parang sinasabi na okay lang yan.

Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit ko hinayaang mahulog ako sa taong yun.

May pagkakataon na nagkakasalubong kaming dalawa pero hindi nya ako pinapansin. Siguro nga bising-bussy na sya kakatext sa cellphone nya.

Hindi nako magtatanong kung sino yung katext nya obvious naman kung sino eh! Malamang si Hana yun. Kitang kita mo sa muka nya na masayang masaya sya at kinikilig pa.

Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko nung mga oras nayun parang ang sakit sakit di ako mapakali lalo na't naiisip ko na magkasama silang dalawa.

Tinangka ko ulit tawagan si Jason pero hindi parin sya sumasagot.

Dun ko nalaman na mag kasama parin sila ni Hana sa Annex Garden naririnig ko pa hanggang dito yung tawa nilang dalawa na halata mo na nag eenjoy sila sa isa't isa.

Narealized ko na ito naman talaga yung plano all along eh bakit ako nag kakaganito? Siguro kasi nag iba na yung pagtingin ko kay Jason.

Hinayaan ko nalang sila at umalis na mabigat ang loob, gusto kong sumigaw pero wala naman akong karapatan.

Pumasok ako sa CR ng boys para makapag hilamos.

"Ahhh ano ba Brent! Bakit mo ba to nararamdaman?!"

Sabi ko sa sarili ko sabay hawak sa puso ko. Di ko na napigilan yung sarili ko at napaiyak nako.

Ng biglang pumasok si Francis. Nang makita ko sya agad akong tumigil sa paghagulgol ko at pinunasan yung mga luha ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin habang papalapit.

Tumango naman ako sakanya para sabihin na okay ako.

"Bakit anong problema?" Tanong nya sakin.

Napatingin ako sa kanya at nagsimula nanamang tumulo yung luha ko. Pinupunasan ko ng mga kamay ko ang mga mata ko ng bigla akong yakapin ni Francis.

"Okay lang yan... Ilabas mo lang yan para gumaan yung pakiramdam mo." Sabi nya habang tinatapik tapik yung likod ko.

Pagkarinig ko nun nakaramdam ako ng comfort sa kanya kaya naman hindi ko na napigilan pang imiyak at humagulgol habang yakap yakap nya.

Ng mailabas ko na yung lahat ng sakit na nararamdaman ko at tumigil na sa pag iyak nakita ko na nabasa ng luha ko yung balikat ni Francis.

"Ayan nabasa tuloy yung uniform mo, sorry.." Nahihiya kong sinabi sa kanya.

"Ano kaba okay lang yan kahit may sipon sipon payan" natawa naman ako sa sinabi nya.

"Baliw ka! Wala namang sipon." Sabi ko sabay himas sa balikat nya na basa ng luha. Matipuno rin pala ang katawan nito.

Nagtatawanan kami ni Francis ng biglang pumasok sa loob ng CR si Jason na parang nagulat samin.

Ako mismo nagulat sa kanya automatic na lumayo yung katawan ko kay Francis natakot ako na baka kung ano yung isipin ni Jason samin.

Tumalim ang mga mata ni Jason habang nakatingin sya sakin pagkatapos tumingin din sya kay Francis.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon