Chapter 3

19 3 0
                                    

Andrea's pov

Rinig na rinig ko pa rin ang sigaw nya, mas malakas na ito kaysa kanina. Dahil ang totoo nasa harapan ako ng study room nya.

"F*ck you uncle!!! F*ck you!!! I'm gonna kill you bastard!!!" Paulit-ulit nyang sinisigaw iyon. Gusto kong pumasok pero natatakot ako, gusto ko syang icomport pero natatakot ako na baka saktan nya ako.

Napatalon ako sa gulat ng bumukas ang pinto na nasa harapan ko. Para akong maiihi sa takot dahil sa aura nya. Napakalamig, napakatalim ng mga tingin nya, napaka blangko ang mga mata nya.

"D-devion" mahinang tawag ko sa kanya. Napalunok pa ako dahil nararamdaman ko talaga ang kaba ko ngayon, yung pintig ng puso ko na parang lalabas na sa katawan ko dahil sa sobrang bilis.

"What are you doing here?" Maos pero malamig pa rin ang boses nya na nag tanong sa akin.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa panginginig, namamawis na rin ito at ang dalawang tuhod ko parang unti nalang susuko na.

"K-kasi..." Nagulat ako ng humakbang sya kaya napalakad ako ng paatras. Wala pa rin kabuhay-buhay ang mga mata nya.

"D-devion, a-ano kasi...." Napakagat na ako ng labi ng maramdaman ko ang lamig ng pader.

Nasa harapan ko na sya, nakatingala ako sa kanya dahil mas matangkad ito sa akin.

'Sana all nalang'

"Devion—" napatigil ako ng pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko. Nag tataka pa ako nung una pero napasinghap at nagulat ako sa sunod na nangyari.

'Umiiyak sya'

Ang kaninang mahinahon nyang balikat ay ngayon nag tataas-baba na.

"Dad.... Dad.... Dad...." Paulit-ulit nyang sinasabi iyon. Hindi ko alam ang gagawin kung aaluhin ko sya, yayakapin ko sya habang tinatapik ang balikat nya.

"AHHHHH!!!" Parang lalabas ang puso ko sa gulat ng sumigaw sya.

Paulit-ulit rin syang sumigaw sa balikat ko habang tinatawag ang dad nya.

"D-devion tama na, shhh tama na please" para na akong maiiyak sa sitwasyon namin ngayon lalo na sa kanya.

"Devion tama na, hwag ka na'ng umiyak please" hindi ko na rin namamalayan na may luha na'ng lumabas sa mata ko.

Ang sakit palang makita mo ang taong kinaiinisan at kinamumuhian mo na umiiyak sa harapan mo? Yung takot na nararamdaman ko ay napalitan ng awa.

Hindi ko namalayan na yakap ko na sya habang tinatapik-takip ko ang likod nya.

"Tama na, mag pahinga ka na" pag papakalma ko sa kanya. Naramdaman ko ang mga braso nya na yakap na ang bewang ko habang ang ulo nya ay nasa leeg ko na.

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso, ngayon nya lang ginawa ito sa akin simula no'ong ikinasal kami, pero hindi naman magarbong kasal kung di yung kami-kami lang talaga na nandito ang nakasaksi sa kasal namin ni Devion.

"Devion halika na, dadalhin na kita sa kwarto mo" naramdaman ko ang pag luwag ng braso nya sa bewang ko. Nakasiksik pa rin ang ulo nya sa aking leeg.

Inalalayan ko syang pumunta sa kwarto nya para makapag pahinga na sya.

Pagkarating namin sa mismong kwarto nya ay kaagad ko syang dinala sa kama nya.

"Huyy!!" Napatili ako ng pati ako ay naisama nya sa higaan. Yung posisyon naming dalawa, namumula ako sa sobrang ilang.

Nakapatong ako sa kanya at habang sya ay nakahiga sa kama nya.

Kidnapped By His Love (HIDING SERIES#2) *on-going*Where stories live. Discover now