Sabrina's pov
Sa hindi malaman na dahilan ay nasampal ko ito. Tila hindi nya inaasahan na sasampalin ko sya.
"Bakit ba ang hilig nyong mangailam sa buhay ko?!!!" Sigaw ko sa kanya, eto na naman ako umiiyak sa harapan nya.
"Pati pangarap ko pinag kakait nyo sa akin!!" Dagdag ko pa. "Wala ka naman pakealam diba?!! Bakit ba ang hilig mo mangailam sa buhay ko at sa mga gusto kong gawin?!!" Hagulgol kong tanong sa kanya.
Wala syang alam sa loob ng tatlong taon namin bilang mag-asawa. Hindi nya rin alam na pinilit ko talagang mag designer dahil sa matagal ko na itong pangarap.
"Pakealamanan mo ang buhay mo, hindi ang akin!!! Wala kang pake alam kung mamatay man ako dahil sawang-sawa na ako sa ganitong buhay at sa trato mo sa akin!!!" Sigaw ko sa kanya at kaagad na hinablot ang hawak nya bago tumakbo papalayo sa kanya.
Pagod na pagod na ako sa ganitong buhay. Hanggang kaylan ko ba ito mararanasan? Hanggang mamatay nalang siguro ako?
"Sorry ma'am ngayon lang, nalukot pa po tuloy" nakayukong sabi ko sa kanya ng pumunta ako sa faculty. Hindi na ako nakapasok sa subject nya dahil umiyak pa ako ng umiyak.
"Sabi ko naman kasi sayo hwag mo na ipag sabay ang pag aaral mo sa ibang kurso para di ka nahihirapan" nag aalalang sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Pangarap ko na po ito ma'am at isa pa isang taon nalang naman po gagraduate na po ako sa dalawang course" sagot ko sa kanya.
"Umiyak ka ba?" Natigil ako sa tanong nya. Napansin nya siguro ang boses ko na kakaiba?
"Pinagalitan ka na naman ba ng mama mo?" Tanong nya sa akin.
"O-opo" pag sisinungaling kong sagot. Napabuntong hininga naman ito.
"Sabrina, mabait kang bata. Lahat ginagawa mo para makamit mo ang pangarap mo sa buhay. Pero sana hwag mong pababayaan sarili mo, tignan mo napakapayat mo na at halatang di ka kumakain" hindi ako umimik sa sinabi nya. Kasi totoo naman iyon, hindi ako kumakain dahil sa wala akong gana.
"Ma'am papasok po ako sa ibang subject ko. Hindi po ako papasok sa BUSINESS ADMINISTRATION po" iyon nalang ang sinabi ko sa kanya.
"Sure ka? Baka kasi pagalitan ka ng ibang subject teacher mo?" Nag aalalang tanong nya sa akin.
"Hmm maiintindihan naman po siguro nila?" Nasabi ko nalang sa kanya. Tumango naman sya sa akin kaya umalis na ako doon para pumunta sa susunod na subject ko.
Nadaanan ko pa si sir Jayson. Balak ko sana lagpasan pero nag salita ito.
"Pinagalitan ka na naman ba nya?" Tanong nya sa akin. "Sanay na ako sir" iyon nalang ang sinabi ko bago muli nag lakad papunta sa room namin.
Pag pasok ko ay kaagad na akong umupo sa pinakadulo. Dumukmo ako dahil sobrang sakit ng ulo ko sa dami ng iniisip ko.
"Sab?" Kalabit sa akin ni Nikko kaya umangat ang ulo ko. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ahmm naipasa na namin yung ginagawa namin, yung sayo ba naipasa mo na?" Tanong nya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
Hindi nya na ako kinausap pa kaya bumalik nalang muli ako sa pag kakadukmo ko.
'Ang sakit ng ulo ko'
Nagising nalang ako ng niyugyog ako ni Nikko.
"Gising na Sabrina. Breaktime na natin" napaangat ang ulo ko pero kaagad akong napadaing ng sumakit ito.
BINABASA MO ANG
My Husband Is Also My Professor *on-going*
Non-Fiction"Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba kung anong oras ang uwian niyo!!!" napapikit ako sa sigaw ni Harry sa akin. Ganito naman palagi eh, kapag late ako umuuwi o di kaya ay kapag aalis ako palagi niya ako sinisigawan. "May tinapos lang kaming project"...