Chapter 3

6.3K 200 17
                                    

Chapter 3

Tinignan ni kuya si Austin mula ulo hanggang paa at halos hindi maipinta ang mukha nya.

Anong bang problema ni kuya at beast mode na beast mode sya ngayon? Pero kunwari cool lang ako. Poise, poise, poise! Ganyan lang naman sya sa umpisa pero hindi naman nya ako matitiis na sundin ang gusto ko.

Pero medyo kinakabahan ako ngayon sa inaasta nya. Ngayon ko lang kasi sya nakita ng ganyan kaparanoid. It make sense naman, ngayon lang din naman ako nagpakilala ng lalake sa kanya, at isasama pa namin pauwi. Kahit sinong kuya ay mapaparanoid kapag ganon.

"Sayang ang lahi natin kuya kung sisimangot ka lang."

Ibinaling nya sa 'kin ang pagtingin nya ng masama.

"Paki explain nga ulit kung bakit kailangan nyang sumama sa atin?"

"I told you, we need to fix him."

"Bakit? May sira ba ulo nyan at kailangang kumpuihin? Kailan pa tayo naging mekaniko ng utak?"

"Naman kuya! Pwede bang sa bahay na lang tayo mag-usap? Nakaka-attract ka na ng atensyon. Sige ka, baka nasa chismis page ka na naman bukas."

Tumingin sa paligid si kuya, at katulad nga ng sinabi ko, may mga tao nang nakatingin sa amin. Yung iba naglalabas na ng cellphone dahil na-re-recognize na sya kahit pa naka shades at naka-hood pa sya.

"Get in."

"Not without him!" I folded my arms over my chest.

"It's ok, Audrey. Uuwi na ako. We can talk about this tomorrow. Or better yet, hanap ka na lang ng ibang taong pwede mong i-project. "Tumingin si Autine kay kuya. "Sorry sa abala." Tumalikod sya at lalayo na sana pero ikinawit ko ang kamay ko sa braso nya.

"Teka ka nga! Ano ba?! Mauubusan na tayo ng oras. We have so much to do. Asap na nga ito e." Hindi ko pa din pinakawlan ang braso nya at napatingin sya sa kamay ko. Mabuti naman at hindi sya umimik.

"Kuya, ako na lang ang sasama sa kanya. I-te-text ko na lang sa 'yo mamaya kung saan mo ako pwedeng sunduin." Hinila ko si Austine. " tara na bilis!"

"GEEEEZZZZ! Audrey! "

Hinilamusan ni kuya ang mukha nya sa sobrang inis.

"Ok! Ok! Get your butts inside the car!"

"Hindi na kuya, nakakahiya naman sa 'yo. Tignan mo at nagagalit ka na. "

Pakipot muna para mas lalo syang ma-guilty.

"Or better yet, si Austine na din maghahatid sa akin mamaya, alam ko naman na suuuupppeerr hectic ng schedule mo at hindi mo na ako maisisingit mamaya." May sasabihin sana sya pero itinikom na lang nya ang bibig nya at huminga ng malalim.

"Just get inside, magusap na lang tayo mamaya."

"Sige na sumakay na tayo, mukhang pigil na pigil na sa galit ang kuya mo." Bulong ni Austine sa akin.

I smiled at my kuya sweetly.

"Ok kuya, if you insist."

Habang pasakay ako ng kotse, nakita kong iiling iling si Austine. It's as if I've done something wrong. Tumaas ang kilay ko. Well, hello?! Ano ba ang ginawa kong mali? I just did something that I know will benefit me. Pina-guilty ko lang naman si kuya, anong masama don? Obligasyon naman nyang pangalagaan ako. Oh well. Ang simpleng bagay... I tried to brush it off pero bakit parang may kumatok sa dibdib ko. Was that guilt?

***

Matagal na hindi nakapagsalita si Kuya at pabalik-balik lang ang tingin sa aming dalawa ni Austine.

The Heartthrob ProjectWhere stories live. Discover now