Fading Away(05)

52 18 1
                                    


A/n: Ty sa support ^_^ click the extra link ^_^

Fading Away(05)

"Hoy! Lagyan mo nga ako nang kanin!" Sigaw ni Kuya Jake dun sa isa naming katulong na babae. Mukhang asar naman yung babae sa kanya kaya hindi ko inaasahan ang binulong niya.

"Akala mo ang gwapo hindi naman! Hmp!" medyo napatawa naman ako kaya lahat sila napatingin saken ng hindi oras.

"Sis? May nakakatawa ba?" If I know baka iniisip na nila na may mental disorder ako dahil tumatawa nalang ako ng biglaan. Kumuha naman ako nung steak bago sumagot sa tanong ni Argel.

"Ok lang." Saka ako kumain ng kumain. Bigla ko namang naalala yung sa third floor ng lumang building sa school kaya di ko naiwasang magtanong sa kanilang lahat. Nakaka-curious kasi nung sinabi ni Shin tungkol sa mga manikin na yun. "Ahm.. May gusto po sana akong itanong tungkol sa isang building doon sa school." Tumingin lang lahat saken ng kakaiba. Mukha yatang may itinatago sila saken na sekreto.

"Spill it." Sagot naman ni Daddy, tumango nalang ako at nagsimulang magsalita.

"About dun sa third floor ng old building. Yung puro manikin na mukhang tao. Ano po bang meron dun at bakit mukhang tao talaga sila??" Medyo tumahimik naman silang lahat hanggang sa nagsalita na si Daddy about sa kung anong meron sa room na yun. Sila kuya naman nagpatuloy lang sa pagkain na parang walang narinig. Samantalang si Mommy at Argel tahimik lang na nakatingin kay Daddy. Base sa kinikilos nila talagang merong kakaiba sa room na yun. Ano bang tinatago nila??

"Mga manikin sila but hinango sila sa totoong tao. Anong meron dun?? Ang mga taong pinaghanguan sa kanila ay ang mga estudyanteng namamatay sa Class 4-A1." Class 4-A1? akala ko ba kami na ang class 4-A? Bakit meron pang 4-a1? Atsaka bakit ngayon ko lang narinig ang section na yun? "Hanggat maari huwag na huwag ka nang pupunta dun." Tumago nalang ako bilang sagot dahil masyado nang seryoso si Daddy. Medyo harsh pa man din ugali niya.

"Anyway, lil sis anong balak mo kay Shin? Instant boyfriend mo na ba siya? Ha? Ha?" At ang makulit na si Argel. Gustong gusto ko na talaga siya batuhin pero nagpipigil naman ako at tinuhog ko nalang ng tinidor yung nakita kong steak sa plato ko. Hindi ko naman binigbigyan ng malisya yung kay Shin. Siguro hindi niya lang sinasadya yun. Siguro nga.

"W-wala. Hindi naman niya-"

"Hindi ako papayag!" Kuya Jan na mukhang meron na namang dalaw dahil halos basagin na yung plato dahil tinusok niya ng knife na panghiwa sa steak.

"F*ck! Ayoko din!" sino pa ba ang kuya kong mahilig magmura diba? "I don't like him!"

Parang kailan lang may pa-pre-pre pa silang nalalaman tapos ngayon galit na agad sila?? Kain parin ng kain sina kuya Jake,jin at jun ng magsalita silang tatlo ng sabay sabay.

"Ayoko sa kanya." Si Mommy naman ang tahimik. Para ngang hindi siya nag-eexist sa lamesa. Si Daddy naman tuloy parin ang kain at walang pakialam sa pinag-uusapan ng mga anak niya. So I have an interesting family pala. Sa tingin ko naman it's mt turn na para gulatin na naman sila. Gusto ko kasing makita ang ekpresyon nilang lahat sa isasagot ko.

"I think.. I'll rather have an instant boyfriend now. Diba mga kuya?? Mom,Dad and Argel?" Lahat sila nagbagsakan yung tinidor sa lamesa dahil sa sobrang gulat. Napatayo narin sina kuya Jules at Kuya Jun parang gustong-gusto nang manuntok ng marinig nila yung sinabi ko. Priceless nga yung mga itsura nila eh.

"What!? Are you serious?!" Tinitigan ko lang si Dad bilang sagot. Bakit parang may something kay Dad? Yung tipong akala mo gulat siya pero nnakita kong nakangisi pa siya sa isang banda. Pakiramdam ko tuloy may binabalak na masama to. Mas nakakatakot pa kasi siya sa Demon. I wonder kung anong klaseng anak si Daddy sa mga magulang niya dati at sa mga tao sa paligid niya. Ang speaking of magulang niya. Hindi ko pa namemeet ang iba pa naming relatives. Siguro naman may balak silang ipakilala ako sa mga kamag-anak namin diba? Kaya I'll just leave it nalang to them. Bahala na sila kung anong balak nilang gawin.

Fading Away(On-Hold)Where stories live. Discover now