Fading Away(14)

58 8 4
                                    

A/n: late update :3 happy 1.07k reads ^_^

---

Naririnig ko na naman... Ang musikang nagmumula sa loob ng lugar na yun. Tila hinahatak ako nito papasok sa loob.

"Mama!!" Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang batang lalaking yon. Ang batang lalaki sa panaginip ko!

"Anak naman, sabi sayo ni Mama huwag kang maingay diba?? Nasa simbahan tayo anak." Gulat na gulat lang akong nakatongin sa kanilang dalawa hanggang sa tumingin ang batang iyon sa akin..

Hindi ako pwedeng magkamali.. Siya yung bata sa panaginip ko.

Humakbang ako papalapit sa kanya pero naunahan niya ako at siya na mismo ang tumakbo papunta saken.

"Kamusta kana,Ate?? Ang tagal.nating hindi nagkita! Ang ganda mo pala talaga Ate!" Lumuhod ako sa harapan niya at hinaplos ang pisngi niya. Totoo siya.

"I-ikaw.. A-anong pangalan mo??" Hindi na niya nasagot ang tanong niya ng tawagin na siya ng Mama niya at tumakbo papunta sa kanya,pero bago ito tuluyang mawala sa paningin ko may sinabi ito.

"Magkikita pa ulit tayo,Ate.." At tuluyan na silang pumasok sa simbahan. Nawala na rin siya sa paningin ko kasama ang Mama niya.

"Siguro nga.." Bulong ko nang biglang may magwave ng kamay sa mukha ko.

"Sis!! Ok ka lang!? Nmumutla ka oh!" Si Argel na para na namang bakla as usual.

"Argel! Huwag kang maingay ok! Nasa simbahan tayo." Impit na sigaw ni Haley. Napatingin ulit ako kung saang pinto pumasok ang batang yun at ang Mama niya. Kailan ko pa kaya ulit makikita ang batang iyon?

"Nga pala umuwi na daw tayo sabi nila Kuya. Ang tagal na raw natin dito nagdonate lang naman tayo." Tumango ako ng lutang parin hanggang sa umalis na nga kami. Simula ng namatay si Mama hindi parin ako napasok sa sinbahan na iyon. Siguro nga.. Hindi pa oras.

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng maospital ako at sa loob ng isang linggong iyon medyo may konting pagbabago. Nameet ko narin si Kimberly ang nabuntis ni Kuya Jake. Maganda siya at mabait kaya naman nagkakasundo kaming dalawa.

"Ate... Helloooo!!! Tulala ka na naman diyan!!"  Nasa bahay na kami pero wala parin ako sa sarili ko. Pano kasi clueless ako sa batang iyon.

Di ko inaasahan na nag-eexist pala siya. Pero paano siya nakakapasok sa panaginip ko? At paanong kilala niya ako kahit panaginip lang iyon?

Ang gulo, hindi ko maintindihan.

"AAAAAATTTTTTTEEEEE!!!!!" Napalundag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang bunganga ni Argel. What the-!?

"Bakit mo ako sinigawan!?"

"Woooaahhh!! Chill lang Ate! Haha ayun si Relix nakabangla sayo kanina pa!! Dyan ka na nga!"  Iniwan na niya ako sa terrace at ng mapatingin ako sa kabila. Nandun nga si Shin.

Nginitian niya ako saka tumalon papunta sa terrace ko. May dala siyang strawberries at ang iba ay naglaglagan. Medyo napatawa ako dahil muntikan na siyang masubsob pero di ko pinahalata. Syempre baka magalit na naman to.

"K-kamusta na?? Para daw sayo sabi.. Tsk! Nung makulit."  Ahh.. Si Gwen pala ang nagpapabigay. Naupo naman siya sa katapat kong upuan atsaka sinubo ang isang strawberry.

"Akin yan ah. Haha hulaan ko gusto mo niyan pero hindi ka niya binigyan. Haha kawawa naman." At oo nagagawa ko ng asar asarin siya ngayon. Wala lang kahit hindi ko siya maintindihan minsan boyfriend ko parin naman niyan. Ewan ko lang kung aware siya or akala niya trip ko lang.

Fading Away(On-Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora