Chapter 4

2.2K 27 0
                                        

Lumapit ako sa anak ko at kinuha yung remote na nasa table. Hindi kasi ito makikipag usap hangga't may tv.

"Anak, gusto daw makipag laro sayo nitong bisita natin" saad ko sa anak ko, pinagmasdan nya muna si elliot na parang kinikilatis pa

"Pwede po nanay?" tanong nya

"Oo naman nak"

Tumayo sya at lumapit kay Elliot.
Halata sa mukha ng anak ko yung saya.

"Hello po, ako po pala si Xander" masayang pagpapakilala nya

"And I'm your poging tito Elliot"

Yabang talaga nito parehas sila ng kaibigan nya.

"Yeheyyy!! May tito na ako" masayang saad nya

Tito palang yan anak, ano kaya yung reaksyon mo kapag yung tatay muna ang kaharap mo. Tatanggapin mo kaya sya?

Nag uusap na silang dalawa, hindi ko nga maintindihan kung ano na pinag uusap nila since related sa mga kotse ang pinag uusapa nila.

"Elliot, ikaw muna bahala sa anak ko magluluto lang ako ng tanghalian" bilin ko sa kanya

"Yes, madam" saad nya sabay saludo

"Wag mo yan kidnapin, sinasabi ko talaga sayo papakulong kita" banta ko sa kanya.

"Takot ko lang sayo" natatawa nyang saad

Iniwan ko na nga sila sa sala lara makapagluto na ako. Magluluto lang ako ng Adobong Manok.

Bukod sa mata, ilong at kilay na nakuha ni xander sa tatay nya pati ang pagkahilig sa ibang pagkain namana nya rin.
Hindi mahirap pakainin ng gulay si xander since nung two years old palang sya sinanay ko na.

At sana hanggang sa lumaki sya, kumain pa rin sya ng gulay. Nung natapos na ako magluto tinawag ko na yung dalawa para kumain. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko dito pakakainin si Elliot.

"Thank you nanay" masigla nyang saad

"Careful anak"

"Buti marunong na sya kumain mag isa"

"Tinuruan ko na sya, since may mga time talaga na di ko sya masubuan" sagot ko

"Big boy na po ako tito" pagmamalali nya

"Kumakain ka ba ng gulay?" Tanong naman ni elliot.

"Opo, sabi ni nanay kailangan ko daw po yun para di ako sakitin"

"Finish your foods na anak and kapag natunawan na ano gagawin?"

"Maliligo po" masigla nyang saad at pinagpatuloy na yung pagkain.

Nung natapos na kami ako na yung nagligpit, nagprisinta na nga sana si Ellito kaso sabi ko ako na lang kasi bisita namin sya.

Inayos ko muna ang mga pagsalansan nung plato at lumabas na sa kusina.

"Uwi na ako Blythe, salamat pala sa pagkain."

Tumango lang ako sa kanya.

"Dadalaw ulit ako dito"

"Sige pero wag mo isasama yung kaibigan mo"

Tumango lang sya at lalabas na sana kaso tinawag sya ni xander.

"Tito, uwi ka na po ba?"

"Oo eh, may work pa kasi si tito. promise babalik dito si tito, dadalhan kang pasalubong"

"Sige po, byebyee po. Ingat po kayo tito" paalam nya

"Ang dali lang pala kausap nung anak mo" nakangiti nyang saad.

"Kapag alam nya kasi na mapagkakatiwalan ganun sya" saad ko

"Sige uwi na ako baka tumawag na si-"

Hindi nya na natapos yung sasabihin nya kasi nag ring na yung cellphone nya.

["Alcantara"]

"Yow!" Rinig ko na bati nya sa kausap nya

["Where the hell are you?"]

"Kalma lang, miss mo agad ako Salazar"

d_____b

Tánginá, si Everett kausap nya.

["Tsk! Pumunta ka dito sa opisina, magpapatulong ako sayo maghanap kay Elizabeth"]

Tumingin sya sa akin sabay ngisi bigla akong kinabahan, don't tell me sasabihin nya na andito kami kasama nya.

"Akala ko ba hindi mo na hahanapin?" parang nang aasar nya na tanong

["Kailangan ko hanapin si Elizabeth baka ako yung ama nung pinagbubuntis nya noon."]

Tumingin muna sya sa akin bago nagsalita ulit.

"May anak kayo?" kunwaring tanong nya

["Kaya nga nagpapatulong ako sayo diba!]

Hindi ko marinig kung ano man yung sinasabi ni Everett. Pero sigurado ako na hindi nya alam na nagbunga ang nangyare sa amin noon.

"Oo na, punta na ako dyan" parang napipilitang saad ni Elliot.

"Una na ako Blythe, wag ka mag aalala di ko sasabihin na andito kayo nitong anak mo"

"Ingat ka sa byahe" bilin ko

"Paalam lang ako sa anak mo"

Tumango lang ako at tiningnan sya papunta kay xander.

"Xand, uwi na si tito. May trabaho pa kasing gagawin si tito eh" malumanay na paalam nya.

"Babalik ka pa po ba dito?"

"Oo naman, kapag may free time ako babalik ako"

"Sige po, wait ka po namin ah. Ingat po ikaw sa pagdrive po"

"Una na ako Blythe baka maging dragon na naman yung isa na yun"

Hinatid ko na sya palabas ng bahay.
Umaasa ako na sana hindi nya sabihin kay Everett na andito kami. Ayoko na mag krus pa ang landas naming dalawa. At kahit ilaban nya pa sa husgado para lang makuha ang anak ko, hinding hindi ako papayag at lalaban ako. Ako lang ang may karapatan sa anak ko.

Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1) Where stories live. Discover now