Kinakabahan ako ngayon kasi kung si Everett talaga yun baka kunin nya sa akin ang anak ko. Hindi na ako mapakali.
"Nanay, ok lang po kayo?" tanong sa akin ng anak ko
"Opo anak" sagot ko sa kanya.
Gabi na at mayamaya ay matutulog na kami. Hindi na ako nakaoagreply pa kay alice dahil sa lumilipad ang isip ko.
*ting
*ting
+2 new messages from Elliot Alcantara
Inopen ko na at binasa ang message ni Elliot
Alcantara: blythe, kumusta kayo?
Andyan ba si salazar?
Nagtype na ako para magreply sa kanya.
You: oo, kanina nakita ko sya.
Alcantara: nag ala magtataho pa talaga yun para lang masilayan kayo 😆🤣
Pang aasar nya sa akin, nagawa nya pa talagang mang asar samantalang ako kinakabahan na.
You: hoii 😡 sinabi mo ba kung saan kami? Kaya nya kami nahanap?🤨🤨
Alcantara: hindi
Magrereply pa sana ako nung may kumatok sa pinto.
"Nanay may tao po"
Tumayo na ako para tingnan kung sino ang nasa labas pero laking gulat ko nung si Everett ang nasa labas.
"Its been five years, Elizabeth" seryoso nyang saad
Gusto ko syang pagsarhan ng pinto pero ayoko naman na makita yun ng anak ko.
"Good Evening po, Sir! Ano po ang ginagawa nyo dito, gabi na po?" Kunwaring tanong ko sa kanya.
Sinamaan nya lang ako ng tingi at napadako ang tingin nya kay xander.
"I want an honest answer, Ms. Falcon that boy is mine right?"
"Anong sayo? Pwede ba wag ka mang angkin ng hindi sayo" inis na saad ko
"But he's my carbon copy, don't deny it"
Sinamaan ko lang sya nang tingin. Di porket kamukha nya eh, aangkin nya na sa kanya.
"hindi mo sya anak" inis na saad ko sa kanya
"So? Asan ang tatay nya?"
"nasa ibang bansa, nagtratrabaho" pagsisinungaling ko
"Oh, really? Ngayon nagsisinungaling ka na"
Napairap lang ako ng mata.
"Wag mo akong iirapan dahil baka patirikin ko yang mata mo habang binabanggit ang pangalan ko" banta nya sa akin.
"Bastos!"
Ano ba kasi kailangan nya sa amin? Tahimik na buhay namin tapos gugulihin nya pa kami. Pinaakyat ko muna sa kwarto namin si xander, ayoko na marinig nya kung ano man ang pag uusapan namin.
"Ano ba talaga kailangan mo?"
"Kayo ng anak ko ang kailangan ko"
"Wala kang anak dito, yang bata na nakikita mo? Akin lang yan."
"Anong iyo? Samantalang ungol lang naman ang ambag mo nung ginawa natin yan"
Hindi na ako nakapagtimpi at sinampal nya sya. Yung lahat ng sakit na dulot nila bumalik lahat sa akin. Kung makapagbiro parang walang ginawa.
"Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa dito sa pamamahay ko" galit na saad ko sa kanya
"Ikaw pa itong galit?! Pagkatapos mo akong iwan na lang bigla!" walang emosyon nyang saad
"Iniwan kita dahil niloko mo ako at dahil sa kagagawan nyo muntik na mawala sa akin ang anak ko" hindi ko na mapigilan ang mapaiyak kapag naalala ang pangyayare na yun.
Hangad ko lang noon ay tahimik at masayang pamunuhay eh. Akala ko noon kakampi ko na sya, yun pala isa rin pala sa mananakit sa akin.
"anong niloko? Alam ko kung bakit ako nasa America diba? Alam mong mahal kita kaya bakit kita lolokohin?"
Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Kinuha ko yung cellphone ko at hinananap ang matagal ng nakatago. Pinakita ko sa kanya ang mga larawan na pasimpleng kuha noon.
"Sino nagsend nyan sayo?" tanong nya sa akin
"Unknown number lang ang nagsend nyan noon sa akin"
"D@mn it! Kaya ba iniwan mo ako bigla? Kaya ba naglaho ka na lang bigla?" Tanong nya sa akin at tanging pag tango lang ang sagot ko sa kanya.
"Pero bakit hindi mo sa akin sinabi na buntis ka pala? Pananagutan naman kita dahil mahal kita." bahid sa boses na ayun ang lungkot at sakit.
"sasabihin ko naman na sana sayo kaso dahil sa nagsend ng larawan na yun hindi ko na ginawa dahil sa sakit na naramdaman ko" Hindi ko na mapigilan pa ang mapahikbi.
"kwento mo sa akin lahat nang pangyayare na yun Elizabeth" seryosong nyang saad
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"After 3 days since pumunta ka sa America, pinacheck up ako ni alice sa obgyne at nalaman namin na buntis na ako nun" pinilit ko na wag umiyak or pumiyok.
"Pag kauwi ko non, andun sila mommy at nagalit sa akin nung malaman na buntis at disgrasyada daw ako. Dahil kung ano ano ang sinabi sa kanila ni Esme na ikakasira ko. Gusto nilang ipaabort ang anak ko nung hindi ko masabi kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko"
"Anak natin!, NATIN!"
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pag sasalita.
"Hindi ko sinabi na ikaw ang nakabuntis sa akin dahil hindi ko naman sigurado kung pananagutan mo ako at dahil dun mas pinili ko na itakwil nila ako kesa ipaabort amg anak ko."
"At ayun nga gaya nang sabi ko sayo, sasabihin ko na sana nung makita ko yung mga larawan nyo. At dahil sa stress, muntik na mawala sa akin ang anak ko dahil sa mahina ang kapit nito."
Mahabang kwento ko, walang mababakas sa emosyon sa kanyang mukha
Hindi na sya nagsalita at iniwan na ako. Sumakay agad sya sa kotse at umalis. Naiwan akong umiiyak. Bakit ka pa kasi nagpakita dito? Sana hindi na lang diba? Ayos na kami dito ng anak mo eh. Tahimik at payapa na kami dito.
(A/N. Good Luck sa mga magtake ng exam bukas for RN 🫶. Thank you po sa pagbabasa.)

YOU ARE READING
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
General FictionDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.