3 - Glimpse of the Past (His Version) - Part 2

10.5K 250 0
                                    


Ilang araw na akong hindi umuuwi sa amin. Dito ako nag-i-stay sa apartment ng girlfriend ko. Wala akong condo o ibang matutuluyan. Tinitipid ko din ang pera ko.


"Hon, ilang araw ka na dito, hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" takang tanong nya, hindi ko pa kasi sinasabi ang sagutan namin ni Mommy


"Bakit? Ayaw mo na ba ako dito? Nagsasawa ka na ba sa akin?" malambing kong tanong at saka dinaganan ulit sya at saka pinaghahalikan sa leeg


"Of course not! Baka lang lalong magalit ang Mommy mo sakin sa ginagawa mong yan."


"Well, galit nga sya. She even threathen to disinherit me kung pakakasalan kita."


"What? NO! Hindi pwede!" napabangon nyang sagot. Muntik pa akong mahulog, mabuti at mabilis ang reflexes ko.


"Hindi problema yun sakin hon."


"How about your Dad?" mabilis nyang tanong


"Mom's decision is as good as Dad. Hindi yun papalag kay Mom." Kibit balikat kong sabi, totoo naman, kadalasan, Mom has the final say to everything.


"Hindi pwede! Paano tayo mabubuhay?" nagpapanic nyang sagot


"Magtatrabaho ako. Kaya kitang buhayin."


"No! Hindi pwede! Makipag-ayos ka sa Mommy mo. Umuwi ka na." matigas nyang sabi at saka lumabas ng kwarto.


Nagbihis ako para sundan sya at naabutan ko syang umiinom sa kusina.


"Ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na at amuhin ang Mommy mo!" galit nyang baling sa akin. Mana. Tama nga ba sila Mommy sa pagkakakilala sa girlfriend ko?


"Dahil lang ba doon kaya mo ako pakakasalan?" Nasasaktan kong tanong, bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha nya.


"Of course not! Hon, ayoko lang na nag-aaway kayo ng Mommy mo ng dahil sa'kin. Dapat kasi, makuha natin ang blessings nya." biglang nagbago ang mood nya, biglang naging malambing ang boses na sabi nya, may point naman sya kaya hindi na ko nakipagdiskusyon. Nagpaalam na lang ako na uuwi ng bahay. Siguro nga ay kailangan ko ng kausapin si Mommy, baka malamig na ang ulo nun.


Pauwi na sana ako noong makasalubong ko ang kotse ni Mommy na papasok sa kanto ng apartment ng girlfriend ko. Mukhang hindi nya ako napansin dahil dire-direcho lang sya. Mas mabisis sa normal ang takbo ng kotse nya. Agad akong lumiko para sundan sya. I kept my distance para hindi nya mahalata na sinusundan ko sya. I parked my car three house away from my girlfriend's apartment. Dire-direchong pumasok si Mommy sa loob kaya nagmadali akong pumasok din. Doon ako sa kusina dumaan para hindi nila ako makita.


"Magkano ang gusto mo para layuan mo ang anak ko? Twenty Million ang sabi mo diba? Ibibigay ko na, layuan mo lang ang anak ko." mataray na sabi ni Mommy. Nasa sala sila at kurtina lang ang pagitan noon sa kinalalagyan ko.

My Little BrideWhere stories live. Discover now