9 - Present Time

10.8K 249 4
                                    


I've been out of my system these past few days, wala akong magawa. Simula noong Sunday night, hindi na ako tumigil sa kakaisip sa kanya. Idagdag pa ang paulit-ulit na pag replay sa utak ko ng ginawa kong kagaguhan sa kanya years ago.


Kinapalan ko na din ang mukha ko na hingiin ang cellphone number nya sa boss nya para matawagan sya. Alam ko naman na nasa Mindoro sya ngayon kaya imposible na makita ko sya. At least kung tatawagan ko sya, maririnig ko ang boses nya.


Pero isang "Hello" lang ang narinig ko sa kanya at pagalit pa ang tono. Para bang alam nyang ako ang caller. Pagkatapos kong ipaalala sa kanya ang meeting ay hindi na sya sumagot kaya pinatay ko na lang ang tawag.


I guess, I have to wait until it's Friday. Nakiusap din ako kay Mr. Pineda na kung pwede ay isama ko sya sa Marinduque sa Monday, para makita nya ang resort. Gusto kong ipakita sa kanya ang lugar para magka idea sya kung ano ang magandang designs. Kaya lang ay hindi nag-commit si Mr. Pineda at sinabing itatanong daw muna nya kay Ferline kung pwede ito.


Kailangan ko pa palang kausapin si Dad at Mom tungkol sa schedule ng pagpunta ko sa Marinduque. Ayoko namang hayaang pumunta ng mag-isa si Ferline at baka kung ano pang mangyari sa kanya doon.


"Brod, bumalik na daw si Ferline?" bungad sa akin ng kapapasok lang na si Shane. Hindi pa naisasara ang pinto.


"Says who?" I asked. Kanino naman nya nabalitaan? Sa akin nga wala pang nagsasabi eh? Tapos sya ganun lang kabilis nalaman?


"Kay Miguel. Hulaan mo kung nasaan sya?" Excited na sabi nya, para bang may alam sya na hindi ko alam.


"Saan?" walang gana kong tanong, alam ko naman kung saan sya nakatira.


"Sa Mindoro pre! Sa Mindoro lang pala sya nagtatago! May project kasi si Miguel doon ngayon at hindi sinasadya na makita nya si Ferline. May inuupahan daw na cottage." Masigla nyang kwento. Tinitigan ko lang sya.


'Pre, ano ba namang reaksyon yan? Ako nga excited tapos ikaw parang wala lang? Tarantadong Miguel, pinagnanasaan talaga si Ferline, mas lalo daw gumanda at sumexy!" dagdag pa nya. Yun ang kumuha ng atensyon ko!


"Subukan lang nya!" Asar kong banta.


"Ewan ko lang, kursunada na nya yun dati pa e! Hindi lang makaporma dahil sa'yo." Natatawang kwento ni Shane, itinaas pa ang dalawang paa sa table ko. Alam ko naman yun, matagal ng crush ni Miguel si Ferline, palagi ko lang binabantaan dati kaya hindi makalapit kay Ferline.


"Nagkita na kami, nung nakaraan pa."


"Whoa! You're fast man!" gulat nyang sabi,


"Actually, coincidence lang." pag-amin ko


"How?" He asked.


"Kalalaking tao, tsismoso. Sya ang Interior Designer ng Resort sa Marinduque." Sagot ko

My Little BrideWo Geschichten leben. Entdecke jetzt