34th Mail

2K 64 8
                                    

Mula sa paggising ko hanggang sa makapasok ako ay wala ako sa aking sarili. Mabuti nga at nakapasok pa ako sa trabaho. Nakatitig lang ako sa screen ng monitor.

"Aya, okay ka lang ba?"

Napatingin ako kay Miss Yna na nagtanong sakin. Ngumiti ako dahil nakangiti siya sakin. "Okay lang po, miss," sabi ko.

Tumango siya at bumalik na sa table niya. Hindi pumasok si Gina, hindi ko alam kung bakit... Hindi naman siya nagtext o tumawag sakin.

Ilang sandali ang lumipas, pinilit kong ilagay ang aking isipan sa trabaho pero hindi ko talaga magawa pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin kagabi. Nabalik ako sa wisyo nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, isang number na hindi naka-register sa sim ko ang lumalabas sa screen. Nagdalawang-isip akong sagutin pero nang malapit na matapos ang pag-ring ay sinagot ko na rin.

"Hello?" bungad ko.

"A-aya?" tawag sakin ng isang boses ng lalaki. Nabosesan ko ang lalaki at alam kong si Adam 'to.

Tumingin ako sa buong paligid ko at medyo hininaan ang boses ko. "Adam, nasaan ka? Ilang linggo ka ng hindi pumapasok, a," sabi ko.

"A-aya, t-tulungan mo ko... Please..." garalgal ang boses ni Adam. May sinabi siyang lugar sakin.

"A-adam! Adam! Anong nangyayari sa'yo—"

Biglang naputol ang linya. Sinubukan kong tawagan ang number na ginamit niyang pantawag sakin pero cannot be reached na ang linya nito.

Ilang sandali ang lumipas, isang number na naman na hindi naka-register sa sim ko ang tumatawag sakin. Sa pag-aakalang si Adam ito, sinagot ko kaagad.

"Adam—"

"Aya, si Lisa 'to..."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan na 'yon. "B-bakit ka napatawag? K-kanino mo nalaman ang number ko?" tanong ko.

"Hindi na 'yon mahalaga, Aya," sabi niya. "Ang mahalaga ay 'yung magkita tayo at makapag-usap... May gusto akong aminin sa'yo,"

"Bakit hindi mo na lang sabihin sakin ngayon?" tanong ko ulit. May sinabi siyang isang restaurant na malapit lang sa building ng opisina namin. Sinabi niyang do'n kami magkita para makapag-usap. Lunch break naman na kaya pupuwede na akong umalis.

"Importante ang sasabihin ko, Aya, at baka ang sabihin ko sa'yo ang maging sagot sa lahat ng nangyayari sa inyo... Kaya sana pumunta ka..." sabi niya at naputol na ang linya.

***

Nang makarating ako sa restaurant na sinabi ni Lisa ay agad kong hinanap kung saang table siya naroon. At nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan. "Lisa,"

"Aya," tawag niya sakin at ngumiti. Nilahad niya ang kamay niya sa bakanteng silya sa harapan niya. "Upo ka..." sabi niya.

Umupo ako gaya ng sabi niya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaunting pagkailang sa pagitan namin ni Lisa.

"Ano bang sasabihin mong importante sakin, Lisa?" tanong ko.

"Ano bang gusto mong malaman?" pabalik niyang tanong sakin.

Tiningnan ko siya ng mariin sa magkabila niyang mata. "Ano ba ang mga dapat kong malaman?"

"Na hindi talaga si Liam ang ama ni Cedric..."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-paano nangyari 'yon?" gulat kong tanong.

"Hindi anak ni Liam si Cedric... Peke ang DNA test result na ipinakita ko kay Liam dahil 'yun ang plano..." sabi niya.

Tiningnan ko siya. Isang tingin na may galit na makikita. "Anong plano at bakit kinailangan mong magsinungaling?"

"Kinailangan kong magsinungaling dahil 'yun ang plano ng asawa ko..."

"Bakit? Para saan? Anong naging atraso ni Liam sa pamilya mo?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"Hindi lang para kay Liam ang plano ng asawa ko, Aya," sabi niya. "Kung hindi para sa inyong magkakaibigan..." dagdag niya. "Hindi mo man lang ba itatanong kung sino ang asawa ko?" tanong niya.

"S-sino..." huminga muna ako ng malalim bago dugtungan ang tanong ko. "S-sino ba ang asawa mo, Lisa? 'Yung totoong asawa,"

Tiningnan niya ako ng mariin sa mga mata ko. "Si Adam..."

Death MailDonde viven las historias. Descúbrelo ahora