DC-25

13.2K 522 61
                                    

CHAPTER 25

Hindi natanggal ang tingin ni Papa kay Prime pagtapos nun. Bumilis ang tibok ng puso 'ko at parang bumagal ang pag-galaw nila.

SHET. Hindi panaginip! Talagang sinabi ni Prime!

"Prime?!" Pabulong ko. Shit.

Nilingon niya ako, "They need to know."

"Ma... Pa..."

"CHALEMAGNE KAILEY." Nabigla ako sa pagpalo ni Papa sa mesa. "Kailan mo pa karelasyon itong lalaking ito?"

"Papa--.."

"KAILAN?"

Bakit ganun! Bakit niya agad sinabi? Pakerimoru! Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo na one month pa lang kami magkakilala ni Prime. Kapag sinabi ko iyon, malamang hindi sila papayag na ipakasal ako kay Prime. I mean... Duh! Isang buwan palang, kasal agad?

"Last month lang po." Si Prime na ang sumagot. SHIT.

"Last month? Tapos kasal agad? Anak, nabigay mo agad ang sarili mo?" Chill lang si Mama habang kumakain na nagkakamay. Palibhasa alam niyang sure na maganda ang buhay ko kay Prime!

"Ma hindi!"

"Wala pa pong nangyayaring ganon sa amin ni Charm. I'm marrying her because I love her. Not because i have a responsibility."

Natahimik ako. Pakerimoru. Ano bang laro ito?! Ni-hindi nga niya ako gusto tapos sasabihin niya pang mahal niya ako? Walang hiya itong lalaking ito!

"CK, 17 ka pa lang. Bakit ganon? Atsaka... Ang bata mo pa. Ang plano mo diba 25 ka ikakasal?" Sabat ni Charlene.

"I'll marry her when she gets 18. I am not gonna stop her from pursuing her dreams kahit kasal na kami. I just want her mine." Prime.

"Ah! So.. gusto mo itali ng maaga ang anak ko para hindi na maagaw? Sabagay. One of a kind 'yang anak ko. Malas mo lang talaga kapag nasayo na at pinakawalan mo pa." Mama.

"Cherrilyn! Anong pinagsasabi mo?" Galit na utas ni Papa. "Hindi. Walang kasal na magaganap."

"Hoy wag kang ganyan! Dugo ni Prime ang nananalaytay diyan sa katawan mo! At siya rin ang dahilan kung bakit hindi nabulag si Charlene." Mama. SUPPORTIVE HA!

Natahimik ang lahat. Maski si Prime ay hindi nagsalita ulit. Si Papa halatang galit at hindi tanggap ang sinasabi ni Prime.

"Madaming pangarap si CK. Hindi iyon pwedeng malusaw ng dahil... Ng dahil lang sa pagmamahalan niyo." Malamig na utas ni Papa.

"Huy! 'Wag mong nila-lang ang love! Powerful 'yan!" Mama talaga! Tssk!

"As i said po kanina, hindi 'ko po hahadlangan si Charm na ipursue yung mga pangarap niya. She can do whatever she wants and I will gladly support her." Prime. Consistent ang mokong.

"Wow! Istariray ng taon ang kapatid ko! Haba ng buhok!" Pangaasar ni Charlene.

"Any thoughts?" Bumaling si Papa sa akin.

"Uhm.... N-nag audition po ako as commercial model. Sinuportahan po ako ni Prime 'don. Kaya...."

"You're gonna be seen on TV? Oh my gosh! Talaga CK? Huy! Pasok mo din ako pag wala na 'tong sementong ito!" Charlene. Nag-belat lang ako sakanya.

"Talaga anak? Naks! Pa-fansign po! Humalakhak si Mama at nakipag-high five pa kay Charlene.

Tahimik lang si Papa pero halatang nakikinig.

Hindi ko alam kung ano ang balak sa akin ni Prime. Pero sige lang, mapaglaro ang tadhana kaya lalaruin ko siya. Hindi na ako bata para matakot sumugal. Kung masaktan, edi okay! Atleast matututo ako.

"Dun lang ako sa kwarto." Ani Papa at siya na mismo ang nagtulak sa wheelchair niya gamit ang kanang kamay niya.

"Tutulungan na kita." Mama.

"Uy hala ako din." Charlene.

Nagsi-alisan sila at agad 'kong nilingon si Prime.

"Prime, bakit mo ginawa yun?"

"What? We're gonna get married. They're your family, it's their right to know."

"Ano ba balak mo sa akin? Ha? Kanina sabi mo papakasalan mo ako kasi mahal mo ako. Eh alam naman nating pareho na wala kang nararamdaman para sa akin!"

"Then what do you want me to say? That I'll marry you just because something already happened between us?"

"Hindi. Sana inamin mo na ginagamit mo lang ako para sa sarili mong kapakanan. Na kapag 21 ka na hindi mo na ako kilala! Ano Prime? Hindi ba't ganon ang mangyayari?"

"Do you really think that's the only reason why I'll marry you? Ganon kababaw ang tingin mo sa akin, Charlemagne?" Naningkit ang mata niya.

Bakit ko nasabi iyon? Ugh! Alam kong nakaka-offend 'yun pero sinabi ko lang naman kung ano ang nararamdaman ko, eh!

"Prime I'm sorry--..."

"I'll go now."

Nasapo ko ang noo ko nang marinig kong nakaalis na ang sasakyan niya. Anong klaseng tao ako? Pagtapos ng lahat na kabutihan niya, ganon ko siya mapagsalitaan? Na ginagamit niya lang ako? Lintsak. Ang shunga mo CK!

Naghugas ako ng pinggan pero siya parin ang nasa isip 'ko. Ano bang gayuma ni Prime at bakit ganito ako kaapektado sakanya? Gusto ko manghingi. LOL.

Naglinis muna ako ng buong bahay. Niliguan si Charlene na naka bra't panty dahil nahihiya daw siya sa akin. Sus! Pinalitan 'ko din ang bandage ni Papa sa kaliwang paa niya.

"Pa, nanagot po ba yung naka bundol sainyo?" Tanong 'ko.

Hindi siya umimik kaya napabuntong hininga na lang ako. Alam 'kong hindi siya payag sa sinabi ni Prime na papakasalan kuno niya ako pag 18 na ako. Maski ako, pakiramdam ko ang bata ko pa para matali. Ako kasi, pumapayag ako sa mga sinabi ni Prime kasi naniniwala akong para sa media at sa pamilya niya lang ang lahat ng ginagawa namin. Kaya nagulat ako ng nagpaalam siya kay Papa tungkol sa pagpapakasal.

Damn. Prime. Hindi kita maintidihan. Kung siguro ay gusto o mahal mo din ako ay mas magiging madali sa akin na ma-sink in ang lahat ng 'to sa utak ko.

Magpapakasal ba kami? Pero hindi niya ako mahal. That would be selfish. Kasi kung ako ang tatanungin, gusto ko. Gustong gusto. Oo, bata pa ako para sa marriage pero hindi ko magets ang sarili ko. Mabilis akong napapa-oo ni Prime sa lahat ng bagay.

Tsk. Mahal ko na ba yung taong regla na yun? Hay naku. Ang bilis naman? Pero sabi nila hindi naman nagmamatter kung kailan mo lang siya kilala, eh.

Hay. Gulo! Tsk.

Nang mag-gabi ay nagpaalam ako kay Mama na umalis.

"Huh? 10 na ng gabi, CK. Delikado sa daan."

"Ma, hindi kami nagkaintindihan ni Prime kanina."

"Itext mo na lang."

"Mama please. 'Don na lang din ako matutulog sa hotel."

"Diyos miyo!" Nag sign on the cross pa si Mama. "Hindi pa nga kayo kasal, anak."

"Ma hindi yun katulad ng iniisip mo!"

"Osha, babush! Dalian mo. Ilolock ko pa ang gate, 'yoko mapuyat." Tignan mo talaga itong nanay ko.

Naligo ako at nagsuot ng black tshirt at black shorts din. Nag-abang agad ako ng taxi sa harap ng bahay namin at buti na lang ay mayroon.

Dinial ko agad ang number ni Prime.

"Prime! Nas--...."

"Who's this?"

Boses babae! Shit! SHIT! Nambabae agad?

Despicable's CharmWhere stories live. Discover now