DC-41

15.5K 431 169
                                    

CHAPTER 41.

Napahinga ako ng malalim. Wew! Tapos na din ang midterms! At kampante ako sa mga naging sagot 'ko.

Nakasalubong 'ko si Vieve sa hallway. Nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ang braso 'ko. I raised my eyebrow, "What?"

Nagulat ako nang mag-smirk siya. Di bagay! Panget niya! "I'll see you again next month."

Sakto. Next month kasi 3 weeks ang sembreak namin.

"Okay." Inagaw ko ang braso ko sakanya at inirapan. Pero bago ako makalayo ay hinarangan niya ako ulit, "Ano ba?" Iritang tanong 'ko.

"Wala lang. Naeexcite lang ako makita ka ulit after 3 weeks." Ngumiti siya at lumakad palayo. Weird!

"Hey, charm! Next week na tayo mage-el nido! Ano, ready ka na ba?" Nag-cling sa akin si Kira at napagusapan namin ang aming mga balak sa darating na getaway.

Bukas ay pupunta ako sa star creatives. Bukas na kasi magsisimula ang mall tour namin ni Tammy at narelease narin ang commercial. Nakakatuwa kasi nang icheck ko ang facebook, instagram at twitter ko ay punong puno iyon ng notifications. May mga nakikita pa akong fanpage at nung isang araw ay may iilang nagpapicture sa akin at anila'y idol nila ako. Nakakatuwa! Hindi pa ako ganon ka-sikat pero natutuwa na agad ako sa fame. Kasi hindi ko naman ito hinanap ng basta, pinaghirapan ko ito.

[Charm and Tammy's commercial on multimedia]

Despicable's CharmWhere stories live. Discover now