2 : Stress Outlet

12.7K 422 32
                                    


Ayoko talaga ng Monday! Ang daming trabaho kahit na pumasok naman ako ng Sunday. Kaya nga kapag may nagpo-post ng tungkol sa hinanakit nila dahil Lunes na ulit ay napapa "I feel you" na lang ako. Every damn time.

Gumala ulit ako sa mall, pero hindi para maghanap ng itinadhana sa akin ng langit. Pumunta ako ng mall para maglabas ng lahat ng pagod ko.

Kung ang iba sa spa ang punta ako sa Sports Zone. Sa ayaw at sa gusto nila KAKANTA AKO!

Hindi maganda ang boses ko. Alam ko 'yon, hindi na kailangan na ipagsigawan pa. Trip ko talaga ang kumanta ngayon kaya kahit bumagyo pa kanina walang makakapigil sa akin.

Eto ang mga kinanta ko kanina:

1. Where Do Broken Heart Goes
2. Bakit Nga Ba Mahal Kita
3. I Don't Want You To Go
4. Someone's Always Saying Goodbye

First part lang iyan kasi may second set of songs ako na napili.

5. Club Can't Handle Me
6. Without You
7. Super Bass

Eto naman ang third set of songs ko:

8. Power of Love
9. When You Believe
10. I'll Never Love This Way Again

At ito ang last set of songs ko. Mabuhay ang mga hopeless romantics!

11. When I Met You
12. Suddenly Its Magic

Sinulit ko talaga. Ang tagal ko naghintay.

Pag-uwi ko sa bahay akala ko liliparan na ako ng tsinelas kasi hindi ko nasagot ang MGA tawag ng nanay ko. Buti na lang unan lang ang ibinato sa akin.

Thank you Lord, ang buti Mo po sa akin.

Miss Adventure DiaryWhere stories live. Discover now