5 : Day Two - First Move

6.6K 248 15
                                    


Hindi na kasi talaga ako nakatiis, kahit na dalagang pilipina ako, ako pa rin ang gumawa ng first move. Ako na ang lumapit sa kanya.

Ako: Hi! (Medyo nahihiya lang na bati ko sa kanya.)

Siya: Hi!

Tapos wala na siyang ibang sinabi. Wala yatang kwentang kausap. O baka naman hindi talaga siya interesado sa akin?

Ako: By the way I'm Zed, and you are?

Siya: (tinuro niya ang name tag niya sa left chest niya. Ang tanga ko 'di ba?) Stephen. (Tapos nakipag-shake hands siya.) I'm from Polytechnic Builders Corporation.

Grabe! Mas malambot pa ang kamay niya kumpara sa kamay ko na malapit na yatang tubuan ng kalyo.

Ako: and I'm from United Polygon Incorporated.

Magtatanong pa sana ako ng tungkol sa kanya, pero hindi na natuloy kasi may announcement.

Speaker: calling all attendees of Builders Association of the Philippines and other participants, please proceed to Hall B for the continuation of our discussions. Thank you.

Bwisit talaga. Tatanungin ko pa naman siya kung may girlfriend na siya tapos may biglang eepal. Tapos hanggang sa matapos ang day two hindi ko na ulit siya nakita at naka-usap.

Asar talaga!

Miss Adventure DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon